Chapter 4

2759 Words
Lumaki akong hindi nakasama ang magulang. 6 years old palang ako nang magsimula silang magtrabaho sa Australia dahil nakabased Company sila doon. Halos mga pinsan ko rin lagi kong kalaro kaya siguro pati kilos nila nagaya ko. Mga pananamit at pinapanood ay nagustuhan ko rin kaya hindi nila ako masisisi kung ganito ako ngayon. Pero may puso parin naman akong babae, yun nga lang ay wala pa sa isip ko ang patungkol sa mga love na yan. Para sa akin masyado pa akong bata para diyan at hindi ko pa talaga makikita ang tunay na ibig sabihin kung wala pa ako sa tamang edad upang subukan. Hindi ako nakikipag away, sinusungitan ko lang sila. Pero isang tao lang talaga ang nakakaubos ng pasensiya ko at di ko alam kung paano niya yun nagagawa. Nagsimula yan nung first year ako. Lagi niya akong inaasar at kung minsan kinukurot pa sa pisngi kapag dumadaan sila. Siya din nag babansag nang kung ano anong pangalan sakin kaya hindi malabo na magiging kilala ako sa buong school. Henry's favorite toy daw ako sabi ng mga babaeng kaklase niya. Dahil isa si Kuya Amir sa mga barkada niya at nagsubok na manligaw sa akin ay hindi ko siya pinayagan. Wala akong tiwala sa mga kaibigan niya at baka napagtritripan lang ako. Naging araw araw na sira ang araw ko pag lagi kong nakikita ang taong yun noon hanggang ngayon. Mabuti na nga lang at busy sila ngayon dahil sa nalalapit na laro nila. Kumunot ang noo ko. "Bakit ba andito ka?" Tanong ko habang hawak niya ang dalawang kamay ko. Binawi ko agad ang kamay ko sa pagkakahawak niya at hinawakan ko ang noo ko na don mismo nagbagsakan ng bola. "Well, isn't obvious naman na dito kami nagprapractice." Sabi niya saka kinuha ang bola. "Hi Mika!" Tawag ni Kuya James sa likuran ko na papunta na dito. Oo nga pala. Magprapraktis sila ngayon. Napasapo ako sa noo ko. Bat hindi ko naisip yun. "Why you're here? don't you have your first period?" Tanong ni Kuya Amir. "A-ahmm. Wala daw eh." Sabi ko. "So kung ganun manonood ka sa amin ngayon." Sabi ni Kuya James at hinila ako sa uupuan ko. "Diyan ka muna para maganahan yung dalawang magpraktis." Sabay kindat saka umalis. Dalawa? Sino? "Okey!!" Tawag ni Coach Guting. " Warm up muna tayo." Sabay palakpak ng tatlong beses pagpapahiwatig na kumilos agad. Nanonood lang ako sa mga ginawa nilang warm up hanggang sa shooting nila. Nakikita ko ang determinado nilang pag eensayo at paghahanda para sa nalalapit nilang laro. Hindi ko namalayan ang paglapit ni Coach Guting sa tabi ko at umupo. "Sa tingin mo Mika, handa na ba sila?" Tanong niya na kinagulat ko. "P-po? O-opo coach. Magagaling naman po sila ehh. Tsaka wala pa naman pong talo ang school natin kung sa basketball lang. " pagsasabi ko nang totoo. Yun kasi ang nadatnan ko last year. Puro panalo sila kaya nasabi kong wala pa silang talo. "Magaling kasi ang leadership ni Henry. Tingnan mo, andito lang ako nakaupo at nanonood. Pero pag sa ibang school, sigaw ng sigaw yun coach nila. Kaya malaking pasasalamat ko rin sa batang yan." Ani niya na kitang kita nga ang kaluwagan ng trabaho niya. Nakabente kwatro kasi ang paa habang ang dalawang kamay ay nahalukipkip. Tumingin ako kay Henry na siyang tinutukoy niya. Oo nga naman. Kita nga sakanya na kaya niyang panguluan ang mga kasama niya. Kita rin sa itsura kung paano siya kaistrikto at siguristo sa mga ginagawa nila. Akala ko puro kalokohan din ito, may sineseryosohan din naman pala kahit papaano. "Ang swerte ng babaeng liligawan niyan." Sambit ni coach. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Sigurado ba siya? Baka magiging kawawa lang. "Mukhang mamalasin sa tingin ko coach." Paninigurado ko. "Sweswertehin kamo." Sabay ang pagtawa niya. "Mukhang loko loko lang pagnakikita mo pero seryosong magmahal yan panigurado ko. Kita ko kasi sa personality niya na magiging maswerte ang babaeng magugustuhan niyan." Sabi niya ulit. Talaga kaya? Ang taong palabiro at loko lokong kasama, pag na inlove nagseseryoso? "Kaya pag nanligaw sayo, sagutin mo na agad!" Gulat akong napalingon sakanya. Ano daw? " hehehe, kung sakaling magustuhan ka lang niya Mika." Tawa niyang sabi. Ewan ko pero parang kinabahan ako sa sinabi ni coach. Alam kong di pa ako handa sa mga bagay na yan pero parang nangamba ako agad. Narinig ko ang pagtunog ng bell kaya nagpaalam na ako agad. Hindi na ako lumingon sa kanila pero based on peripheral vision ay nakatingin sa akin si Henry na papalabas. Hindi dapat ako nagpapaapektong sa mga ganong sinasabi lang. I need to convince myself na 'Bago ako mahulog sa maling butas, sasarahan ko na'. Natapos ang maghapong klase namin. Halos iilang teacher lang ang dumalo at yung iba naman mukhang tinamad na dahil pinareview nalang kami. Sabagay exam na bukas. Nakisabay na sa amin si Naja na palabas ng gate pero di pa niya ako pinapansin. Maghapon yan at puro si Gracia lang laging kinakausap. "Hangin nalang ba talaga ako?" Pagpaparinig ko. "Tao ka pa naman Mika." Sagot ni Gracia na hindi nagets yung sinabi ko. "I mean talaga bang hindi ako papansinin nang isa diyan? Ni hindi ko nga alam kung anong ginawa ko tapos bigla biglang hindi nalang namamansin." Pagtatampo ko sabay nguso. Nakakainis kasi. Sana sabihin naman sa akin para alam ko naman ginahawa ko. "Ahhh... dahil yun sa pagbuhat sayo ni Kuya Henry Mika." Sabi ni Gracia. Napalingon akong napaawang ang bibig sa sinabi. Tumingin ako kay Naja na nakakunot ngayon ang noo at matalim na tumitingin sa akin habang nakahalukipkip ang braso. Pumunta ako sa harap niya saka hinawakan ang magkabilang balikat niya. "Makinig ka! Huwag mong bigyan ng ibang ibig sabihin ang pagbuhat niya sa akin. Tumulong lang siguro siya para maidala ako sa clinic at sa tingin ko wala namang ibang ibig sabihin yun." Paliwanag ko. Totoo naman, nasa tao nalang kasi yun kung bibigyan nila ng ibang ibig sabihin. "Nakakainis lang kasi. Nakakaselos kasi ehh. Alam mo naman na sobrang crush ko siya Mika." Pagpapaalala niya yun at never ko naman makakalimutan yun. "Alam ko kaya ngayon palang sasabihin ko na na hinding hindi ako magkakagusto sakanya. Sayo lang si Henry." Sabi ko para naman maging magaan na loob sa akin. "Ehh paano kung magkagusto sayo?" Tanong niya na ikinatigil ko. Naalala ko tuloy yung sinabi ni coach kanina. Bat parang iisa ata lahat ng sinasabi nila. Napailing ako. "Hindi mangyayari yun, mahilig lang siyang mang asar pero never na magkakagusto sa akin yun." Pagsasabi ko at 100% sure ako don. "Promise?" "Promise!" Ngiting sabi ko sabay nagyakapan kami. "Siya lang kasi ang kasiyahan ko Mika. Masasaktan ako pag sa iba siya napunta. Tulungan mo naman ako!" Sabi niya habang nakayakap siya sa akin. "Paanong tulong naman? Sigurado ka bang di mo ako pagseselosan ulit niyan?" Tanong ko. Pinagselosan ako tapos magpapatulong sa akin ngayon? "Tulungan mo lang ako na mapalapit sakanya." "Ha?" Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya. "Hindi ko alam kung anong tulong yan pero subukan ko kung anong magagawa ko." Sabi ko sabay ang mahigpit na pagyakap muli sa akin. "Salamat talaga Mika." Tuwang sabi niya saka bumitaw agad."pasensiya na ha at napag isipan pa kita ng hindi maganda. Pero promise, ilalakad din kita kay kuya Amir!" "No!! Huwag mong gagawin yan at wala pa sa listahan ko ang mga ganyan. Thanks nalang." Sabay ang pagtalikod ko para umupo sa waiting area. "Mauna na kami sayo Mika!" Paalam ni Gracia. "Bye!" Kaway ni Naja at tumango lang ako saka sila umalis. Napabuntong hininga saka sumandal sa pader habang nakaupo. "Ang swerte ng babaeng liligawan niyan." "Kaya pag nanligaw sayo, sagutin mo na agad!" Napailing ako nang paulit ulit dahil sa naririnig ko sa isip hanggang napahawak ako sa ulo at medyo naramdaman ko ang pagkahilo ko sa ginawa ko kanina. Napapikit ako para kalmahin at palipasin ang pagkakahilo ko saka dahan dahan na minulat ang mata ko. Bumuga nanaman ako nang hangin. Nakakabaliw ang buong araw na to. Parang trip ata nila na guluhin ang isip ko ahh. "Thinking too much of me? I warn you." And I heard him chuckled. Napalingon ako sa boses na nagsabi at napaawang ako ng makita ko ang lalaking naging bukang bibig ng dalawang taong nakasama ko ngayong araw. "Alam kong nakakatulala ang kagwapuhan ko kaya huwag mo masyadong ipahalata." Sabay tulak papataas ang baba ko gamit ang kamay niya at saka narealize ko na nakanganga pala ako. Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya. " Humahanga ka na ba sa akin?" Sabi niya na nakatingin sa akin. Bigla akong napaiwas. 'Mika! Wake up! Nasa earth ka palang, wala ka pa sa hell!' "Yung kaibigan ko lang ang humahanga sayo!" Sabi ko. Feeling ko naipagtanggol ko naman ang sarili ko. "Ayoko na babae ang nanliligaw sa akin." Ngising sabi niya. Ay wow ha?? Ang yabang talaga!! Feeling niya ba na babae talaga humahabol sakanya? "Hindi ko naman sinasabi na liligawan ka ng kaibigan ko. Sinasabi ko lang na gusto ka ng kaibigan ko." Baka naman mas naintindihan na niya ngayon. "Ayaw ko nga sa babaeng nag fifirst move sa lalake. Gusto ko ako yung unang NAGMOMOVE!" Diin niya sa huli. Napaiwas nalang ako ng tingin. Mahirap talaga makipagtalo sa taong ito. Mahirap ang manalo sakanya. "That's why I'm doing now the first move." Patuloy niya na kinatigil ko. Did he what? "Ang dami mong alam." Pagtataray ko. "Marami talaga akong alam. Wanna know some?" Pamimilosopo niya. Napatingin akong asar sakanya sabay inirapan. "Pwede bang... " "My first move is this!" Bigla siyang lumapit saka hinawakan ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo kaya medyo napapikit ako bigla at napamulat din. "A-anong g-ginawa m-mo?" Utal kong tanong. Para akong natulala bigla sa ginawa niya. "Don't forget that. That's my first move." Sabi niya na nalilito parin ako sa sinasabi niyang first move. Nabobo ata ako at di ko na magets ang mga sinasabi niya. "Nandito na ang sundo mo." Tumayo siya saka hinila rin ako patayo at tinulak papalakad. Napalingon pa ulit sakanya na litong lito sa nangyari. Feeling ko panaginip lang ang lahat at walang katotohanan. Pagpasok ko sa loob ng sasakyan ay pinagkukurot ko ang pisngi ko. "OUCH!!" Daing ko. Shocks!! Hindi ako nananaginip! Hinalikan nga niya ako sa noo!! "May alcohol ka kuya?" Taranta kong tanong. "Bakit? Aanuhin mo yun?"baling niyang tanong. "Kailangan ko lang magdisenffect at baka magkakasakit ako mamaya." Sabi ko habang naghahanap ako kung meron siya at ayun, may nakita ako. Nilagyan ko ang kamay ko saka pinahid sa noo ko. Kakainis, ngayon ko lang narealize na mukha akong tanga sa harap niya kanina. Paanong umalis ang kaluluwa ko sa katawan ko kanina at hindi nagawang nagreact agad? Asar!!! "Sino yung lalake kanina. Mukhang binabakuran ka ahh. Lagi lagi kong nakikita na sinasamahan ka pag uwian." Tama yung sinabi niya na lagi ko siyang kasama pag ganitong uwian na. Hindi ko rin alam kung nahuhuli siya lagi at saktong andiyan pag ako nalang ang natitira sa harap ng gate. Hindi ko nalang minsan pinapansin dahil alam ko lang na mang aasar yun sa akin. "Binabukuran ka diyan! Mangbwibiwisit lang kamo. Laging sira araw ko dahil sakanya noh." Paliwanag ko. "We're still waiting young lady. Ayaw kong maging strikto sa mga manliligaw sayo at baka tumandang dalaga ka at ako pa sisihin mo." Tawa niyang sabi pero inirapan ko lang. Niloloko nanaman kasi ako. Nakauwi na kami at gaya nang dating gawi, bihis, kain, nood saka tulog. Bugbog naman na ako sa mga nireview namin sa school kaya matutulog nalang ako at baka mapanaginipan ko pa mga sagot sa exam. Maaga akong nakarating sa school at walang Graciang sumalubong sa akin. Dumeretso ako ng classroom at ayun, tutok sa notebook at libro pala ang babae. "Di mo ba nareview yan kahapon?" Tanong ko. Kita ko kasi na parang stress siya sa pagrereview. "Science to Mika. Ayaw kong bumagsak noh. Kilala mo naman si Ma'am Liwba kung makapag exam. Word by word." Sabi niya sa akin. Ewan ko rin ba sa teacher na yun. Talo pa ang Constitution ni kuya Leo na lagi niyang reklamo sa akin dahil word by word daw ang sagot. Memorization then explain mo din. Sa exam, word by word. Pag may isang ' is or are' ang wala, wrong parin. Ayaw ko na rin ata magcollege pag nakatapos ako ng high school. Nakakatakot. "Mahilig naman mag plus points si mam kapag nakikinig ka sakanya." Sabi ko. Mabait naman sa grade si maam Liwba, masakit nga lang sa ulo magturo at mag paquiz at exam pero nasa 85 above parin grades mo. Oh diba? Pasado parin? Nagsisidatingan nadin ang mga kaklase namin. Ilang minuto lang ay nagsimula na kaming mag exam. Mabuti nalang talaga at madadali lang lahat ng exam sa buong araw. Hindi ako masyadong nahirapan, siyempre wala pang science, at math. Bukas palang daw kasama ng ibang naiwang subject. "Buti nalang at maaga tayong natapos ngayon sa exam. Makakapanood pa tayo ng practice nila kuya Clinton." Daling sabi ni Gracia habang hila hila niya akong papuntsa sa field. After tomorrow na kasi ang laro kaya half day din kami bukas para makaprepare ang lahat. "Ikaw nalang pumunta don, wag mo na akong isama." Sabi ko habang tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Huwag ka na ngang KJ diyan. Kunwaring suportahan nalang natin si Naja para hindi halata na sakanila tayo nakatingin." Kilig niyang sabi. "Anong tayo, ikaw lang!" Pagklaklaro ko. "Siyempre andun kana din kasi kasama kita." Sabi niya hanggang nakarating kami sa ladder chairs at sumisiplip sa pagitan ng mga upuan para mapanood ang practice nila. "Alam mo bang napakagentleman din pala ni kuya Henry. Akalain mong papasok na siya kanina nang makita niya ang isang matandang babae na tatawid. Imbes na papasok na siya , pinuntahan niya yung matanda at inalalayan hanggang makatawid siya sa kabilang kalsada. " pagkwekwento niya. Sabagay, bawat isa naman talaga ay may taglay na natitirang kagandahan sa puso, lalo na yang lalakeng yan. Nilingon ko ulit si Henry na nagpupunas ng pawis na nakaharap dito. Napaiwas agad ako ng tingin nang mapansin kong lumingon siya sa banda namin. "Napansin kaya tayo Mika?" Tanong ni Gracia na pati rin pala siya ay napaiwas din. "Sana hindi!" Sabi ko nalang kahit pansin naman na napansin kami. Nakatuon parin ang tingin namin sa mga cheer leaders nang may maramdaman akong kamay na biglang umakbay sa akin. Napatingin ako sa kamay saka sa taong walang hiyang umakbay sakin. "Hello my lady." Ngiting nakatingin sa akin. Bigla niya akong hinila habang akbay niya ako at giniya sa mga upuan sa basketball court. Napansin ko ang pagsunod ni Gracia at umupo sa tabi ko. "Baka mangawit ka kakatingin sa akin kaya dinala na kita dito para clear mo akong mapanood sa paglalaro." Sabay ngisi niya sa di makapaniwalang mukha ko saka tumalikod at nakipaglaro sa mga kasama niya. "Ang KAPAL!" Diin ko. Natatawa ako na naiinis. "Anong meron sa inyong dalawa?" Litong tanong ni Gracia sa akin pero nagkibit balikat lang ako kasi mismo ako hindi ko rin alam. "Nililigawan ka niya?" Gulat kong napalingon sakanya. "Huwag kang magconclude. Walang kaming ugnayan sa isa't isa kaya huwag kang mag isip ng kung ano ano." Sermon ko. Bigla tuloy akong kinabahan sa nangyayari. "Okey, break time muna!" Tawag ni Coach Guting. "Ohh! Mika!" Tawag ni Kuya James kaya napalingon sila sa amin na ngayon lang napansin ang presensiya namin. "Sino pinanood mo sa dalawa?" Tanong niya ulit na kinalito ko. Sino nanamang dalawa ang tinutukoy niya? "Si A o si H?" Tukso niyang binulong sa akin pero narinig ni Gracia kaya siya ang kinilig at napatawa naman silang dalawa habang ako kunot ang noo kong nakatingin sakanya. "Ayie!! Haba ng hair Mika!" Tawa niya ulit. Ang sarap manabunot ng buhok ngayon. "Choose wiselyyyy" tukso ni Kuya James bago siya umalis sa amin. Bigla akong tinapik ng katabi ko. "Ikaw ahh, pasabi sabi mo pa kahapon na tutulungan mo si Naja pero sa tingin ko, sarili mo ang kailangan mong tulungan ngayon." Sabay inayos ang isang kamay na parang nakahawak ng microphone sabay may inawit na "Sino ang pipiliin ko ?... " Tinakpan ko agad ang bunganga niya. "Tumigil ka nga! Baka marinig ka, nakakahiya!" Sabi ko. Nakakahiya, kung di lang malakas boses nito ehh. Tinanggal niya ang kamay ko. "Nalilito ka na ba sa dalawa?" Tukso niya. Sabay awit ulit ng inawit niya. Napatakip nalang ako ng mukha sa kahihiyan ng kaibigan ko. Bat ba may mga kaibigang ganito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD