SPG Nagmamadali akong umalis sa mansion ni kuya Damian. Mabuti na lang wala siya dito na pupuna sa mga ginagawa ko. Gaya nang mahuli niya kami ni ate Moira sa loob ng kuwarto. Lintik! hiyang hiya tuloy siya kay kuya Damian. Baka daw hindi na magawi sa bahay si ate dahil sa kahihiyan nitong ginawa. Malapit na ko sa isang hotel resort na pagmamay ari nila mom at dad. Pagkadating ko pa lang doon, napatingin ako agad sa aking relos dahil ilang minuto na lang, mauubos na ang oras na ibinigay sa 'kin ng aking asawa. Tarantang hinanap ko pa ang kuwarto kung saan ako papasok. Hindi nakaligtas sa paningin ko nang makita ng dalawa kong mga mata na may kahalikang babae ang asawa ko. Si Safhira? Narito siya? Bakit? Sakto pa naman yung oras sa pagdating ko dito. Set up ba 'to? Para ipakita at i

