YSABELLE POV Abala ngayon ang grupo ni Ysabelle sa paghahanda. Ikatlong araw na mula ngayon nang malaman nitong nagdadalang tao si Ysabelle. Napakalaking regalo ang natanggap niya kahit na hindi siya maalala ng kan'yang asawa. Masakit man ito para sa kan'ya pero kailangan niyang tiisin dahil alam nito ang rason. Nasa puso at isip pa din niya na kahit na makaalala man ito ay hindi na siya ang laman ng kan'yang puso kundi si Safhira ang mahal nito. "Oh maygad naman Ysa! Ayan tuloy, ang laki ng sugat na yan ah. Hindi ka nag-iingat," sabi ni Yesha at tarantang naghanap siya ng kung anu anong bagay na kan'yang madampot. Gasa, betadine, alcohol, bulak at panali ang.mga inilapag niya sa ibabaw ng mesa nang makita niyang nagtamo ako ng sugat sa aking kamay. Nakatulala kasi ako habang pinapatulis

