Napasimangot si Charisse nang makita niyang malungkot si Safhira. Nagngigitngit siya sa galit kaya agad siyang napatayo ulit. Nagulat si Safhira sa malakas na pagsampal nito kaya siya napahawak sa kaliwang pisngi nito. "Ngayon ka pa maaawa sa kan'ya Safhira kung kailan nagtagumpay na tayo!" madiing sabi nito habang ang mga mata niya'y nanlilisik na parang tigre. Takot ang naramdaman ni Safhira dahil iba kung magalit si Charisse. "Hindi po sa ganun mam Charisse. Naaawa lang po ako kay Davis dahil kung anu anong mga gamot na ang naiinom nito. Baka po ikapahamak niya at ikamatay dahil kapag nanghina ang katawan ni Davis at hindi na niya kinaya ang mga gamot, maaaring ikamatay niya po ito," malungkot nitong saad. "Wala akong pakialam kahit ikamatay pa niya ito. Dapat ngang maging masaya k

