Chapter 3

3241 Words
"Anong tingin naman yung ginawad mo sa tao kanina Mika? Nag hi lang tapos sasamaan mo nang tingin?" Sermon ni Gracia pero inirapan ko lang. Sasamahan namin ngayon si Naja sa praktis nila para naman daw mapanood namin siya at masuportahan daw namin siya sabi niya. "Kalimutan mo na yung ginawa niya nung last year. Kung bakit naman kasi nagbabaon ka pa ng gatas eh highschool ka na nga. Nasa teen age stage kana noh." Singit ni Naja. Kakainis mga to. Imbis na ako ang kinakampihan, yung Henry pa talaga ang kinakampihan nila. Wala akong magagawa kong pinalaki ako sa gatas. Ewan ko lang sila kung saan sila pinalaki, baka sa cape siguro kaya pati kulay sumama nadin. Actually, saming tatlo, mas maputi ako kaya halata pag namumula ako lalo na sa init ng ulo pag nakikita ko ang halimaw na Henry na yun. "Ano nga ulit ang binansag sayo ni Kuya Henry?" Tanong ni Gracia na tuwang tuwa ang mukha na pinapaalala. "Ms. Bear Brand!" Sagot ni Naja sabay ang halakhak nila. Kung ako siguro pikunin at nanununtok agad, baka kanina pa umiiyak ang dalawa kaso mabait ako ehh. "Pinapaalala niyo nanaman. Oo na.. alam ko naman na talagang kutis gatas ako." Sabay tingin sa balat ko at lingon sakanila pero napaiwas lang sila. Ohh see? Sinong talo? Kutis palang yan ha! "Bilisan natin at baka ikaw nalang ang huli!" Sabi ni Gracia na halatang umiiwas pag balat ang pinag uusapan. Hindi kasi naalagaan ang balat niya simula ng maliit siya kaya tuloy, maraming polka dots or I should say, mapa ng Pilipinas. "Ano pa naalala niyo na bansag nila sa akin noon?" Hamon kong nakangisi sa dalawa habang mabilis na naglalakad at ako naman ay sumusunod sa kanila. "Meron pa ba? Wala na ata,yun lang naalala ko." Sabi ni Gracia na hindi makatingin sa akin. Halatang alam na nila ang gagawin kapag ganito na ako sakanila. Nakarating na kami sa field kung saan doon sila magprapractis. May ladder chairs na pwedeng upuan na pumagitan sa basketball court at field kaya tanaw din namin ang mga players na nagwawarm up. "Dito na kayo manood." Sabi ni Naja saka nilisan kami. Umupo kami sa pinakababa saka nanood sa praktis nila. "Mika!" Tawag na bulong ni Gracia sakin na parang natatae ang boses. Liningon ko siya at napagtanto kong kinikilig pala. "Si kuya Clinton ohh." Turo niya sa mga players ng basketball team kaya napusunod ako sa turo niya. Hindi ko maipagkaila ng pinagpala halos ang mga basketball players namin dito sa school. Gwapo, magaganda ang katawan dahil laging bugbog sa praktis at warm up na pinapagawa ni Sir Guting na Coach nila. Halos matatangkad din silang lahat. Sabihin natin na handsome with brain din sila. Binubuo lang naman nila Kuya Clinton, Kuya Amir, Kuya James, Kuya Jack , at oo nalang sa isa na si Henry. Bale sampo sila sa team at for substitution lang yung iba. Star player kasi yung lima since first year sila. Halos mga anak mayayaman din. Grabe, siguradong hihimatayin ang babae kung papalibutan ng ganyan mga klaseng nilalang. "Clinton Jay Buenovelgas. Gracia Laura Buenovelgas. Bagay!! Bagay na bagay diba Mika?" Tanong niya sa akin. "Pangmamaganda lang nababagay sa apilyedong yan." Sabi ko na ikinasimangot niya. "Ang sama mo!" Sabi niya na kinanguso niya sabay halukipkip. "Joke lang." Bawi ko sakbay akbay sakanya kaya napangiti siya. "Alam mo naman na lahat ng mga kaibigan ko gumanda pag kasama ako. Nahahawa ehh." "Nakakainis ka!" Sabay kurot sa tagiliran ko kaya napausod ako para pigilan ang kamay niya. "Ang sakit kaya ng kurot mo!" Angal ko. May halong panggigil kasi kurot niya ehh. May distansiya na kami ngayon at ayaw kong lumapit at baka hindi pa siya nakamove on at kurutin nanaman ako. Habang busy kami sa panonood ay may isang matigas na bagay ang tumama sa ulo ko na ikinagulat pa ni Gracia na katabi ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil parang gumagalaw ang paligid ko. "Ang sakit!!" Hawak ko sa ulo ko habang nakapikit ako. Nahihilo kasi ako kapag nakamulat ehh. Ramdam ko rin na feeling ko matutumba nang di oras pag tumayo ako. "Mika!! Are you okey?" Rinig kong takbo ng isang boses na papalapit sa akin saka hinawakan ang balikat ko. "Obviously not okey!" Inis kong sagot. Kita na nga diba. "I'll bring you to the clinic." Tarantang sabi at waring hahawakan ang braso ko pero tinapik ko lang para hindi niya ako mahawakan. "Huwag mo akong hahawakan." Sagot ko na nakapikit parin. Narinig ko ang mga hakbang ng sapatos na papalapit sa amin. "Sorry Mika!" Sabi ng isang lalake na halata ang kaba. "Ano ba naman kasi yan James. Mandadamay ka pa kasi ng iba sa mga kalokohan mo." Sigaw ni sir Guting yun, sigurado ako. Sinubukan kong idilat ang mata ko pero nanlalabo ang paningin ko at sigurado ako na ang lalakeng nasa harap ko ngayon ay si Kuya Amir na kahit hindi ko masyadong maaninag ang mukha ay alam kong nag aalala siya. Sinubukan kong tumayo at alam kong alalay siya at si Gracia sa tabi ko pero kasabay sa pagtayo ko ang biglang pagtumba ko. Naramdaman ko ang isang kamay na nasa bewang ko habang ang ulo ko ay nasa dibdib niya hanggang nawalan ako ng malay. Nagising ako na nasa clinic na. Paliwanag nila may chances talaga na mahimatay ka sa lakas ng tira ng bola sa ulo ko. Nagkamalay ako na nasa tabi ko si Gracia at Naja na nakaupo sa gilid. "Ok ka na? May masakit pa ba?" Tanong pag aalalang ni Gracia. "Gusto mo nang tubig? Saglit at kukuhanan kita." Taranta niya pero pinigilan lang siya ni Naja. "Tumigil ka nga, ok na siya." Sungit niyang sabi. "Ang sungit mo, kanina pa." Reklamo ni Gracia kay Naja. Bakit nga ba masungit ito. Nakita kong inirapan lang siya ni Naja. "Ilugar mo nga yang pagsusungit mo. Walang kinalaman si Mika kung si Kuya Henry ang nagbuhat ng kusa sakanya papunta dito. Kung makapagsungit ka talo mo ang nagmemenopause ahh. Meron ka te?" Mahabang sermon ni Gracia pero ano daw? Si Henry ang nagbuhat sa akin papunta dito sa clinic? Ehh si kuya Amir kaya ang nasa harapan ko at paanong si Henry ang nakasalo sa akin kanina ehh ni hindi ko naramdaman na lumapit siya. "Yun na nga!" Reklamo ni Naja sabay tingin sa akin na hindi maipaliwanag ang mukha niya sabay ang pag alis at balibag ng pinto. Napabuntong hininga si Gracia saka tumingin sa akin. "Baka ok ka naman na siguro, tayo ka na diyan." Utos niya sa akin na kinakunot ng noo ko. Grabeng mga kaibigan to. Ramdam ko ang mga concern nila ha. Sobra, nakakatouch. Tinulungan niya akong bumangon at dahil excuse ako sa klase ay pinauwi na ako ng mga teachers sa hapon. Pinataxi nalang ako at sinabi ko ang address at pangalan ng subdivision namin. "Ok ka na ba talaga?" Tanong ni manang na nag aalala sa akin. "Opo, itulog ko nalang po para maayos na ako bukas." Mahinang paliwanag ko. "Sigurado ka ba na walang nabasag sa mga bungo mo?" Sabi niya na kinakunot ng noo ko. "Manang, iisa lang ang bungo ko at matigas ang ulo ko para sa bola lang. Sadyang nahilo lang ako sa pagkakatama." Paliwanag ko. Masyado narin kasing OA si manang at kung ano ano ang pinagsasabi. Naiintidihan ko naman na nag aalala siya pero wag masyado, hindi na kasi healthy sa tenga. "Sige, pahinga mo muna yan at pagdating ng kuya leo mo ay sasabibin ko nalang na tulog kana." Tumango lang ako saka siya lumabas. Hindi ko namalayan ay nakatulog na ako at paggising ko ay medyo madilim pa. Sinaglit kong tingnan ang orasan sa table na nasa tabi ng kama ko at nakita kong 4:30am palang. Pinikit kong muli ang mata ko pero 20 minutes nang lumipas ay di pa ako nakakatulog. Nakipagtitigan ako sa kisame at animoy biglang nagpakita ang larawang tumatakbo ako kaya agad akong bumangon nang maisipan na magjogging nalang, tutal ok naman na ako. Nagsuot ako ng Jersey short na hanggang tuhod at nagsando saka pinatungan ng hoodie jacket saka sinuot ang adidas na rubber shoes ko. Since na walang maitatali ng buo ang buhok ko ay kinuha ko nalang ibang hibla sa tuktok ng buhok saka tinali para hindi magbabalandra mamaya pag pawisan ako. Kinuha ko ang MP3 ko saka sinakasak ang headset, lagay sa bulsa ng jacket at sinuot ang headset sa tenga at ayun, ready na me. Paglabas ko ay ramdam ko ang kalamigan ng hangin na bumabalot sa akin. Nagtuloy ako hanggang makalabas ako nga gate. Siyempre warm up muna bago sasabak dahil alam kong sasakit mamaya ang hita at binti ko kapag di ko ginawa ito. Pagkatapos ay sinimulan ko nang magjogging habang nakatalukbong ako. Sumasabay lang ako sa awit na napapakinggan ko. 30 minutes na akong tumatakbo at hingal na hingal akong napayuko habang nakasandal ang dalawang kamay ko sa tuhod. Nakalimutan kong kumuha ng tubig at towel, kaya no choice ako, itong jacket ko pangpupunas ko at bibili nalang ako ng tubig sa isang convenient store. Halos naikot ko na kasi ang buong subdivision kaya lalabas nalang muna ako at pupunta sa park, baka may mapala pa ako doon. Mag 6 am na nang makarating ako sa park at may mga bilang na tao nadin. Yung iba dito pala nag jojogging, yung iba nag zuzumba. Imbes na maglakad lakad pa ako ay umupo nalang ako sa isang bench at pinagmasdan ang mga tao sa paligid. Parang mga walang problema, ang sasaya nila. Parang walang pasanin sa buhay. Napabuntong hininga nalang ako at akmang tatayo nang may mag abot sa akin ng water bottle sa harap ko. Nilingon ko yung tao at napaawang ang labi ko. "K-kuya Amir..." "I know your thirsty, drink this." Abot niya sa water bottle at tinanggap ko naman. Umupo siya sa tabi ko at pinasadaan din ang mga tao sa paligid. "Bakit ka po nandito?" Tanong ko sabay bukas at inom ng tubig. Woww, ang sarap mg tubigggg. "Remove the po and talk to me like we're at the same age Mika. Ayoko na pinopo mo ako. I feel like getting older more." Paliwanag niya. Minsan talaga ay nakakaramdam ako ng hiya sa taong ito. After ko siyang tanggihan last year ay patuloy parin siyang lumalapit sa akin. Ano ba nakita niya sa akin? "O-okey." Tanging sambit ko. "Are you okey now? Did still hurt?" Pag aalalang tanong niya. Umiling lang akong nakangiti. "Good to know that." Tanging sabi niya. "Lagi ka ba dito kapag umaga?" Tanong ko. "Nope, every weekend lang kasi walang pasok. Ikaw ba?" Balik na tanong niya. Aba at medyo nagiging komportable na kami sa isa't isa. "Ngayon lang. Di na kasi ako nakatulog kanina kaya napag isipan kong magjogging para mailabas mga baby fats ko."biro ko. "May baby fats ka ba?" Tanong niya na parang hinahanap pa sa katawan ko. "Meron siyempre, ano akala mo sa akin, payat?" Sabi ko sabay irap kong natatawa sakanya. "I still like you whatever sizes you get." Ngiting sagot niya nakatingin ng diretso sa harapan. Napalingon ako ng di oras at hindi ko alam kung anong meron sa mukha ko na parang uminit siya bigla. Naspeechless ako. Sabi ko na nga na hindi ako sanay sa ganito ehh. Napalunok ako na parang natuyo ang lalamunan ko. Iinom sana ako pero wala na palang laman ang hawak kong bote ng tubig. Haisst. Ganito ba talaga pag nagdadalaga? Naisipan na namin umuwi. Nagpresenta siyang ihatid ako. Hihindi na sana ako kaso kumilos na siya agad para kunin ang sasakyan niya kaya ang resulta ay nagtagumpay siyang maihatid ako sa bahay. Medyo malayo din ang bahay dito kaya good thing na he drive me home nadin. "Salamat." Sabi ko nang nasa tapat na kami ng bahay. "Don't thank me yet. Mauulit pa to." Sabi niya. Sasagot sana ako pero naunahan niya ako. "Don't say no Mika. Please" Napabuntong hininga ako. Ano ba sasabihin ko. Nakita ko ang paglabas ni manang tere sa pintuan ng bahay kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para mawala ang isipan sa sinabi niya. "Naku, baka hinahanap na ako ni manang. Baka kanina pa siya nag aalala. Mauna na ako ha? Salamat ulit." Sabi ko sabay labas sa sasakyan at di na hinintay na makapagsalita ulit siya. Kumaway akong nagpaalam at ngumiti at tumango naman bago umalis. Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang at nakatakas nanaman ako. Pumasok ako ng dahan dahan saka tumungo sa kinaroroonan ni manang tere at ginulat siya. "Aii anak ng baka!... Bata ka! Bakit ka ba nanggugulat, sus maryosep. Aatakihin ako sa nerbiyos nito." Sabay hawak sa dibdib. Natawa ako. "Hinahanap mo po ako?" Tanong ko. "Hinahanap? Bat naman kita hahanapin ehh nandito ka lang naman." Sabi niya sabay kuha sa host. "Umalis kaya ako." Sabi ko na nakanguso pa. "Bakit kung umalis ka? Babalik ka naman ahh. Sige na at pumasok kana, kumain ka na sa loob." Sumunod ako at pumasok. Dahil hindi narin komportable sa suot ko ay naligo na ako saka nagbihis at dumeretso na sa kusina para kumain. Maghapon lang ako nasa bahay. Dahil masasabi ko ring studious ako minsan ay nagreview at nagbasa nalang ako ng lesson para sa exam. Malipas ang ilang oras ay naumay ang utak ko sa dami kong kinarga. Tumungo ako sa kusina para uminom at nakita ko si manang tere na nagtatanim ulit. Pasalamat talaga ako kay manang at andiyan siya para sa akin. Simula bata kasi ako si manang tere na ang tumayong nanaynanayan ko lalo na nung umalis si mama at papa papuntang Australia. Hindi man lang ako binigyan ng kapatid bago sila umalis, edi sana may kalaro ako ngayon. Mabilis ang araw na dumating at lunes na. Excited akong pumasok para makita ang mga kaibigan ko. Pagpasok ko sa gate ay usap usapan na ang darating na basketball league by school at cheering competition sa Sport Complex na malapit lang sa school namin. Maraming mga school ang kasali kaya sigurado akong mapupuno sng spory complex sa araw na yun. "Mika!" Sigaw ulit ni Gracia at napasapo nalang ako sa noo. Ang hilig niyang isigaw ang pangalan ko. Kumunot ang noo ko sa new hairstyle look niya. "Nangyari sa buhok mo? Nagbangs ka pero pagilid naman, at ano yang lapis diyan na nakatusok? May paribon ribon pang nalalaman." "Ano ka ba. Uso ngayon to noh. Hindi ka ba nanonood ng Korean Drama? Yung princess hours? Si princess janel? Ganito yung buhok at ayos ng buhok niya. Tingnan mo yung iba." Sabay tingin sa ibang kaklase. " nakiuso rin sila. Ganito rin hairstyle nila, kasi cute tingnan at bagay ko naman diba." Tumagilid pa siya at nagpacute sa harapan ko pero tinuktukan ko lang ulo. "Aray naman" sabay hawak sa ulo. "Hindi ka cute, okey? " sabi ko. "Alam mo kung ibabase natin yang buhok mo, para kang si Jandi sa boys over flower, kulang nga lang ng bangs. Lagyan natin para si Junpyo nalang hanapin natin." Kwento niya ulit kaya tinuktukan ko ulit ang ulo. "Sabing hindi ako nanonood sa ganyan at hindi yan ang hilig ko." Reklamo ko. "Ano ba ang hilig mo at laging huli ka sa uso.?" Tanong niya habang hawak ang tuktok ng ulo. "Siyempre mga anime lang. Like Dragon ball Z, Flame of Recka, slum dunk, Pokemon, Detective Co ..." "Panglalaki ang mga yan, pinapanood mo sila? Wala kang mahahanap na gwapo doon." Sabi niya. "Meron kaya, si sakuragi at rukawa, si Conan ang cute cute na..." tuwang kwento ko. "Kaya pala ganyan ang nangyari sayo, makaasta parang lalake." Sabi ni Gracia sabay irap sa akin. "For your information binibini, hindi lang lalake ang mga nonood non, may mga babae din. Kaya hindi ako nag iisa noh." Sagot ko. Si manang tere nga nakikinood din sakin. Mas maingay nga lang. Dumeretso kami sa classroom at nakita ko ang kinalabasan ng gawa namin. As in, how? Paanong pinaganda ng mga kaklase namin ang pagdedecorate? Hindi na kasi ako nakatulong ng hapon dahil sa nangyari sa akin. Naabutan lang namin sila Kaloy, Kian, Tina, Roy at Bea sa loob. "Wala daw tayong first period. Mag review nalang daw tayo para bukas." Pag aanunsyo ni Roy sa aming dalawa ni Gracia. "Nakakatamad mag review. Laro nalang tayo." Yaya ni Kaloy. "Game ako diyan!" Sabi naman ni Kian. "Anong laro naman yan?" Tanong ni Tina. " Magtatanong ako tapos bakit ang sasabihin. Ganun!" Paliwanag ni Kaloy. Anong kalokohan nanaman pinag gagawa nito. "Sige, sali ako." Sabi ni Bea. "Ako na mauuna." Sabi ni Kaloy. " Bea, pustiso ka ba?" Nakita ko ang pagsama na mukha ni Bea sa unang tanong ni Kaloy hahaha. Pustiso agad ang banat? "Bakit lang sabihin mo." Paliwanag ulit ni Kaloy. "Bakit!?" Inis na tanong niya. "Kasi... I can't smile without you.!" Sabay ang hiyawan nilang lahat. Ang nakasimangot na mukha ni Bea kanina ngayon ay pulang pula na. "Ako naman." Singit ni Roy. " Tina, tae ka ba?" Pfffftt anong klaseng mga banat yan? Ang babaho... "Bakit?" Sagot ni tina. "Mahal kiTAE!" Hiyawan nanaman sila. Napapatawa nalang ako sa gilid sa mga kalokohan nila. "Ako rin." Singit ni Kian." Gracia!" "Hoy! Huwag mo akong sinasali diyan ahh. Baka mabatukan kita.!" Bulyaw niya. "Ang KJ naman nito. Bakit lang ang isasagot ehh." Sabi ni Kian sabay kamot sa ulo. "Oo nga naman." Sabat naman ni Tina. "Sige na nga pero ayus ayusin mo ang tanong mo ahh!" Pag uutos niya na ikinatango naman ni Kian. "Gracia, sunset ka ba?" Napangiti si Gracia sa tanong niya. Ai wow. Feeling ko kikiligin to. "Kasi maganda ako?" Sabi ni Gracia. "Hindi, kasi palubog kana!" Tawa nanaman nila at akmang babatuhin ni Gracia si Kian pero hindi na niya tinuloy. Tumayo at akmang aalis ako ng tawagin ako ni Kaloy. "Mika! Bagay ka ba?" Tanong ni Kaloy. "Hindi! Tao ako, kita mong tao ang kaharap mo sabay sasabihin mong bagay ako?" Irap ko. " ang KJ mo naman Mika!" Sabat ni Bea. "Sagutin mo lang kasi nang bakit. Game? Bagay ka ba?" Tanong niya ulit . "Bakit?" Sabay taas ko ng isang kilay ko " kasi... bagay tayo." Sabay bumuo ng heart shape sa pamamagitan ng kamay niya. "Bagyo ka ba?" Tanong ko agad na nakapameywang sa harap nila. "Bakit? " excited niyang sagot. "Kasi... kasi mahangin ka masyado." Sabi ko sabay tukso sakanya. Iniwan ko sila at naglibot libot muna. Napadpad ako sa field na walang katao tao. Napalingon ako sa may basketball court at sinimulang lumapit. Tanda ko na lagi kaming naglalaro ng basketball nila kuya Leo at Brent. Teammates kami ni Brent habang pinagkaisahan namin si Kuya. Siyempre mas malaki siya sa amin at mas maliit naman kami ni Brent kaya normal lang talaga na kami ni Brent ang magkakampi. Namimiss ko tuloy yung mga panahon na yun. Ang saya lang namin. Nakita ko ang isang bola sa tabi ng pole base. Kinuha ko at sinubukang idrible. Alam ko naman ehh kasi tinuruan kami ni Kuya kaya ng naging favorite anime ko rin ang Slum dunk dahil laro naming tatlo. O diba? Ishushoot ko na sana nang may biglang humarang na dalawang kamay sa uluhan ko kaya ang bola tumama sa mukha ko. "Aray!" Sabay takip ko sa mukha ko. "Naku sorry." Sabay punta sa harap ko at hinawakan ang palad ko para tingnan ang mukha ko. Kumunot ang noo ko sa taong nasa harapan ko ngayon. Magsisimula nanaman bang masira ang araw ko sa mukhang nasa harapan ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD