DAVIS POV: Hindi akalain ni Davis na magagawa niya iyon kay Ysabelle nang patamaan niya ng bala ng baril ang braso nito at ramdam ng kan'yang puso ang bawat hinanakit habang inilalabas ni Ysabelle ang hinanakit sa kan'yang puso. Alam niyang nasasaktan na ito simula pa lang pero ang hirap din sa kan'yang sitwasyon dahil pati ang kan'yang puso ay tila hindi na makilala ang asawa nito. Hindi niya alam sa sarili niya kung bakit si Safhira ang laman ng kan'yang puso. Parang isang pitik lang sa kan'yang noo, may isang alaalang sumagi sa kan'yang isip ngunit saglit lang 'yon. Ang alaala na ikinasal ito sa babaeng mahal niya ngunit malabong makita ang mukha nito. Sapo nito ang noo kung saan tumama doon ang malakas na pagbato sa kan'ya ang isang singsing na diamond. Nagkaroon ito ng konting buk

