Chapter 27

1519 Words

Habang nakatalikod si Ysabelle mula sa sampung mga kalaban. Napataas ang isa niyang kamay hudyat para siya ay sumuko pero ang isa nitong kamay ay nanatili lang nakatago sa may sikmura dahil doon may kinakapa itong isang bagay na makakapagligtas sa kan'ya. Agad niya iyon inilagay sa may tapat ng kan'yang puso at nagkunwari itong natumba at bumagsak sa lupa. Nakahandusay itong nakadapa at nagkukunwaring patay. Naalarma ang sampu at tinungo ang babaeng nakahandusay sa lupa. Sinipa ng malakas ang isang paa ni Ysabelle. Hindi ito gumalaw kahit na sobrang lakas iyon. "Tignan mo kung buhay pa?" Utos ng isa. Kaagad namang tinignan ng isa at patihayang pinahiga niya ito. Nakita nilang may tama ito sa kaliwang dibdib nito na may pag agos ng dugo mula doon. "May tama siya! Patay na siguro 'to,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD