CHAPTER 43 - LISA POINT OF VIEW

1961 Words

"Bakit hindi natin dalasan ang ganito?" Huminto ako sa pagpili ng mansanas at tinignan si Mama. Masayang-masaya siya habang namimili naman ng mga gulay. "Ikaw at ako," muling sabi niya saka humarap na sa akin. Napangiti ako. "Sure, ma. Sorry kung naging busy po ako sa restaurant." "At kay Jayson," dugtong niya sa sinabi ko. Natawa ko maski si Mama. "Ma naman." "Kung hindi siguro siya nawalan ng memorya, eh, malamang marami na kaming apo." Mas lalo akong nangiti habang bumabalik ng pagtingin sa mga prutas. "Nga pala, naaalala mo pa ba si Alex?" Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ko. Natigilan ako at nayamot. Muli kong tinignan si Mama na ngayon ay hinihintay lang din pala ang pagtingin ko sa kanya. "Ibig sabihin naaalala mo pa pala siya." Ngumiti siya. "Syempre, ma. Paano ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD