Now or Never

1438 Words
Nasa loob na ng eroplano si Jay, mangilan-ngilan lamang sila sa loob ng business suite ng eroplano. Mabigat ang kalooban niyang umalis ngayon, dati rati ay wala siyang ganitong nararamdaman tuwing aalis. Na mimiss na niya si Kim kahit kaaalis lang niya. Hindi rin mawala-wala sa isipan niya ang nakita niya sa mga mata ni Kim kanina, sigurado siyang lungkot iyon. Nalulungkot nga ba talaga ang babaeng mahal na mahal na niya sa pag alis niya ngayon? Mahal na rin ba siya ng babae? He can’t wait to personally ask Kim about this when he’s back from this business trip. **** Sa kabilang banda ay patungo na ng opisina si Kim pagkatapos maihatid si Jay sa Airport. Mas nalulungkot siyang mag isa na lamang siya ngayon sa backset ng sasakyan. Inaliw na lamang niya ang sarili sa pag titingin sa mga nadadaanang tanawin sa labas. Ilang minuto ay nasa opisina na naman siya kaya binuhos na lamang niya ang buong isipan sa trabaho. Hindi na namalayan ni Kim ang oras kaya napakislot pa siya ng tumunog ang kanyang telepono. Isang magandang ngiti ang kumiwala sa mga labi ng dalaga ng makita ang pangalang naka rehistro sa screen ng kanyang telepono. Jay with three hearts emoji ang lumabas doon. “Hi! kumusta ang biyahi?”, sagot ni Kim sa tawag. “Hi! I miss you already!”, walang kaabog abog na sagot sa kabilang linya, hindi sinagot ang tanong ni Kim. Nabigla tuloy si Kim sa ka-prangkahan ng kausap. “Mmm.. so talo kana agad! remember may pustahan tayo!”, anas ng dalaga, na imbis na sagutin ang I miss you ng binata ay pinili niyang gawing casual ang topic. Natawa ang binata sa kabilang Linya. “Then you can boss me around when I’m back, I’ll be your humble and handsome slave”, anas pa ng binata. Natawa na rin si Kim. “Pahihirapan talaga kita, humanda ka sa akin pagbalik mo!”. “I cannot wait to see you again, Love!”, seryosong sagot ng binata. Natigilan si Kim at hindi agad nakasagot. Tama ba ang naririnig niya ngayon? Jay call her love? Mahihimatay na ata siya ngayon sa kilig. Para na siyang kiti-kiti sa upoan, mapapaupo-mapapatayo doon, mabuti na lamang at wala ang mga kasamahan at nandoon sa pantry, nag kakape yata ang mga iyon dahil kung hindi siguradong mag tataka ang mga iyon sa kanya kung napaano siya. “I-i miss you too Jay! Huwag mong kalimutan ang pasalubong kong isang buong Lechon ha!”, dinaan na lamang ni Kim ang sagot sa biro dahil hindi alam ni Kim kung paano tutugunin ang extra sweetness ni Jay ngayon. Natawa naman si Jay sa biro ni Kim. “Baka busy ka na diyan ha, pwedi naman mamaya na tayo mag telebabad pag wala ka na sa work”, anas ni Kim. “Well.. Yeah! I am on my way to the office now, I just want to call you first to let you know”, anas ng binata. “Thank you Jay! at talagang na trick kita na tawagan mo ko pagdating mo diyan, e di nanalo tuloy ako sa pustahan natin!”, natatawang sabi pa ni Kim. “Talong-talo naman talaga ako sa iyo kahit noon pa, I surrender my whole me for you, my heart, my body and soul!”, anas pa ng binata. “Ha? di kita gets Jay!”, nag e-ex ang kilay na tanong ng dalaga. “Wala, sabi ko paalam na muna at papasok na ako sa building, tawagan kita ulit mamaya ha!”, sagot naman ng binata. “Oh? okay, Bye for now Jay! take care!”, paalam ng dalaga. “Bye, my love!”, at binaba na ni Jay ang telepono. Natulala na lamang si Kim sa huling narinig mula sa binata. Is he joking and playing around with endearment? or he is slowly confessing by being so sweet and addressing her with endearment? What ever it is. She like it at kinikilig talaga siya sa pinagagawa ng binata. Ganyan siya ka inlove sa binata. Endearment lang para na siyang lumulutang sa langit sa tuwa at kilig. Masayang nagpatuloy si Kim sa kanyang trabaho hanggang uwian. Hindi na muling tumawag si Jay. “Baka mamayang gabi na iyon tatawag”, mahinang sambit ni Kim sa sarili habang naglalakad palabas na ng building. Pagkalabas na niya ay naroon na pala ang driver ni Jay Si Mang Noly nag -aantay sa kanya. “Kanina ka pa ba diyan Manong Noly?” “Hindi naman po, Maam. Kadadating ko pa lang din!”. “Pwedi naman akong mag taxi Manong nag abala ka pang sundu-in ako”, anas ng dalaga. Hindi talaga siya sanay sa ganitong may taga sundo. “Utos po ni Sir Jay, Maam. Baka po ay mapagalitan ako kapag hindi kita nasundo”. “Ganoon ho ba, Manong. Sige po, Tara na”, wika na lamang ng dalaga at sumakay na rin siya sa sasakyan. Habang nasa biyahi sila ay nakatanggap ng tawag si Kim galing sa Police Investigator na patuloy pa ring nag iimbistiga sa kaso ng panloloob at threat na natanggap noon ng dalaga. Hanggang ngayon ay tinutugis pa rin nila ang suspect, madulas at mautak ang taong iyon. Mukhang nag papalit ng katauhan at pangalan ang taong iyon kaya ay hindi mahuli-huli nila. “Salamat po Sir sa patuloy na pag-iimbistiga at paghahanap”, pagtatapos ni Kim sa conversation nila ng police. Hanggang ngayon ay hindi pa niya naibabalita sa kanyang mga magulang ang tungkol dito, baka kasi mag-aalala lang ang mga iyon. Pag dating ng mansiyon ay agad nag palit ng pambahay si Kim at nilakasan pa ang volume ng ringtone ng kanyang telepono para siguradong hindi niya ma miss ng tawag ni Jay. Hanggang alas 7 na ng gabi ay wala pa ring tawag mula sa binata. “Baka ay busy talaga iyon”, mahinang sambit ng dalaga sa sarili. Nag desisyon na lamang siyang bumaba na at kumain ng haponan. “Maam, kakain ka na po ba? ipag hahanda na po kita!”, anas ni Aling Nene. “Ako na pong bahala Manang, pahinga na po kayo!”, sagot ni Kim, hindi talaga siya sanay pag silbihan. Tumango naman ang kasambahay. “Sige ho maam, mauuna na po ako”, paalam nito at nag tungo na sa quarters. Ngayon ay literal na nag-iisa na nga si Kim sa Napakalaking bahay. Mas na mimiss na nga niya si Jay. Imbis na kumuha ng haponan ay kumuha na lamang siya ng gatas at prutas iyon na lamang ang kakainin niya. Wala siyang ganang kumain ngayong nag iisa siya sa bahay ng binata. Bumalik na lamang siya sa kwarto at doon na kumain. Mag aalas 8 na ng gabi at wala pa rin siyang tawag na natatanggap mula kay Jay. Kaya nilakasan na niya ang loob at siya na ang tumawag dito. Nag ring ang telepono. Ngunit nagulat at buong pagtataka ni Kim kung bakit babae ang sumasagot ngayon sa telepono ni Jay. “Hello? asan po si Jay?”, takang tanong ni Kim sa babae sa kabilang linya. “He’s currently in the bathroom right now! May I know who’s calling? I can relay your message”, anas ng babae. “Ah, hindi na, tatawag nalang ako ulit”, sagot ni Kim at ibinaba na niya ang tawag. Kaya ba hindi makatawag si Jay sa kanya dahil may kasama itong babae doon? She was fooled again by his sweetness earlier. Masakit pa sa matusok ng bala ng stapler sa daliri ang naramdaman ni Kim sa ngayon. Umasa siyang may sila na ni Jay pagkatapos ng ipinapakita nitong sweetness sa kanya. Pero siguro for the show lamang lahat ng iyon. At nadadala lamang siguro si Jay tuwing nagkakalapit sila dahil sa iisang kwarto lamang sila, isang babae at lalaki. Napahawak sa puso niya si Kim at hindi na namalayan na pumatak na ang luha sa mga mata. Hindi pa nga sila pero iniiyakan na niya ang lalaki. Hindi na sana siya nag expect mula sa lalaki. Hinayaan niyang bumuhos ang masasaganang luha sa mata, hinayaan niyang damdamin ang sakit na nararamdaman sa puso dahil pagkatapos nito ay mag aalsabalutan na siya. Bahala na si Jay sa palabas niya. She doesn’t care anymore. Pinatay na niya ang cellphone. Pihong tatawag ang lalaki at madadala na naman siya sa mga palabas nito. Hindi na siya magpapadala kailanman sa mga pa sweet nito. She will leave him, now or never!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD