Chapter 6

3099 Words
Sa dalawang taon na nakikita, nakakasalubong at nakakasama minsan ang lalaking yun, never ko pa siyang nakita na ganun siya kaseryosong tumingin sa akin. Pakiramdam ko nakagawa ako ng malaking kasalanan sa harap niya. "Wala lang yun sa mood. Baka pagod nadin siguro." Ani ni Kuya Jack na tapos na din. Sabagay, sunod sunod pa man din na praktis ang ginawa nila. Kita ko na rin kasi ang pagod sa mukha ng iba. "Saan kayo pupunta after dito?" Tanong ni Kuya Amir sa akin. "Pupuntahan namin si Naja." Sagot ko. "Samahan ko kayo?" "Huwag na. Kami nalang, tutal at tapos naman na kami. Salamat pala sa pagkain." sabi ko at tumangong ngumiti naman siya. Tumayo na rin kami at nagpaalam sa lahat. Nililibot ko ang paligid sa di ko alam ang bakit. Napailing ako nang napagtanto kong hinahanap ko ang lalakeng yun. Wala naman akong ginawa ahh. "Baka nasa caf palang sila Naja. Anong oras ka uuwi?" Tanong sa akin ni Gracia. "Same time lang din. Nakalimutan ko kasing sabihin kay Kuya na half day pala tayo kanina." Ewan ko ba at nawala sa isip ko yun. So hanggang 5pm ako ngayon dito. "Tawagan mo nalang kaya." "Kailan pa ako nagdadala ng cellphone dito?" Oo, hindi ako nagdadala ng cellphone sa school. Good girl kaya ako. "Paano mo ngayon sasabihin kay kuya Leo na half day tayo? Memorize mo ba number niya at tawagan nalang natin?" Tanong niya. "Hindi, mahina ako sa memorization." Sagot ko. "Grabe ka talaga. Next time imemorize mo na nang hindi ka naiiwan mag isa dito." Sermon niya. Dumeretso kami sa caf at hinanap si Naja pero hindi namin siya nahanap. Binisita pala nila ang sport complex kung saan doon gaganapin ang competition nila. "Mag 1:30 na, baka hanapin na ako sa bahay. Paalam ko pa man din na half day lang tayo. Mauna na ako sayo Mika ha." Paalam ni Gracia kaya tumango ako. Tumambay muna ako sa gazebo para magpalipas ng oras. Nakasara ang library kaya wala din akong paglilibangan kahit pagbabasa nalang sana kunwari. Idlip muna siguro ako dito dahil medyo inaantok din ako. Sinandal ko ang katawan ko sa sandalan ng upuan at pinwesto ko ang ulo ko sa poste nito at pinikit ko. Naalimpungatan ako sa isang bagay na dumapo sa pisngi ko. Kinusot ko ang mata ko para makita kung ano iyon at nakita ko ang isang bulto ng lalake na hinaharangan ang init na sinisinagan ako. Humarap sa akin ang lalake at laking gulat ko nang maaninag ko ang mukha ni Henry na siya pala ang humaharang sa sinag ng araw sa akin. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko sakanya na salubong ang kilay niyang nakatingin sa akin. Umayos ako ng upo. "Gising na pala ang mahal na prinsesa." Sabi niya sabay ang pag upo sa tapat ko. "K-kanina ka pa dito?" Tiningan ko ang orasan at pasado 4pm na pala. Aba at napasarap ang tulog ko ahh. "Mahigit isang oras din." Sabi niya na habang hinihilot ang kaliwang braso niya. "I-isang o-oras?" Gulat ko. "Maiiwan ka kasing mag isa dito kaya sinamahan na kita." Sabi niya at siya naman ngayon ang sumandal sa kabilang poste at pinikit ang mata habang nakahalukipkip ang braso. "H-hindi mo naman kailangan gawin yun. Kaya ko naman ang sarili ko." Sabi ko. "May konsensiya naman ako kahit papaano." Sabi niya habang nakapikit parin siya. Hindi ko napansin na napapatigtig na pala ako kabuuang mukha niya. Hindi na ako magtataka talaga kung maraming hahanga sakanya. Kahit anong anggulo kasi masasabi kong walang nagkulang ang pagkakagawa at pagkakahugis ng mukha niya, isama mo pa ang mala masculine body at broad shoulder na papantay sa mga sikat na modelo ngayon, at height? Hanggang balikat lang naman niya ako. "Baka mapanaginipan mo ako mamayang gabi kung titigan mo pa ako. Di ko na kasalanan kung gigising kang nakangiti bukas." Nakangisi niyang sabi. Gulat akong napaiwas sa sinabi niya. Malay ko ba at nasisilip niya pala na nakatingin ako sakanya kahit nakapikit siya. "Nasaan pala mga kasama mo?" Tanong ko. Waring hinahanap ko pa ang mga kasama niya sa paligid. "Nauna na silang lahat. Kailangan din nila magpahinga." Paliwanag niya. "Bakit ikaw? Umuwi ka narin sana. Hindi mo na sana ako sinamahan dito. Mas makakapagpahinga ka sa bahay ninyo." Feeling ko kasi baka kasalanan ko pa na hindi makalaro to bukas ehh. "Mas makakapagpahinga ako ng maayos dito lalo na kung kasama kita." Sabi niya na nakapikit parin. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano nanaman kayang kalokohan ang sinasabi niya. Nagsisimula nanaman ba to. "Ano naman naitutulong ng presensiya ko sa pagpapahinga mo?" Taray kong sabi sabay taas ang isang kilay. Dinilat niya ang isang mata niya at agad na pinikit din. "Nawawala kasi 90% ng pagod ko pag nakikita kita ehh." Ngisi niyang sabi. "Tsk. Player ka talaga." Irap kong sabi. "Player lang sa court pero hindi sayo." Sabi niya sabay ang pagdilat ng mata at tumingin sa akin. "Alam kong magaling kang magdala ng bola sa court pero hindi mo ako madadala sa mga pangbobola mo." Gumilid ako ng pagkakaupo na hindi na siya ang kaharap ko. "Hindi naman kita binobola ahh, kinukuha nga kita sa iba para sa akin ka lang pumunta, mahirap na at baka iba pa ang pumuntos." "Pwede bang tigilan mo nalang ako." "Wala sa vocabulary ko ang pagtigil lalo na sa mga bagay na gusto ko at sa mga taong gustong gusto ko." Sabay ang makahulugang tingin sa akin. Tumayo siya saka lumapit sa akin. "G-gustong asarin? Gustong masira ang araw? Gustong naiinis?" Tanong ko saka ako tumawa ng pagak saka tumingin sakanya ng masama. "Lokohin mo ang iba huwag ako." Pinatong niya ang isang kamay sa ulo ko saka yumuko hanggang tumapat ang mukha niya sa mukha ko saka siya ngumisi. "Hindi kita niloloko at never kitang lolokohin. Alam mo kung bakit? Dahil gusto kita Mika. Gusto kita." Seryosong sambit niya na nakatingin lang sa mga mata ko. Para akong naestatwa sa narinig ko. Walang iba sa akin ang salitang 'gusto kita' pero kay Henry, parang iba ang dating sakin, isabay mo pa ang kakaibang mga tingin niya na nagsasabing sincere siya sa mga sinasabi niya. "Alam kong mahirap paniwalaan dahil nasanay ka sa ibang ugali ko pero aaminin ko, sayo lang ako naging ganito." Napakurap ako sa sinabi niya saka ako dumistansya ng paatras kaunti at tinanggal na niya ang kamay niya sa ulo ko. "Kaya kong mag antay at uulitin ko. Wala sa vocabulary ko ang tumigil o ang sumuko." "Masyado pa tayong bata para sa mga ganyan. Matatawag lang na puppy love ang nararamdaman mo but not true love." Paliwanag ko at sa wakas nakapagsalita rin. "I can wait until that right age come. Darating din naman tayo doon at hindi naman ako nagmamadali. We can both wait on that, diba?" Ngising sabi niya "Mag aantay ka? Paano kung sabihin ko na 30 na ako mag aaccept ng manliligaw. Aantayin mo parin ako?" Hamon kong tanong. "30 kana non at 31 or 32 na ako. Kaya! Mag aantay ako.!" Confident niyang sagot. "Ehh paano kung 35 na pala o kaya 40." Patuloy ko. "Kahit anong edad pa yan. Mag aantay ako." "Nasasabi mo lang yan kasi wala ka pa sa mismong mga panahon na iyon." "Try me." Ngiti niyang sabi. "Ayoko nga. Baka scam ka lang ehh." Tumawa siya kaya napasunod naman ako sa tawa niya. "Sayo ko palang pinapasubok ang mala anghel kong sarili. Baka magsisi ka sa huli." Inirapan ko lang siya. Mala anghel daw pero kabaliktaran ang pinakita niya sa akin sa isa at kalahating taon. Maniniwala pa ba ako sakanya ngayon? "Action speaks louder than words ika nga." Sambit pa niya na sa akin parin nakatingin. "Seryoso ka talaga? Kasi hindi talaga ako tumatanggap." Pang uunawa ko. "Ehh hindi naman ako nagmamadali. Sabi ko nga, mag aantay ako." Ulit niyang sabi. Napakamot nalang ako ng batok. Nakakapanibago talaga to. "Naalala mo yung first move ko?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko sa pag papaalala niya sakin yung ginawa niya. "Nakalimutan ko na!" Sungit kong sabi. Ayaw ko ngang maalala pero pinaalala naman niya. "Gusto mo ipaalala ko o kaya gawin ko ulit?" Sabi niya na kinataranta ko. Tumayo ako saka ko inilahad ang kamao ko sa harap niya. "Eto kaya? Gusto mo?" Banta ko. "Sabi mo kasing nakalimutan mo. At tsaka walang problema ang kiss sa forehead kasi it's a sign of my respect." "Kahit na!" Tumawa siya. "Ang cute mo talaga. Kaya gustong gusto kitang inaasar ehh." "So tuwang tuwa ka na inaaaar mo ako?" "Natutuwa lang ako sa itsura mo. Nakakaganda ng araw kasi ehh." Sabay ang tawa ulit niya kaya sinuntok ko siya sa braso pero lalo namang tumawa sa ginawa ko. Kinuha ko yung bag saka nilisan siya. Bahala siya sa buhay niya. Nasa harap na akong nang maisipan kong tingnan ang orasan ko at 4:30 palang. So may 30 minutes pa. Paano kung magtaxi nalang kaya ako. Tama kesa mag aantay ako dito nang another 30 minutes. Pahakbang na sana ako papunta sa gilid ng highway nang may humawak sa kamay ko. "Saan ka pupunta?" Salubong ang kilay na tanong ni Henry sa akin. "Magpapara ng taxi? Problema mo?" Sungit ko. "Sabay ka na sa akin, mas safe pa." Ano daw? Safe? Agad kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Thanks but no thanks. Kaya ko ang sarili ko." Sabi ko sabay ang pag abang nang dadaan na taxi sa daan. "Nabalitaan ko pa man din nung isang araw na may namatay na babae." Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Alam ko na matapang ako sa ibang bagay pero pag nakakarinig ako nang mga ganyang balita ay nakakaramdam ako ng kilabot. Tumingin ako sakanya. "Nasaan yun sasakyan mo? Pahatid nalang ako saglit." Nakita ko ang pagtaas ng kanang sulok ng labi niya. "Wait for me here." Sabi niya sabay ang talikod at pumasok ulit sa loob. After 5 minutes ay may tumigil na sasakyan at ng pagbukas ng passenger door. Walang alinlangan na agad akong pumasok sa loob. Nang nasa byahe na kami ay naglakas loob akong tanungin yung sinabi niya kanina. "A-anong pala ang nangyari sa babae? Pinahirapan ba siya ng taxi driver? Pinatulog?" Ganun kasi nababalitaan ko sa TV na may nilalagay sa may aircon na amoy na pampatulog hanggang mawalan ng malay ang pasahero saka gagawin ang mga balak. Ganun siguro ang nangyari sa babae. Nanginginig tuloy ang kamay ko na nasa hita ko ngayon sa kakaisip kung gaano kasama ang tao ngayon. "Ha? Walang kinalaman ang taxi driver sa pagkamatay ng babae." Sabi niya na ikinaawang ng labi kong tumingin sakanya. "Sabi mo kanina diba?" "Ang sinabi ko lang ay may nabalitaan akong may namatay na babae noong isang araw." Paliwanag niya na ikinayukom ng kamay ko na kanina lang nanginginig sa takot, ngayon naman ay sa inis na. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa pero alam kong pinipigilan niya. "So way mo yung takutin talaga ako para makasabay sayo ganun?" "Totoo naman na may namatay dahil sa stage 4 cancer na siya. Tsaka nagsasabi naman ako ng totoo. May mali ba sa sinabi ko? O mali lang pagkakaintindi mo?" "Mali ang pinaintindi mo kaya ako nandito." Irap ko sabay lumingon sa bintana. "Ohh hahaha sorry. Tsaka for your safety narin naman." "Sana nga at safe ako sayo." Bulong ko. "As long as you are with me, no even one will try to hurt you. You're safe if you are with me." Aniya na nakatuon sa daan. Hindi na ako nagsalita. Sinabi ko na hanggang sa gate nalang ako ng subdivision pero nagpumilit siya at tinanong pa sa guard kung saan ang bahay namin dahil ayaw kong sabihin. "I know where you live now. Pwede na siguro kita pasyalan kapag may time." Ngiti niyang sabi sa akin. "Bawal ang kagaya mo dito." Sungit ko. "Kagaya kong gwapo at mala artista ang dating? O come on. Huwag ka masyadong possessive na ipakita ako sa mga kapitbahay niyo." Saan ba niya nakuha ang kahanginan ng taong ito. Mas nakakahiya pa ata to kasama kesa kay Gracia. "Lalabas na ako. Salamat sa paghatid." Sabi ko sabay tanggal sa seatbelt at bubuksan na sana ang pinto ng magsalita siya. "Don't thank me. It's my responsibility to bring my lady home safe and sound." Sabi niya na may makahulugang tingin sa akin. Feeling ko biglang nag init ang panahon. Sabagay, malapit na pala ang summer next year. Shockss. Ang pangit ng feeling na ganito. "Alis na ako. Bye." Sabi ko at tuluyan na akong lumabas saka dumeretso sa tapat ng gate. Lumingon ako saglit sakanya na ngayon ay inaantay lang pala ako makapasok kaya pumasok na ako agad at tumungo sa loob. Pagsara ko ng pintuan ay sumandal agad ako sa pinto at pinakiramdaman ang buong katawan ko kung may lagnat ba ako. Dumeretso ako sa kusina at kumuha ng malamig na tubig saka uminom. Grabe ang araw na to. Nasa kwarto na ako ngayon at hinarap ko ang desktop computer at inopen ang skype para tawagan sila mama. Nagmessage kasi sila na tawagan ko daw sila pag makarating ako ng school. " hello anak. How are you? I miss you so much. Kung pupwede ka lang sana namin kunin na dito ehh kaso ayaw mo pa naman." Sabi ni mama "I'm always fine here ma. Don't worry too much." I gasped. I miss them too. "Honey, how's your school? Your exam?" Tanong ni papa. "Well, pasado naman po sa tingin ko." Sabay ang malokong ngiti ko. "Anak??" Alam ko na ang ganitong tono ni mama ehh hahaha. "Yes ma, I know. Huwag po kayong mag alala. Nag aaral ako ng mabuti." Sabi ko para mag iba ang timpla ng mukha niya. "Alam mo naman na education lang pwede naming ibigay sayo for now na mas importante sa lahat ng iba pa naming naibibigay sayo." "I know mama. Hindi naman ako nagpapabaya sa pag aaral ko. No worries po." "Before we forgot anak. We decided na 4 years ka nalang diyan sa Pilipinas since nasa legal age kana that year." Paliwanag ni papa. 4 years from now? 18 years old na ako non. Para akong nabigyan ng palugit ng buhay na kailangan kong mang iwan ng memorable experiences dito sa Pilipinas. Napabuntong hininga ako at kailangan kong iwan ang mga kaibigan ko. "Mukhang maabutan pa ata kayo ng senior high diyan na idedeclare ng DepEd for K to 12. So, you gonna take your college here honey after you graduated from senior high." Aniya ni papa. "Yes papa." Tanging sabi ko. Mahirap na kasi ang sumusuway ehh. Pagkatapos ng pag uusap namin ay inihiga ko ang katawan ko sa kama. Ilang oras na ay hindi pa dinadalaw ng antok. Tutal at wala naman kaming pasok bukas pero aagahan namin dahil kailangan namin suportahan si Naja bukas. Dahil sa hindi ako makatulog ay sinubukan kong kinuha ang phone ko na medyo bago pa ang itsura dahil sa hindi ko naman ginagamit masyado. Wala kasi akong hilig sa gadget. Out door activities ako mahilig o kaya panonood lang. I scan my phone para mafamiliarize nadin at maging knowledgeable naman sa paggamit nito. Huli sa uso na kasi ako but I'm trying naman na makasabay parin. Balita ko kasi na wala na daw ang friendster at sikat naman ang f*******: daw ngayon kaya kinulikot ko ang mga apps hanggang napunta ako sa browser at tinype ang f*******: at ayun nagpakita naman. Ininstall ko na din. Madali lang naman ako matuto ehh. I put my email and password and filling some informations asked at gotcha, my account na ako. Naglagay na ako ng profile picture and finally, successfully done na. Nakaka igno pala ang ganito. Madala nga lagi ang phone na to para maging updated naman. Outdated na kasi ako sa uso ehh. Hinanap ko agad ang pangalan ng mga kaibigan ko at nag send ng friend request sakanila. After a few minutes ay nakatulog nadin ako. Kinabukasan ay narinig kong tumunog ang phone ko. Agad kong chineck sa pag aakalang inaccept na ako nila Gracia pero kumunot ang noo ko ng makita ko ang isang pangalan sa friend request list ko. Henry Alejandro? Chineck ko ang profile pic at shocks, siya nga. Accept ko ba o delete? Or ignore nalang. Wala naman sigurong masama kung maging friends kami dito sa sss kaya inaaccept ko agad ang friend request niya. Pagkatapos non ay agad ako ng tumungo sa CR para maligo. Nasa kusina kami ngayon at kumakain kasama si Kuya Leo. "Sigurado ka bang kaya mo na mamaya? Hindi na kita susunduin?" Tanong niya. Kinuha ko ang phone na nasa bag ko saka ko nilabas at pinakita. "I'll bring this Kuya. Tawagan nalang kita." Ngiti ko sabay subo sa pagkain ko. "Mabuti naman at nagkaroon ka na interest gamitin yan. Akala ko sasamahan mo si manang tere sa pagiging outdated sa mga ganyan." Sabi niya sabay inom ng juice. "Hindi sa outdated iho, sadyang kontento at masaya na ako sa Nokia 3310 ko at ayus pa naman sa pantawag at text sa pamilya ko. Mas matibay pa nga ang mga ito kesa sa mga cellphone niyo ngayon ehh. " sabi ni manang tere na inaayos ang babaunin ko. "So hindi na kayo nagsusulatan ng kapenpal mo manang? Call mate or text mate na?" Tanong kong nakangisi na may halong pang aasar sa boses. "Minsan text mate, minsan call mate, minsan din nagsusulat pa siya. Malayo kasi at nasa ibang bansa." Paliwanag niya. "Manang, high tech na ang panahon ngayon. Pwede mo na siyang makausap ng face to face. My skype na, my viber at baka habang tumatagal ang panahon baka pati f*******: lalagyan nadin ng video call." Paliwanag ni kuya. Napaisip ako. Sabagay, pwedeng mangyari yun. Tao nga nagbabago kada taon, mga gadget pa kaya? Nasa sasakyan na kami ni kuya at ihahatid na ako sa lugar na pagkikitaan namin ni Gracia ng tumunog ang phone ko. Tiningnan ko at nakita kong may isang message akong nakita sa f*******:. Clinick ko at lumabas ang pangalan ni Henry. Ano nanaman kaya ito? Binuksan ko at binasa ang message niya. Henry: Hi! ? Make sure to bring yourself this afternoon ok, coz I can't play without your eyes looking at me later. I need you as my inspiration to win. See you! Napatingin ako kay kuya na busy na nagdradrive at napabalik din ako sa harap na tumingin. Pinampaypay ko ang kamay ko dahil feeling ko umiinit ang pakiramdam ko. Normal pa ba ako? Kahapon pa to ahh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD