"Baby?" Huminto ako sa pagpasok ng kwarto nang umiba siya ng direksyon. "Wala ka naman sigurong tinatago sa akin, right?" tanong ko. Hindi ko siya maintindihan. Ngayon lang siya umarte nang ganyan. Bigla na lang siyang nawala sa paningin ko na parang multo. Nakilala ko si Alex bilang katropa ni Kassandra. He's good. Never siyang kumampi kay Kassandra lalo na kapag alam niyang ako ang tama. Hindi ko siya maalala noong nag-aaral pa kami kaya sure akong hindi namin siya ka-schoolmate kaya naman bakit ang weird ng asawa ko? May hindi ba ko alam? Hinanap ko siya sa buong bahay pero bigla siyang nawala. Napilitan tuloy akong tawagan siya sa cellphone kahit na ang stupid ng ginagawa ko ngayon. Nasa iisang bahay lang kami kaya bakit kailangan pa ng cellphone, right? Daig pa namin nakatira sa ma

