Nasa basketball court kami ng sport complex ngayon kung saan gaganapin ang cheering squad competition for this year. 6 schools ang maglalaban kaya medyo matatagalan konti since sa hapon naman ang laro.
Alam kong prepared sila Naja para dito. They were 25 in their group and most of them we're used to competition.
Nilibot ko ang mata ko at nakita ko kung paano ka prepared din ang mga ibang school sa mga dala nila para suportahan ang schools nila at siyempre hindi rin kami magpapatalo. We have our own school color na yellow and some props at banners of our school name.
May mga palugit silang minuto at alam kong strikto ang mga judges doon. Hoping na hindi sila magkamali sa mga tumblings, tosses, stunts at pyramids nila na alam kong yun ang pagtutuunan ng pansin. Hoping na magawa nila ito ng tama.
"Ayun si Naja!" Tili ni Gracia kaya napasunod din ako sa turo niya.
"Naja!" Sigaw namin ni Gracia dahil nasa 5th row lang naman kami mula sa baba. Kumaway kami ng mapalingon siya sa dako namin at masayang mukha ang ginawad at masiglang kaway din.
Ang sexy niya sa suot at maaliwalas din ang mukha dahil sa braided ang buhok nito. Uniform ang mga girls mula sa make up, buhok, dress code at sapatos.. Wow. Nakakaammaze naman maging kabilang sa cheering squad.
"Nakakaproud dahil kaibigan natin ang isa diyan noh." Tuwang sabi ni Gracia habang kita ang excitement sa mukha niya.
"Parang kailan lang yung di mo siya pinapansin non dahil sumali siya dito tapos ngayon, parang ikaw pa itong mukhang nanay na very supportive sa anak." Sabi ko.
"Noon yun kasi natatakot lang naman ako para sakanya, alam mo na, yung hinahagis?" Sabay tawa niya. "Siyempre baka mapano siya non pero ok naman na ako. Alam kong kaya niya yan kaya supportahan natin ngayon ang ating kapatid." Sabay ang pagtili niya.
Nakaraan ang ilang minutong pag aantay ay nagsimula na sila. Panghuli sila kaya makakahanda pa sila ng maigi.
Masasabi ko na sa limang school na lumahok, yung panlima ang very competitive at very unique ang mga routine na ginawa nila. Halos napanganga ako sa galing nila pero siyempre stick to one dapat tayo. Hindi nila ako napatayo ehh kaya kulang pa hehehe charot. Magaling sila.
Ngayon naman ay school na namin ang sasabak. Siyempre ang grand entrance nila ay hiyawan at sigaw ng pangalan ng school namin. Pero nang magsimula na ay todo tutok kaming lahat. Napa Ohh kami sa galing nang ang aming cheering squad team at siyempre dahil sa galing nadin ng kanilang trainor na si Kuya Justine na alumnus pala ng aming school.
Nang matapos ay hiyawan at sigawan kaming lahat. That superb performance? Wow!
After they telecast the recap, they will be announcing the top 3 winners. Consolation prizes naman sa mga hindi pinalad. After all the intermission numbers, here comes now the result.
Hawak kamay kami ni Gracia na parang isa sa amin ang tatawagin.
"And here comes now the result, we will be announcing the top 3 winners and let's start with the 2nd place. Our 2nd place... coming from the school of... Bonifacio Arellano Academy."
Hiyawan at palakpakan ang lahat lalo na sa school na pinanggalingan.
"Let's go to the 1st place. Our 1st place .. coming from the school of ... Chinwa Tan School Academy!"
Saglit. Kung hindi ako nagkakamali. Sila yung panlima kanina na nagperform. So they got the 1st place. Medyo kinakabahan na ako pero alam ko na makukuha ng school namin since kita ko rin ang expression ng mga judges sa performance ng aming pambato.
"Let us now announce the champion of this Cheering Squad Competition and have the chance to perform during our final set of game in our Basketball league Academy. So here the name." Pasuspense pa ang announcer.
"I'll repeat that those schools na hindi pinalad will still receive consolation prizes. Kaya uuwi parin kayong masaya, and don't forget our game later this afternoon that will start at 1pm. See you." Pangbibitin lalo ng announcer. Asar to. Alam na namin yan. We're waiting po.
"Our champion for this year 20__ Cheering Squad Competition... coming from the school of... Jose Magsaysay Academy!!!"
Hiyawan at tili ng mga katabi ko at paligid ko na malapit sa akin ang bumibingi sa tenga ko. Yeahh. Were super, duper very happy for their achievement. After their long and tiring days of practicing and familiarizing their routines, here what they got. They are the champion.
Inantay namin si Naja na lumabas mula sa locker room. Paglabas niya ay mahigpit na yakap at mainit na bati ang ginawad namin sa kaibigan namin.
"See? First time mong sumali pero swerte agad ang naidala mo sakanila." Sabi ni Gracia.
"Hindi ahh. Andun na yung cooperation ng bawat isa at siyempre yung tiwala din. Ang saya nga ehh. Sabi pala ni kuya Justine na baka after nito ay magcecelebrate kaming lahat." Excited niyang sabi.
"Pwede ba kaming makijoin?" Sabi ni Gracia at biglang kinurot ko naman sa tagiliran. "Araaayy!!" Daing niya.
"Exclusive for cheering squad team lang yun, kasali ka ba?" Tanong ko kay Gracia at umiling namang nakanguso sa akin.
"Huwag kayong mag alala. Tatanungin ko si Kuya Justine kung pwedeng magsama ng kaibigan." Malawak na ngiti ang pinakita niya sa amin.
"Huwag na Naja. Para sa inyo yan. Kailangan mo ding ilapit ang sarili mo sa mga kateam mo para mas maging malapit at madikit ka pa sakanila." Ngiting sabi ko. Sabay ang pagkapit niya sa kanang braso ko at sandal ang ulo sa balikat ko.
"Pero mas masaya ako pag kasama ko kayo. Nagagawa at nasasabi ko lahat ng gusto ko. Halos puro ate at kuya ko kasi mga kasama ko kaya medyo nahihiya pa ako. Alam mo yun?" Pacute niyang lingon sa akin.
Napabuntong hininga ako. Maski ako naman nahihiya rin na makisali sakanila since hindi naman kami kasali sa team, ewan ko lang kay Gracia na go na go naman.
"Oo nga. Please!" Sabi ni Gracia sabay kapit din sa kaliwang braso ko.
"Depende parin yan sa sasabihin ni Kuya Justine. Kung nag Oo siya na pwede tayong sumama, go! Pero pag hindi, pasensiya na!" Paliwanag ko.
"Huwag kang mag aalala. Siguradong papayag si Kuya Justine na sumama kayo. Crush ka non ehh." Sabi ni Naja na kinalingon ko bigla sakanya. Bigla kong binawi ang mga kamay ko sa dalawa.
"Talaga?" Gulat pero halatang masaya na sabi ni Gracia.
"Oo, one time nga tinanong niya number mo sa akin pero di ko naibigay kasi sabi mo non na huwag kong ibibigay sa iba. Tapos marami rin siyang tinatanong patungkol sayo." Ngiti niyang sabi.
"Sinagot mo naman?" Taas kilay kong tanong.
"Oo!" Confident niyang sagot.
Gusto ko na ata bawiin ang mga sinabi ko kanina ahh.
"Ang haba talaga ng buhok mo gurl!" Ani ni Gracia sabay sukat kunwari kung gaano daw kahaba ang buhok. Narinig ko namang tumawa si Naja.
"Alis na nga tayo!" Inis kong yaya sakanila.
"Sa malapit nalang tayo kumain. 2pm ang laro mamaya. Suportahan natin sila Kuya Henry!" Sabi ni Naja.
"Oo, sigurado kong gaganahan naman si Kuya Clinton pag nakita akong nanood sakanya!" Kilig na sabi ni Gracia.
"Sabihin niyo nga sa akin! Gaano kayo kaobsess sa mga crush ninyo at feeling niyo crush din kayo ng crush niyo?" Sabi ko sakanila at sabay lingon ko kay Gracia na siya talaga pinapatamaan ko.
"Grabe ka! Masarap mangarap ng gising, kahit in reality, pangarap lang talagang mangyari yun." Sabi ni Gracia na hindi ko naman nakita ang pagkainis niya.
"Ako naman, ayaw kong maging pangarap ko lang si Henry. Gagawa ako ng paraan para maging kami." Taas noong sabi ni Naja.
Bigla akong nangamba. Kaaamin lang kasi sa akin ni Henry kahapon at ngayon naman nakikita ko ang determinadong kaibigan ko na makuha ang crush niya. Wala naman akong feelings para kay Henry kaya ok lang na kay Naja siya mapunta. Mas mutual pa pag sakaling mas mapalapit pa sila sa isa't isa diba?
"Paano yun? Ehh may gustong iba si..." bigla kong tinakpan ang bibig ulit ni Gracia at pinandilatan ng mata.
"Sinong may gustong iba?" Tanong ni Naja.
"Wala, chismis nanaman ang babae." Sabay alis ang kamay ko sa bunganga niya at hila na kay Naja." Kain na tayo. Gutom na ako." Yaya ko sa dalawa.
"Saan tayo? Mcdo? O jollibee?" Tanong ni Gracia na excited. Halata naman kapag pag kain ang pinag uusapan.
"Sa mang inasar." Asar kong sabi.
"Inasar?" Lito niyang tanong.
"Oo, para unlimited bigas tayo doon." Tawa kong sabi habang papalabas na kami.
"Tamang tama sayo Gracia. Hindi ka mahahalata doon" tawa naman ni Naja.
"Bigas? Ehh hindi pa naman luto yun? Paano nagkaroon ng bigas doon? Tayo magluluto?" Lito parin niyang tanong. Napailing nalang kaming natatawa ni Naja sakanya. Kaya nga mang inasar kasi aasarin namin siya pero sayang effort. Ang slow kasi ng kasama namin.
Pagkatapos naming kumain sa malapit na karinderia ay bumalik lang din kami agad para makaupo sa unahan na siguradong makikita daw kami ng mga players. Hindi ako ang may idea non, siyempre itong mga kasama ko.
"Kanina ka pa nakasimangot diyan Gracia?" Tanong ko. Simula kasi nung magsimula kaming kumain hindi na maipinta ang mukha niya.
Tumingin siyang masama sa amin ni Naja.
"Sabi niyo kasi sa Mang Inasal tayo, pero sa Mang Juan naman pala sa tabi." Sabi niyang nakanguso. Napatawa kami ni Naja. Malayo kasi pala ang Mang Inasal dito kaya sa tabing karinderia nalang kami tumungo.
"Okey lang, nabusog ka naman diba? Nakailang kanin ka nga ulit kanina?" Tukso ni Naja. Napanguso nanaman ng sobra ang babae hahah. May kaibigan ka talaga na ang sarap sarap din asarin.
Mga ilang minuto rin kami nag antay bago nagsidatingan din ang ibang manonood. Halos mapuno at wala nang maupuan ang iba at nakatayo nalang sa pinakataas.
Maraming pa silang entrada hanggang sa pinakilala lahat ng school na kasali at fix na ang mga maglalaban laban. Single Elimination lang kaya ilang araw din magtatagal ang basketball league.
2nd game ang JMA kaya mag aantay pa kami ng mahabang oras. FYI pala, each quarter is 12 minutes long, (48 minutes total for 4 quarters), which is played out on average over 2 hour 15 minutes, including pauses, timeouts and other breaks in play. We can't blame the players, even the coaches or referees kung sila ang magiging cause na ganun katagal na laro.
After that long hours of waiting, ang school na namin ang sasabak, laban sa Chinwa Tan School Academy. Dapat manalo sila para makapasok sila since na single Elimination lang. Isa isang tinawag ang first 5 sa bawat school at dahil matatangkad at mga pinagpala ang players namin ay napasigaw din ang ibang babae sa ibang schools.
Napansin ko ang pagsimangot ng dalawang kasama ko at tingin sa grupo ng mga babae na kilig na kilig pang tinatawag ang pangalan nila Kuya Amir, Kuya Clinton, Kuya Jack, Kuya James at si Henry.
The referee handing the ball and reminding the players about the rules and after a minute, jump ball na.
Henry got the ball and got the first points of the 1st quarter. Bawat taong manonood, sigawan at tilian ang naririnig lalo na pag ang players namin ang nakakapoints.
Natapos ang 1st quarter at lamang ang side namin. I even notice Henry looking in our direction kaya medyo naiilang at napapaiwas ako habang ang katabi ko ay kilig na kilig.
"Kanina pa tumitingin si Kuya Henry dito." Bulong ni Naja na halatang kinikilig.
"B-baka tinitingnan ka." Utal ko.
"Baka nga." Sabay ang ipit ng buhok sa tenga.
Napabuga ako ng hangin. Ang hirap magtago kaso ayaw ko naman nakikita ang kaibigan ko na nasasaktan. I want her to be happy.
Mainit ang laban at dikit din ang scores ng bawat kampo. We can say that they are all good in this sport but sad to say na iisa lang ang makakapasok.
Nasa last quarter na at umiinit ang laban. Kita ang pagod sa mga mukha nila kaya medyo nakakaawa din silang tingnan. Henry constantly looking in our direction and he even smirking. Ingat akong lumingon kay Naja na nakatutok ngayon sa phone niya.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko kay Naja.
"Pinipicturan si Kuya Henry." Tawa niyang mahina.
"Ahh, okey."lumingon din ako kay Gracia na ganun ding tutok sa phone niya.
"Ano din ginagawa mo?" Tanong ko kay Gracia.
"Vinivideo si Kuya Clinton." Kilig niyang sabi. Anong nanyayari sa mga ito?
Tinuon ko nalang ang tingin ko sa mga maglalaro since na tapos na ang time out.
Half time na for last quarter at medyo madumi na ang laro ng kabila dahil napuruhan si Kuya Amir kaya napatime out nang di oras si Sir Guting. Gusto sana namin lumapit dahil sa bandang dibdib siya natamaan at mukhang hirap huminga.
Bigla akong tinawag ni Kuya Butch na isa sa mga nag aassist sa mga players. Gulat akong napatingin sakanya.
"Mika, halika!" Tawag sa akin ni Kuya Butch kaya agad akong bumaba.
"Bakit po?" Tanong ko at automatic akong napadako ang mata ko kay Henry na seryosong nakatingin ngayon sa akin.
"Samahan mo akong bantayan muna si Amir sa clinic" sabi niya na kinataas ng kilay ko. Bakit ako?
"Pero..." magrereklamo pa sana ako kaso bigla akong hinila ni Kuya Butch na nag parang nagmamadali. Napansin ko ang nakakatakot na tingin ni Henry kaya medyo kinilibutan ako.
Nasa harap ng Clinic na kami at inaasikaso na si Amir kaya nasa labas kami ngayon at inaantay na tawagin kaming pumasok.
"Grabe naman yun, laro lang pero kung makapaglaro sila, parang buhay ang mawawala sakanila at kailangan nilang manakit." Sambit ni kuya Butch.
Tama nga naman. May ganun kasi ehh, yung hindi nila tanggap ang pagkatalo kaya gagamit sila ng maruming paraan para manalo which is against the rule at pwede silang madisqualified.
Nasa loob na kami at inaantay nalang namin siya na gumising.
"Iwan muna kita dito Mika ha. Huwag kang mag alala, magiging maayos din si Amir." Sabi ni Kuya na may ngiting panunukso.
"Sige kuya, ako na po bahala sakanya." Sabi ko saka siya lumabas.
Makalipas ang kalahating oras ay nagising na siya at agad siyang lumingon sa kinaroroonan ko.
"Mika." Tawag niya sa pangalan ko.
"Okey ka na ba?" Tanong ko at dahan dahan siyang bumangon at sinandal ang likod sa headboard.
"I'm okey now." Sagot niya na nakatingin lang sa akin.
"T-tinawag kasi ako ni Kuya Butch para samahan ka daw dito." Paliwanag ko. "Bumalik ulit siya sa loob kanina kaya ako ang nagbantay ngayon sayo." Patuloy ko sa pagpapaliwanag. Mahirap na at baka mabigyan ng ibang ibig sabihin ang ginagawa ko sakanya.
"It's okey, you don't need to explain. Dapat nasa loob ka parin sana at nanonood ngayon."
"Okey lang. Okey na ba pakiramdam mo? Hindi ka na ba nahihirapang huminga?" Tanong ko. Para makasigurado lang sana kung okey na talaga siya.
"I'm okey now. Ikaw ba naman una kong nakita sino ang hindi mapapa Okey agad?" Tingin niya sa akin na kinaiwas ko nang tingin. Narinig ko siyang tumawa ng mahina.
"Gusto mo nang tubig?" Pagwawala ko sa usapan. Tumango naman siya kaya agad akong kumuha at iniabot sakanya.
Narinig namin ang maingay na boses na papalapit dito at for sure, ang mga kateam mates niya yun. Napalingon kaming dalawa sa pagbukas ng pinto at agad akong napatayo at lumipat sa gilid.
"Kamusta kana Amir." Tanong ni sir Guting.
"I'm okey now coach. Masyadong mainit lang yung Ortiz sa akin." Paliwanag niya. So ibig sabihin magkakakilala sila.
"Halata nga at talagang pinuruhan ka sa dibdib. Hindi ata makamove on last year sa ginawa mo sakanya." Sabi ni Kuya James. Para akong naiintriga sa anong meron last year. Hindi kasi ako nakapanood ng buong game last year, nung championship nalang nila.
"Di bale at binawian ka naman ni Henry na siya ang nagbigay ng last 3 points para manalo tayo. Galing ng captain ball natin." Sabay lingon ng lahat kay Henry na seryosong nakasandal sa pader na nakahalukipkip ang braso.
Napaiwas ako. Kinakabahan kasi ako sa ganung awra niya.
"Bilisan mong magpagaling diyan at may laro pa bukas ng hapon." Seryoso niyang sabi sabay ang pagbukas ng pinto at lumabas.
"Woahh! I can feel some intensity running over my body!!" Exaggerated na sabi ni kuya James sabay batok sakanya ni Kuya Jack. "Ouchh."
"Baliw!!" Sambit naman ni Kuya Jack.
Agad nadin akong nagpaalam sakanila dahil baka inaantay nadin ako ng dalawa at agad naman nila akong tinanguan.
Agad akong lumabas at tiningnan ko agad ang phone ko at baka may text sila.
Gracia: bhe, pasensiya na at biglang nagyaya yung isang team mate ni Naja na magdinner daw sila sa labas, aantayin ka pa sana namin dahil wala kang kasama kaso atat naman na silang umalis habang maaga pa daw at ngayon napasama kami sakanila. Pasensiya na ha. Dala mo naman na phone mo at sure akong masusundo kana ni Kuya Leo. Bawi kami bukas sayo. Promise. Love you bhe. Tsup tsup.
Mika: Ok. - sent
Napabuntong hininga ako. Tinext ko si Kuya Leo at nagpatuloy ako hanggang sa labas para mag antay kay Kuya. Nakatayo ako ngayon sa gilid ng highway. Nagvibrate ang phone ko at tiningnan kung sino ang nagtext.
Kuya Leo: sorry little girl, hindi kita masusundo ngayon. I still have 2 classes more. Mag taxi ka na muna. Is it ok?
Tiningnan ko ang oras at 5:30 na pala. Oo nga pala, may night classes pala si kuya at malelate nadin siya kapag susunduin pa niya ako.
Mika: it's ok kuya. Mag taxi nalang ako. - sent
Kuya Leo: Take care ok? Send me the plate number para alam ko.
Mika: yes kuya! - sent
Tinago ko na agad ang phone ko sa bag at nag abang na nang taxi pero isang patak ng tubig at nakaagaw pansin sa akin. Tumingala ako at napansin kong bubuhos na ang ulan. Bago pa ako makahanap ng sisilungan ay nakita ko si Henry na patakbong papalapit sa akin na may dalang isang payong. Nang makalapit siya sa akin ay tumingala ako sakanya.
"May susundo ba sayo?" Tanong niya na salubong ang kilay.
Napayuko ako "Hindi daw makakarating si Kuya." Sagot ko.
"Ihahatid na kita." Sabi niya.
"Ha? Huwag na at baka makakaabala pa ako." Sabi ko pero seryosong tiningnan lang niya ako.
"I will not let my girl stay here alone. Let's go!" Ma awtoridad niyang sabi sabay hawak sa kamay ko at hinila akong papunta sa kotse na iisa lang ang payong gamit namin.
I don't know what makes me feel this way now. The way he holds my hand makes me feel something weird and unexplainable. Ayaw kong magconclude sa nararamdaman ko. Not now.