Chapter 5

2714 Words
10 years from now, I probably can't see myself hanging and loitering without my friends with me. I'm now connected with them. I'm just happy thinking and wondering how we end up meeting each other in unexpected and unplanned situations and events in our lives. We become blessings and we consider ourselves a gift with each other as well But one thing I know for sure, I can't give them up easily. I considered them as my my lifetime treasured pearl that is rare to found. Gracia and Naja are my closest friends. Their presence help me a lot. Tumayo silang pamilya at mga kapatid ko. I can't lose one of them. "Nakakapagod ang maghapong ito. Sobra!" Reklamo ni Naja na kakatapos lang ang praktis nila. "Last praktis niyo na bukas noh." Tanong ko at tumango naman siya. It's her dream anyway to join the cheering squad team since when she was young. "Galingan mo gurl, andito lang kami sa likod mo!" Pagchicheer ni Gracia. "Tama siya. Nasa likod mo lang kami." Malawak na ngiti ko. "Salamat mga friendship. Talagang napakaswerte ko sa inyo!" Maiyak iyak niyang sabi and then we group hugged. "Oo nga pala." Agad siyang bumitaw. Bigla siyang ngumuso. "Nakakainis kayo. Nakita ko kayo sa basketball court kanina. Gusto ko sana kayong puntahan kaso nagprapraktis kami ehh. Bat pala kayo napunta don?" Tanong niya na kinatingin namin ni Gracia sa isa't isa. "A-ahm.." paano nga ba? Hindi pwedeng malaman na hinila lang ako ng henry kanina don. Baka magtampo o pag isipan nanaman ako nito ng iba ehh. "Hinila ko siya kanina don. Siyempre andon si Kuya Clinton ehh. Alam mo na hihihi. " palusot ni Gracia na ikinatango tango ko. "Talaga? Sayang naman." Simangot niya sabi. Hindi kasi kami nagpupunta doon kahit nandon ang mga crush nito. Kaya hindi na kami magtataka kung bakit niya biglang tatanungin yun. "Pero alam mo ba Naja, ang haba ng hair ng kaibigan natin." Tuwa niyang sabi. Napalingon si Naja. "Bakit?" Natatawang tanong ni Naja, siguro ay sa itsura nadin ni Gracia na mukhang masayang masaya na may nalaman patungkol sa akin. Teka... baka naman sasabihin niya yung narinig niya kanina don? Tumingin ako sakanya. "Kasi may Kuya Amir na nga siya, nadagdagan pa ng Kuya H..." bago niya sabihin ang katuloy ng H ay tinakpan ko na ang bunganga. Kainis talaga to, hindi nag iisip bago niya sabihin. Nakakunot ang noong bumaling sakin si Naja? "Bakit mo tinakpan Mika?" Tanong ni Naja. "Wag mo na siyang pakinggan. Magchichismiss na nanaman ng fake news." Sabi ko sabay kuha ko na sa bag ni Naja at inakbayan na siya para mauna na kami. "Fake news patungkol sayo? Fake news ba yung may gusto si Kuya Amir sayo?" Tawa sabi ni Naja. "Oo, fake news lahat yun kaya wag na wag kang maniwala agad agad kay Gracia kahit kaibigan pa natin yan." Sabi ko sabay tingin ng masama kay Gracia na nasa tabi ko ngayon na nakasunod. "Grabe ka!" Sabay tapik niya sa braso ko. "Totoo sinasabi ko noh." Sabi niya. Binigyan ko siya ko siya nang 'huwag mong sasabihin look' para magets niya yung gusto kong ipahiwatig at salamat naman dahil nakita ko sa mata niya na naintindihan niya yung gusto kong sabihin. "Sino ba yung sinasabi mong nadagdag Gracia?" Tanong muli ni Naja habang papunta na kami ngayon sa classroom para kunin ang mga gamit namin. "Hehehe. Wala, nadagdagan lang ang haba ng hair niya dahil inspired magshoot si Kuya Amir sa praktis nila. Akalain mo, sunod sunod." Tuwang kwento niya. "Wow ha!! Haba nga ng hair mo Mika!" Sabi naman ni Naja na sinabayan nadin ng tapik rin sa kabilang balikat ko. Umiling iling nalang ako sa dalawang kasama ko. Ang saya nila na ako pinag uusapan ahh. Grabe!! Pagkakuha namin ng gamit sa classroom ay dumeretso na kami sa gate. "Bukas ulit ha?" Paalam ni Gracia sa akin. "Bye Mika!" Paalam din ni Naja. Kumaway ako bilang pagpapaalam ko sakanila. Buti pa sila at malapit lang mga bahay nila dito samantalang ako ay kailangan ko pang mag antay ng sundo. Papunta na ako sa waiting area nang makita ko ang isang batang babae na napakacute. Nakaupo siya at mukhang may inaantay ata. Lumapit ako at tumabi sakanya. "Hi!" Bati ko saka siya lumingon sa akin. Ngumiti rin siya sa akin. "Hello po!" Bating sagot niya. "May inaantay ka dito?" Tanong ko. "Yung Kuya ko po." Sagot niya. "Ahh. Dito ba siya nag aaral sa school?" "Opo. Ang tagal nga po niya ehh." Reklamong sabi niya saka ngumuso pa. Ang cute. Ibalita ko nga kay Brent mamaya to hahaha. "Malapit ba ang school mo dito?" Tanong ko ulit. "Opo, medyo po. Nainip na po kasi akong kahihintay sa kuya ko kaya nilakad ko na pong pumunta dito." Sumbong niya sabay nguso nanaman. Cuteness overload ang batang to. Pwede kayang makurot ang pisngi? Haha. Baka awayin ako ng kuya kapag napaiyak ko pa. "Baka darating na yun for sure. Ano pala name mo?" Tanong ko para naman alam ko ang ibabalita ko mamaya kay Brent hahaha. "Faye po. Ikaw po?" Tanong niya sa akin. "Ako si Mi.." "Faye!" Tawag ng isang boses. Napalingon si Faye sa boses na yun habang ako ay nanatiling nakaharap parin sakanya. Kilala ko kasi yung boses. "Ang tagal mo!" Reklamo ni Faye na kitang ang inip at inis sa kuya niya. So ito pala ang kapatid niyang babae. Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa sakanya. "Katatapos lang namin magpraktis." Saka lumapit sa amin. Sinilip niya ang mukha ko pero umiwas ako. "You know her already?" Tanong niya sa kapatid niya. She nodded. "She's ate Mi." Sagot niya na ikinatawa ni Henry. Oo nga pala hindi natuloy yung pagkakasabi ko ng pangalan dahil bigla siyang tinawag. *beep beeeeep "Alis na ako Faye. Bye!" Paalam ko sa bata saka tumakbong lumapit sa sasakyan. Pagpasok ko ay nilingon ko ulit si Faye at nakita ko ang pagkaway niya habang ang kuya ay nakatingin lang sa akin pero umiwas na ako agad. "There he is again. Malapit na akong mag isip na pinopormahan ka talaga non little girl. " biro niya na nilingon ko siyang masama ang tingin. "Sinabi ko sayong huwag mo akong tawagin niyan kuya." Reklamo ko. "Ok lang naman kahit na may nanliligaw na sayo basta ipakilala mo lang sa akin at ako nang bahala magkilatis." "Wala nga!!" Inis kong sagot. "Tsaka magaling akong tumingin ng lalake para sayo." "Stop it kuya!!" "Dapat alam niya ang mga gusto mo at gusto ko." "KUYA!!!!!" sigaw ko. Nakakainis kasi ehh. Isa pa to na sobrang kulit. "Okey! Fine!" Sabi niya sabay tumawa. "Pero kung gusto mong pag usapan nex.." Sinuntok ko ang braso niya. "Mababangga tayo!" Reklamo niya pero natatawa parin siya. "Better shut your mouth Kuya!!" Banta ko. Nakarating naman kami ng safe sa bahay na hindi ako tinitigilan ni Kuya Leo sa kadaldalan at interview sa akin. "Brent. May goodnews ako sayo." Excited na sabi ko sa kabilang linya. "What's that?" "May boyfriend na si Mika" singit ni Kuya Leo sa likod ko. Binato ko agad ng chair pillow at agad naman niyang nasalo na tawang tawa parin. "Really? Who's that lucky guy? May I know him?" "huwag kang maniwala sakanya, nagsisinungaling lang siya." Sabay irap ko kay kuya Leo na napapailing nalang sa tawa. "Why you're so mailap ate Mika. You should start finding that guy now or else you'll be left behind and become an old maiden. Do you want it?" "Warning ba yan Brent? Matatakot na ba ako?" Tanong ko kasi parang hinuhulaan na future ko. "It's just an eye opener on how we use our time wisely." Feeling ko mas matanda pa sa akin tong kausap ko. "Gugulatin ko nalang kayo soon, but for now, let me stay the life I want to live. Don't bother me yet about my future, let's face first what our present might bring to us by now." Makahulugang sabi ko. "You gonna prepare yourself for your future also." Daing niya. "I will be there soon, no worries my dear cousin. " "Ohh yeah." Alam kong nakanguso nanaman to. "Brent, before I forgot. I met a girl named Faye. Ang cute niya. Alam kong mahilig ka sa ganung itsura ehh. Want me to send some pictures of her next time?" Ngiti ko. "A-ahm. Study first ate." Ai wow, tinanggihan. Good boy ang cousin namin ehh pero alam kong itatanong niya one time ulit sa akin ito for sure. "Okey! Makakaantay naman yun kasi bata pa siya. Study first muna tayo noh. Pati ako diba?" "Ofcourse." See? Nasaan na yung advice mo kanina cousin? " but .... " "Okey na! Move on na tayo. Thank you!" Pagwawala ko sa usapan. Babalik nanaman ehh. Marami pa kaming pinag usapan ni Brent at nakisali naman si kuya Leo. Ang saya lang. My cousins never failed to show me how they really cared for me. Baka naman iisa lang talaga ang magulang namin at ganito kami kalapit sa isa't isa o sadyang dugo ng Villa Fuerte ang nagpalalapit sa amin. Kinabukasan, maaga nanaman akong pumasok. Ofcourse dahil half day ay masaya ang lahat. Yung mga maglalaro naman ay excited nadin para bukas. Natapos ang mga umagang exam namin pero di pa tapos ang utak ko sa pagcalcula ng mga sagot ko sa science. Feeling ko kasi mali ang naisagot ko. Sabi kasi ni Ma'am Liwba na puro identification nalang at 10 items na multiple choice pero feeling ko, balibaliktad mga sagot ko. Agad kong kinuha ang notebook ko at chineck. Nagsisi tuloy ako, sana hindi ko nalang tiningnan ang notebook ko para hindi ko nakita na mali ko yung sagot ko. Kainis naman. Humarap ako kay Gracia na nakanguso at dissappointed ang mukha ko habang siya naman ay pangiti ngiti lang. "Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang naubusan ng isang kalderong kanin?" Tawa niyan sabi. "Mali kasi sagot ko sa science." Sumbong ko. "Hayaan mo na yang science. Basta makakuha ka ng 1 out of 40 ok na yun, atlist may isang check ka parin." Sabi ni Gracia na kinataas ng kilay ko. "Hindi pasado yun bruha!" Reklamo ko. "Atlist may makikita kang isang check at hindi puro wrong." Sabi niya "Kahit na!" Giit ko. "Anong magagawa mo kung tapos na, di mo na maibabalik yun." Sabi niya habang inaayos yung mga gamit dahil tapos na lahat ng exam namin. "Ikaw ba? Sa tingin mo, ilan ang tama mo doon." Napatigil siya sa tanong saka tumingin sa akin at ngumiti. "Actually... to be honest narin ... hindi ako sigurado sa mga sagot ko. Wala sa mga nareview ko ang lumabas sa exam." Nagtaka ako, paanong nangyari yun? "Last midterm lesson pa pala yung nareview ko kaya yung sinabi ko sayo kanina na 1 out of 40? Sa sarili ko sinasabi yun hindi sayo. " ngiti niya tapos tumayo. "Basta may isang check kahit walang nareview, ok na sa akin at bonus nalang kapag madagdagan pa ng check." Sabi niya saka tumungo sa pintuan. "Saan ka pupunta?" Tanong ko. "Huhugot lang ng inspiration para magkaroon pa ako ng pag asang maging masaya ngayon. Halika na. Basketball court ulit!" Yaya niya pero umiling lang ako. Ayaw ko sa basketball court. "Halika na!" Lumapit sa akin saka ako hinila. "Sa field nalang ako, panonoorin ko si Naja." Sabi ko "Ano ka ba! Sa basketball court tayo. Sigurado kasi akong gaganahan si A at H mo!" Tukso niyang sabi pero sinamaan ko lang ng tingin. "Ikaw nalang!" Sungit kong sagot pero bigla akong nagulat sa biglang pagliko namin papuntang basketball court. "Ang dami mong arte, sasama ka rin naman. Tingnan mo sila ohh!" Sabay turo sa mga naglalaro. "Pagod na sila, kailangan nila ng Vitamin C at tayo yun." Sabi niya na halos patakbo pa niya akong hinihila. Pagkarating namin ay agad naghanap ng uupuan si Gracia at hinila nanaman niya ako. Umuusod ako papalayo sakanya pero bigla bigla nalang niya akong hihilain papalapit sakanya. "Tingnan mo ohh. Ngumiti si Kuya Henry sa atin." Bulong ni Gracia sa akin. "And so?" Sungit ko. "Ano ka ba, ibig sabihin nainspired siya dahil nakita ka niya." Paliwanag niya. "Teka nga Gracia. Ipapaintindi ko sayo ha, si Naja ang nagkakagusto kay Henry, hindi ako!" Paliwanag ko. "Pero ikaw naman ang gusto ni Kuya Henry