Chapter 8

3103 Words
Sabi nila, the first sign of liking someone is that you get nervous around them. Sweaty palms, stomach butterflies fluttering so fast, you don't want to eat, an increased heartbeat, and yes, even anxiety, are all signs that you have feelings for someone. Is it possible to feel these same signs to the person beside me now? Tumingin ako sa katabi na ngayong seryosong nagmamaneho. I sighed. How did I end up again here. I cleared my throat to kill the deafening silence in between us. "S-salamat ulit sa paghatid." Kaba kong sabi. Alam ko naman na hindi puro sungit lang ako sakanya lalo nung nakita kong seryosong mukha niya. "Huwag kang magpasalamat, mauulit pa ang mga pagkakataong ito." Sabi niya na ang mata ay nasa daan parin. "Ha? Hindi pwede. Baka makita tayo ng kaibigan ko." Napalingon siya bigla sa akin pero binalik din ang mata sa daan. "Ano naman ang kinalaman ng kaibigan mo sa paghahatid ko sayo?" Tanong niya. Napabuntong hininga ako at tumingin sa labas na ngayon ay malakas ang bagsak ng ulan. "G-gusto ka ng kaibigan ko." Sabi ko sa mahinang boses na alam kong sapat na para marinig niya. "But I like you. Paano yun?" Bigla akong napalingon sakanya. "Pero may gusto ang kaibigan ko sayo. Hindi ba pwedeng siya nalang din ang magustuhan mo? Para mutual feelings kayo." Sabi ko. "Mika, hindi inuutusan ang pakiramdam. Kusa yan na nararamdaman. You need a long time process to distinguish if you're just infatuated or in love. I can give you time and I won't ask anything but please, don't push me away to like someone or else you'll regret later." Pagpapaliwanag niya. "Ayaw ko lang na makitang masaktan ang kaibigan ko dahil sa akin. Kaya please, habang maaga pa, pwede mo pa naman sigurong ibaling sakanya ang nararamdaman mo." Pagmamakaawa ko. "As I said Mika, it's a long time process. Kung gusto mong hindi masaktan ang kaibigan mo, I can pretend like what I've always used before in front of you. Inaasar, iniinis.." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pero napatawa lang siya sa itsura ko. "Seryoso ka? Pwede naman sa ibang paraan." Suhestiyon ko. "Madaling sabihin pero mahirap gawin. Look, ikaw ang mahihirapan kapag nahulog ka sa akin." Ngisi niyang sabi. "At sino naman mahuhulog sayo?" Taray kong sabi. "Ikaw! Darating ang panahon na ikaw ang hahabol sa akin at marerealize mong malaking kawalan ako sa buhay mo." Confident niyang sabi. "Ai wow! Hindi mangyayari yan sinisigurado ko sayo. Hindi mangyayari yan." Sabi ko sabay halukipkip ko. "Huwag kang magsabi sa akin ngayon ng patapos dahil kakainin mo lahat yan soon." Ngisi niya. Manghuhula ba to at alam na niya ang future? "Really?" Taray ko. "Paano mo naman nasabi." Taas kilay kong tumingin sakanya. "Malalaman mo soon. Ang pakiramdam mo mismo ang magpapaliwanag at magsasabi sayo." Mahinahong pagkakasabi niya. Napatigil ako. Impossible ba yung sinasabi niya? Napailing ako. Huwag naman sana. Napansin ko na iniliko niya sa isang parking area ng isang fast food chain. Tumigil nadin ang ulan kaya pwede nang lumabas kahit wala nang payong. "I know your hungry, I'll drive you home after we eat." Sabi niya at dali niyang tinanggal ang seatbelt at lumabas. Pagkatanggal ko ng seat belt ay nagulat ako nang buksan niya ang katabing pintuan ko sabay lahad ang isang kamay na waring aalalayan ako sa paglabas ko. "Ang gentleman ko noh." Ngiti niya sabay kindat sa akin. Ewan ko pero napatawa ako sa style niya. Tinapik ko lang ang kamay niyang inilahad sa akin at agad akong lumabas. Dumeretso kami sa loob at pumili kami ng mauupuan. "It's my treat ok? Sasamahan mo akong magcelebrate sa unang panalo namin." Sabi niya sabay tayo at pumila. Nagtaka ako. Magcecelebrate sa pagkakapanalo nila? Dapat hindi ako ang kasama, dapat ang mga kateam mate niya. Wala naman ata akong ginawa sa pagkakapanalo nila. Napansin ko ang ibang babae na nagnanakaw tingin kay Henry habang nag oorder na waring nakataas pa ang phone at mukhang ninanakawan ng larawan. Kumunot ang noo ko. Para akong nakaramdam ng inis sa asta ng babae. Pagkatapos niyang makuha ang order namin ay dumeretso siya sa table namin. I secretly smirking when I noticed their faces look disappointed. "Kainin mo lahat yan, okey?" Sabi niya habang nilalagay ang mga kakainin ko sa harap ko. "Dapat mga kateam mate mo ang kasama mo at hindi ako kung magcecelebrate ka rin lang. Wala naman akong naitulong sa pagkakapanalo niyo." Sabi ko habang binubuksan ang burger ko sabay kagat ko. "Do you think wala kang naitulong?" Tanong niya habang inaayos ang pagkain niya sabay ang pagpatong na siko sa mesa at tiningnan ako ng diretso. "You just enlighten my mood and inspired me in playing. That's why we win." Ngiti niyang titig sa akin. Napalunok ako ng di oras at mukhang bumara sa lalamunan ko ang kinain ko at kinailangan ko ang juice bilang panulak sa biglaang pagkabulunan ko. Tumayo siya at pumunta sa tabi ko at tinapik tapik ang likod ko. I raise my palm to say I'm okey now. Feeling ko ang init mg mukha ko. "Okey ka lang?" Tanong niya na mukhang nag aalala parin. "Oo." Sabi ko na medyo hirap parin sa pagsasalita. "Next time huwag kang nagsasabi nang ganun." Banta ko habang hawak ko ang magkabilang pisngi ko. He went back were he sitted and he inched the gap of our face and stared in my eyes. "It seems your starting to feel the same way." Smilingly looking at me like there something wrong in me. I arched my brow. "You're teasing me again. Huwag mo akong dinadaan daan sa ganyan at hindi ka nakakatuwa." Sumandal ako sa upuan na parang nawalan ng gana at umiwas ng tingin. "I'm just telling what I've observed. Hindi naman siguro kasalanan ang magsabi ng totoo." Ngiti niyang sabi sabay subo sa burger niya. "Nagbased ka lang sa observation mo. Kumbaga sa science, my hypothesis ka pero walang support ng facts or references. Kaya rejected." "Pero minsan naman, ang science ay more on observation dahil mas naniniwala sila sa kasabihang 'to see is to believe' at naniniwala rin ako doon kasi yun ang nakikita ko ngayon." Ngisi niya. Parang puro argument lang ata ang mangyayari sa amin kapag magkakasama kami. "Pero dahil ayaw ko na puro argument lang tayo pag magkasama, isusuko ko ang bandila. Ayaw ko kasi na mag aaway tayo for that simple misunderstanding. Alam mo na, pampatatag ng relasyon." Bigla akong napalingon sakanya dahil parang nabasa niya ang nasa isip ko. Pero wait, hindi naman siguro ako assuming pero parang iba ata ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. Sinulyapan niya ako at bigla siyang tumawa. Sabi ko na nga ba, may meaning yung sinasabi niya. "Bilang magkaibigan muna. Ikaw ha, may iniisip kang ibang ibig sabihin sa sinasabi ko, pero kung yun ang iniisip mo ay pagbibigyan kita." Sabay kindat sa akin pero sinipa ko lang ang paa niya sa ilalim ng table kaya medyo napalakas ang tawa niya at halos napatingin ang mga tao sa amin. Bigla akong napatakip sa mukha sa kahihiyan ng ginagawa ng kasama ko. He reach my hands cupping my face and removed it. "Kumain kana, promise, magbebehave na ako." Bulong niyang natatawa parin pero ramdam ko parin ang kaunting pang iinis niya. "Kanina mo pa sana ginawa." Nguso ko pero napatawa lang siya nang mahina. Nagpatuloy kaming kumain hanggang natapos kami. Nasa sasakyan na kami ngayon at ihahatid na niya akong papauwi. Sa konting oras na nagkasama kami ng lalaking ito, medyo gumaan konti ang pakiramdam ko at feeling ko kaya ko na siyang sabayan sa mga banat at kalokohan niya. Kung ako ang madalas ang mangpikon sa mga kaibigan ko, kabaliktaran naman sa lalakeng ito. Ako madalas napipikon sakanya pero carry lang at nasasabayan din naman. Atlist hindi siya boring kasama. "Kailan mo ako ipapakilala sa kuya mo?" Tanong niya na ikinagulat kong tumingin sakanya. Pero napatawa lang siya. Ang lakas talaga ng trip nito. "Bakit naman kita ipapakilala, ano ba kita?" Sungit kong sabi. "Future boyfriend mo." Ngiting sulyap sa akin sabay balik sa daan. Ganyan ba talaga siya kadeterminadong magiging kami soon? Wow ha! "Huwag ka nang umasa." Irap ko. "Well, hindi naman ako umaasa. Sadyang doon talaga tayo pupunta." Buong lakas niyang sabi na parang siguradong sigurado sa sinasabi. "Aminin mo nga? May lahi ba kayong manghuhula at nahuhulaan mo na ang kapalaran at hinaharap?" Tanong kong hindi naniniwala sa pagmumukha niya. "Wala naman. Bakit gusto mong patunayan natin na tayo talaga soon? Maghanap tayo ng manghuhula kung gusto mo." Sabi niya na ikinakunot ko ng noo. Napaayos ako ng upo. Kainis to, alam kong walang dulo ang pag uusap namin kung lahat ng pambabara ko ay sinasabayan lang niya na parang normal lang sakanya. "Don't worry, I know my limitation. If you're not ready yet, I can wait naman. Kahit umabot ka pa ng 30 or 35 gaya nang sinabi mo noon." Ngiti niya sa akin. Natawa ako, naalala niya pa pala yung sinabi ko non. "Kung bakit ang dami daming babae sa paligid mo na nagkakagusto sayo, ako pa ang nakita mo." Sabi ko habang sa labas nakatingin. "So tanggap mo na sa sarili mo na gusto talaga kita?" Tukso niyang tanong sa akin pero inirapan ko lang siya. "Out of curiosity lang kaya natanong ko. Hindi naman siguro bawal malaman diba." Taray kong sagot. Gaya nitong inaasta ko sa harap niya. Maski sinong lalaki mateturn off sa ganitong ugali pero siya, ewan ko ba at parang bulag bulagan siya sa mga masasamang ugaling pinapakita ko. "Coz your one of a kind Mika. Your ways? Your looks? Yung tipong hindi na kailangan magpaganda para mapansin ng iba. Sa ugali? Hindi kailangang maging plastik para mapagtakpan kung sino ka talaga. You just let everyone see who you are and what you are. In short, your beautiful inside and out for me." Seryosong sabi niya. Is that how he look at me? Beautiful inside and out? My mouth opened up to say something but none came out. I just sighed. Hindi ko parin makita sa sarili ko yung sinasabi niya beautiful sa akin. He stopped the car in front of our house. Hindi ko pala namalayan na madilim na pala. "Salamat sa paghatid." Sabi ko sabay ang pagtanggal sa seatbelt. "Isang beses na magpasalamat ka at bibigyan na kita ng regalo." Ngisi niyang sabi sa akin. Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. "Siguraduhin mong matutuwa ako sa regalo mo dahil kung hindi ... " inilihad ko ang kamao ko " ito ang babalik sayo." Sabi ko at napatawa lang siya. "Sisiguraduhin kong magugustuhan mo ang regalo ko." Ngiti niyang paninigurado pero napailing lang ako sa kalokohan niya. "Bahala ka na nga diyan. Babushh!!" Sabi ko sabay labas na sasakyan niya at dumeretso sa gate. Sumulyap ako saglit at nakita kong kumaway siya bago siya umalis. Dahan dahan kong pinihit ang door knob at sinilip sa loob. Nakita kong nakaupo sila Manang Tere at Kuya Leo sa sala na parang seryosong nag uusap. Dahan dahan akong lumapit pero parang napansin nila ang paglapit ko at napalingon sila sa akin. Napansin ko ang seryosong tingin ni Kuya sa akin. Lumapit siya sa akin na parang pakiramdam ko may nagawa akong hindi tama. "Saan ka galing? Bakit hindi mo sinasagot tawag ko?" Tanong ni kuya na nasa beast mode ang mukha. Nakakatakot siyang magalit. "K-kuya... " "Alam mo ba kung anong oras na? Hindi mo tinext sa akin kung anong plate number nang sinakyan mo. Kung di pa ako tumawag kay manang Tere pagkatapos ng klase ko hindi ko malalaman na wala ka pa pala dito." Galit niyang sabi sa akin at napatingin agad ako sa orasan ko. Nagulat ako nang makitang 8 na pala. Paanong ganun kabilis ang oras. Hindi naman siguro kami nagtagal sa fast food kanina diba? "S-sorry kuya." Tanging sambit ko habang nakayuko ako. Hindi ko rin pwedeng sabihin na may kasama akong lalake dahil panigurado akong magagalit siya lalo na pag ganito ang mood niya. "Saan ka galing? Bakit hindi mo sinasagot tawag ko?" Ma awtoridad niyang tanong na ikinilabutan ko. Isip isip Mika. Ngayon ka lang magpapalusot. Magsasalita na sana ako nang magsalita si Manang Tere. "Iho, ako na ang kakausap kay Mika. Uwi ka na para makapagpahinga ka na rin." Sabi ni manang na nagpabalik sa kaayusan ng mukha ni Kuya. Huminahon na siya. "Mag uusap tayo bukas Mika." Sabi niya na ikinatango ko habang nakayuko ako sa harap niya. "Alis na po ako." Paalam niya kay manang tere saka umalis na. "Gutom ka na ba?" Tanong ni manang na ikinailing ko. "Kumain na po ako manang." Sabi ko. "Oh sya, umakyat ka na at mag bihis para makapag pahinga ka na." Sabi ni manang na ikinangiti ko. Ang swerte ko talaga kay manang. "Salamat manang." Sabay yakap ko sakanya. "Nag alala lang ang kuya mo sayo kaya ganun. Atlist safe ka namang nakauwi at wala namang nangyaring masama sayo." Sabi niya habang tinatapik ang likod ko. "May kaibigan po kasing nagkusang maghatid sa akin tapos nagyayang kumain na din. Ehh hindi po namin napansin na mag gagabi na pala kaya ngayon lang po nakauwi." Paliwanag ko. "Lalake o babae?" Tanong niya. "Uhmm. L-lalake?" Sagot ko na medyo nag aalanganin pa. "Lalake?" Gulat niyang tanong. "Huwag kang maingay manang, ikaw lang pinagsabihan ko. Huwag mo nalang sasabihin kay kuya dahil tiyak na magagalit sa akin yun." Sabi ko. "Paanong magagalit ehh siya pa nga nagtutulak na may manligaw sayo." "Manang naman ehh, hindi naman nanliligaw yun sa akin. Kaibigan lang po. Kaibigan lang." Pagpapaliwanag ko. "Ipakilala mo sa akin yan para masuri ko ha?" Tukso niya. "Naku! Wala akong balak na ipakilala sa inyo dahil last na yun na makikisabay ako sakanya." Sabi ko saka bumitaw sa pagkakayakap. "Bakit naman?" Tanong niya "Basta! Akyat na ako manang." Paalam ko saka ako tumakbo paakyat sa kwarto. Agad akong nagshower, nagbihis at itinapon ang sarili sa kama. Kinuha ko ang phone at tiningnan. 35 missed calls at 28 messages na galing kina Kuya Leo, Gracia at Naja. Siguro ay tinawagan din ni Kuya sila Naja at Gracia para tanungin ako. Kung kailan ko dinala ang phone ko, saka naman hindi nagagamit sa tamang oras na kailangan nila ako. Magpapaliwanag nalang ako bukas kung sakaling maalalang tanungin sa akin pero much better siguro kung na nila maalala. Itatabi ko na sana ang phone ko sa sidetable nang marinig kong nagvibrate ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang nagtext pero unknown number ang lumabas sa screen. Bukod sa apat na tao, kabilang si manang tere, sino pa ang nakakaalam sa number ko? Binuksan ko ang message at binasa. Unknown Number: Hi! Maybe your asking where did I get your phone number? Sa fast food chain nang magpaalam kang magsiCR. Sorry for stealing your phone number without your permission. Atlist I can now message and call you kahit hind mo sagutin and thank you for giving me your precious time tho it's just a quick and unplanned. You just made my day complete and satisfied. Hope you dream of me. See you in my dream land.?? good night. Wala namang magagawa ang inis o galit ko kung nasakanya na ang phone number ko. Mika: Ok. Thank you for your treat. Goodnight. - sent Pasensiya na at medyo tamad akong magreply. I changed his name immediately in my phone to "Rooster". Kabaliktaran ng palayaw niyang Hen haha. Kahit sa pangalan nalang niya ako makabawi ngayon. Rooster: Your always welcome. Sweet dreams. ?? After reading his last text, ipinatong ko ang phone ko sa sidetable at nagpaagos na sa antok at ilang minuto ay nakatulog nadin sa sobrang pagod nadin. Kinabukasan ay nagstay muna ako ng umaga sa bahay since na sa hapon lang ang checking of attendance namin. Yesss, nagchecheck attendance sila every subject kaya dapat andun kang nanonood. As usual, nood, kain at pang iistorbo nanaman ulit ang ginagawa ko may manang. Pagdating na hapon ay nagpaalam akong magtataxi since kaninang umaga pa umalis si kuya pero si manong kanor na daw ang maghahatid sa aki kaya bago pa ako makalabas ay nandiyan na si manong kanor. "Aantayin ko na rin kayong uuwi mamaya iha." Ani ni manong kanor habang nagmamaneho "Sige po manong. Kung gusto po ninyo ay makinood din po kayo mamaya." Sabi ko "Sisilip nalang siguro mamaya iha, baka kasi biglang tumawag ang kuya mo at hindi ko masagot." Sabi niya. Sabagay, dahil kasi sa nangyari kahapon ay naging istrikto na sa akin si kuya. Hindi ko man nasabi sakanya ang buong detalye pero hinigpitan parin niya ako at ayun, may curfew hours nadin ako. Diba?? Nakarating kami doon at agad na akong nagpaalam at pumasok sa loob. Nasa dating pwesto daw sila kaya agad ko silang hinanap. "Mika!!" Lakas na tawag ni Gracia at kumaway pa sa akin. Lumapit agad ako at umupo sa pagitan nila. "Ano nangyari sayo kagabi at wala ka pa sa bahay ninyo?" Tanong ni Naja. "H-ha? Ahm, may nag offer sa akin na isang kaibigan lang na ihahatid daw ako. Ehh nakita niya kasi akong nag aabang ng taxi kahapon kaya ayun, ihatid nalang daw niya ako." Paliwanag ko. Totoo naman. "Ehh bakit ang tagal ninyo. Inabot pa kayo ng gabi. Sinong kaibigan ba yan?" Tanong ni Gracia. Paano ko ba ipapakilala ang kaibigan ko na yun na hindi nila dapat nalalaman na si Henry yun. Nakita ko ang mga mata nilang nag aantay sa sagot ko. "Ahm, b-bagong k-kaibigan? N-na kilala dito? Oo, nakilala ko kahapon. Mabait naman siya. Nagyaya pa kasing kumain sa labas kaya yun, nagabihan sa paghatid sa akin." Shockss. Ang hirap mag isip nang idadahilan. "Hindi ka ata bigla biglang sumasama sa iba lalo na pag hindi mo lubos na kilala." Pagtatakang tanong ni Naja. "Oo nga." Pag sasang ayon na sagot naman ni Gracia. Kilalang kilala talaga nila ako kaya nga ang hirap magsinungaling minsan sa kanila ehh, pero ngayon lang ako magsisinungaling sakanila. Ngayon lang. "Harmless naman siya ehh." Pilit na ngiti ko. Harmless ba talaga si Henry? "Ano name niya?" Tanong ulit ni Gracia. Biglang bumilis lalo kabog ng dibdib ko sa pagsisinungaling ko. Grabe ang mga kaibigan ko. Ano ba ipapangalan ko sa kanya? Bigla akong nagulat sa pagvibrate ng phone ko at bigla kong nakita ang nakaregister ng pangalan niya sa phone ko at bigla akong nagka idea sa ipapangalan ko sakanya. "Rooster ang pangalan niya." Malawak kong ngiti. Nagtinginan ang dalawa saka tumingin ang dalawang parang hindi naniniwala sa narinig sa akin. "Rooster??" Sabay nilang sabi. Hehehe. Sana hindi nila mahalata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD