CHAPTER 64 - JAYSON POINT OF VIEW

1491 Words

"Nakauwi na pala kayo." "Opo, Tita. Nagdala kami ng konting pasalubong," sagot ni Lisa kay Mama. "Nag-abala pa kayo." "Ma? Si Papa?" tanong ko. "Nako, wala. Bakit?" Tiningnan niya ko. "Next week na balik ko sa kumpanya pero wala pa rin siyang sinasabi sa akin." "Dapat ba meron?" biro ni Mama. "Lisa, hija, umupo ka muna dito. Gusto kong magkwento kayo kung kamusta ang naging honeymoon niyo." Hindi niya na ko pinansin. Nakangiting umupo si Lisa, titingin-tingin sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at minostrahan akong tumabi. "Bakit parang nahihiya ka pa sa akin?" "Hindi naman po sa gano'n, Tita. Ito kasing si Jayson ayaw papong maupo." "Mama na lang din kaya ang itawag mo sa akin?" "Po?" "Matagal-tagal na rin kayong kasal. Bakit hindi pa mama ang itawag mo sa akin?" "Ah, sige

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD