We're all busy watching the championship game. We won the semi finals kaya andito kami ngayon na nagchicheer sa panghapon na laro. Mainit at halos dikit ang laban. We're in the last quarter kaya medyo lumalakas ang hiyawan ng mga nanonood at lalong lumalakas din ang kabog ng dibdib naming nanonood. "Pinasa ang bola kay Marquez, Marquez to Diaz at ishoshooooottt ayyyyyy naagaw ni Alfonso at ipinasa agad kay Alejandro. Nakapwesto ngayon si Alejandro habang drinidrible ang bola. 18 second shot clock and we have 1 minute and 34 seconds for the last quarter. Lamang parin ng 2 points ang BAA sa JMA." Sabi ng announcer. Nanlalamig ang kamay ko at lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. "Hawak ngayon ni Buenovelgas ang bola at ipinasa bigla kay Madriaga and he tried to shoot for 2 points at s

