"Anong ginagawa dito ni Pete?" Mabilis akong nahinto sa paglalakad. Takang-taka kong sinundan ng tingin si Pete na dalawa ang hawak na tray at para bang aligaga. "Oh? Ba't nandito ka?" Sinalubong naman ako ni Lisa ng magandang ngiti saka lumapit para yumakap. "Anong ginagawa dito ni Pete?" ulit ko sa pangalawang beses. Kunot noo ko siyang tinignan. "Nagtatrabaho," matipid niya namang sagot. "'Di ba dapat layuan mo na siya? Nag-usap na tayo, Lisa." "Oo, oo, nag-usap na nga tayo, baby." Tinalikuran niya ko at nagbusy-busyhan, na sinundan ko agad. "Pero kailangan ko ng tulong ngayong araw. Nagpaalam sina Layla at Jack, may date yata." "Mas pinili mong magpatulong kay Pete kaysa sa akin?" mapait kong tanong na may bahid ng selos. "Of course not!" Nagpeke siya ng tawa. "Bakit ko naman si

