Kinabukasan, nakatanggap ng mensahe si Ysabelle mula sa sekretarya ng kan'yang asawang si Davis. Napahawak sa bibig si Ysabelle dahil sa malungkot na balita. Kaagad na bumangon si Ysabelle dahil pupuntahan niya ang kan'yang asawa. "Oh! nagmamadali ka ba Ysa?" takang tanong nito dahil sa pagmamadali nitong kumilos. "Kung wala kang gagawin ate, sumama ka sa akin kung gusto mo," tarantang sabi nito nang matapos na siya maligo. "Diba mamayang alas diyes pa naman ang usapan niyo at bakit mukhang excited ka pa ata riyan. Kumain ka na muna. Nakapagluto na ko ng makakain natin." "Hindi matutuloy ngayon ate at walang magaganap na hiwalayan ngayon dahil may nangyari kay Davis ngayon. Hindi ko alam kung saan siya dinala at kung saang hospital. Critical daw ang kondisyon niya. Ate may mali sa gam