at hindi si Naja." Sagot niya. "Pero kaibigan natin si Naja, para kang nagtratraydor patalikod sakanya niyan." Napatahimik siya sa sinabi ko. "Ganun na ba ginagawa ko kay Naja ngayon Mika?" Medyo malungkot na ang mukha niyang umiwas at bumalik sa panonood sa mga naglalaro. "Sa tingin ko oo. Kailangan natin siyang suportahan sa gusto niya gaya ng pagsuporta namin sa gusto mo." Sabi ko. "So puro kami nalang ang iisipin mo at hindi na ang sarili mo?" Balik na tanong niya sa akin. Anong ibig niyang sabihin don. "Kaya ko naman sarili ko tsaka huwag na kayong mag aalala sa akin. Ang importante masaya kayo. Masaya ako kapag masaya kayo." Sabi ko. "Hindi mo pa naiintidihan ang sinasabi ko ngayon pero soon, maiintindihan mo rin ako. At pag dumating yung araw na yun, pasasalamatan mo ako." Ngiti niya sa akin. Totoong hindi ko siya naiintidihan at tinatamad akong intindihin siya ngayon kaya pass muna. Pagod ang utak kong nag isip sa science kaya pass muna ako sa analyzation at reflection. "Time out muna tayo. Balik kayo ng mga 2pm. " anunsyo ni Coach Guting. "Yes coach." Sabay at sunod sunod nilang sagot. "Punta na tayo kay Naja." Bulong ko kay Gracia. "Sa canteen nalang tayo at baka doon rin sila didiretso." Sabi niya kaya tumango nadin ako. Aalis na sana kami nang may biglang tumawag sa pangalan ko sa likod namin. "Mika!" Napalingon kaming dalawa ni Gracia. "Kuya Amir!" Sambit ni Gracia. "Hi Gracia. Join us sa lunch namin under the tree. It's my scheduled treat sa mga players but I let you both joined with us." Ngiting yaya niya sa amin. Iiling na sana ako pero... "Sure kuya. Atlist ininvite mo kami, hindi na kami mahihiyang makijoin ngayon sa inyo. " kapal na mukhang sinabi ng kaibigan ko. Feeling ko ako talaga yung nahihiya para sakanya ehh. How come? "Good to hear that. Let's go." Sabi niya na nakisabay narin sa amin sa paglalakad papunta sa under the tree na yan. "Paano na si Naja? Baka inaasahan din tayo non." Pag aalala ko. "Hindi yun. Promise! Tsaka opportunity narin na makijoin sakanila kahit sa lunch lang. Wag mo na sayangin yung moment." Sabi niya na tuwang tuwa pa sa sinasabi sa akin. Nakarating na kami sa under the tree na sinasabi nila na gilid lang din ng field na maraming table and benches na nakapaligid. "You both sit here." Turo niya sa amin sa malawak na space pa ng bench sa harap namin. Umupo kaming dalawa habang kaharap namin ang ibang players kasali sila Kuya Clinton, Kuya James, Kuya Jack at si Henry na hindi namamansin ngayon. Himala! Nagsidatingan ng ang mga order at sobrang dami naman ata. "This is for you Mika." Niligay niya sa harap ko ang isang budget meal na inorder niya sa jolibbee. Actually lahat kami ganun ang inorder, yun nga lang ay ako lang inaasikaso ni Kuya Amir samantalang ang iba ay get your own kasama na si Gracia don. "Salamat. " sambit ko. "Diba I told you already na huwag mo muna akong pasalamatan." Ngiti niyang sabi. "Ehem.. medyo nangati ata ang lalamunan ko. Ehem.. Baka naman pwedeng pakuha ako ng juice amir." Singit ni Kuya James na sa tingin ko ay nagpapansin ito. "Ipaabot mo nalang kay Gray." Isa rin sa mga players na bagong sali sa team nila. 2nd year highschool. Tumayo si Henry saka kinuha ang mga juice at dinistribute sa mga players. "Salamat Captain." "Salamat boss." Sunod sunod na sagot nila sakanya. Pero tango lang ang naging sagot niya. Ilang minuto lang ang lumipas ay bigla siyang tumayo at akmang aalis na. "Henry, tapos kana? Ang bilis naman." Reklamo ni Kuya Jack. "Nawalan na akong ng gana." Tanging sambit niya sabay tingin sa akin at napaiwas lang ako saka siya umalis. "Ganun talaga pag hindi niya tanggap ang nakikita sa harap niya." Sabi ni kuya James sabay subo. Tinaas ko ang kilay ko dahil kami lang tatlo ang nasa harapan niya. So ibig sabihin dahil sa amin kaya nawalan siya ng gana?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD