Gabi na rin ng maka-uwi sina Kim and Jay. Dahil busog pa sila ay hindi na sila kumain ng haponan pa.
Tinulungan na ni Kim si Jay na mag impaki ng dadalhing bag sa Flight nito pa Cebu bukas ng umaga.
“Ilang araw ka ba doon Jay?”, tanong ni Kim.
“Siguro mga dalawa o tatlo, dependi talaga”, anas ng lalaki.
“Sama ka!”, dagdag pa nito kay Kim.
“Oh? as if naman kung pupwedi!”, natatawang sabi ni Kim.
“Well.. “, nag-isip pa si Jay.
“Hindi pwedi no, dahil marami akong tatapusing trabaho sa opisina, kulang pa ang isang buong araw doon, at tsaka mag le-leave din ako, remember? para sa bakasyon natin sa probinsiya!”, wika ng babae
“Okay, anyway madali lang naman lumipas ang mga araw, di mo nalang mamalayan at narito na ulit ako”. anas ni Jay
“Truth! kaya pasalubong na lamang ang sa akin, maraming-maraming dried Mangoes!”, anas ni Kim.
“Of course! lahat ng delicacies doon bilhin ko para sa iyo! gusto mo ng buong lechon?” anas ng binata.
Lumaki naman ang mga mata ni Kim.
“Yes, please… kaya mong dalhin?”, excited pang wika ni Kim.
Natawa naman si Jay.
“Ikaw talaga basta’t pagkain hindi ka talaga aatras!”, wika ni Jay na ginulo pa ang buhok niya.
“Hmmp! ikaw naman nag offer!”, anas ng babae habang sinusuklay na ang buhok na nagulo gamit ang mga kamay.
Biglang nag seryoso si Jay at tinitigan sa mata ang babae. Maingat na hinawakan ng isang kamay ang mukha ng babae.
Hindi na nakagalaw si Kim at napatitig na rin sa binata.
“I think I will miss this Pangit Face!” sabi nito pagkatapos at kinurot pa ng bahagya ang pisngi ni Kim.
“Ano? Sinong pangit ha!?”, natatawang anas ng babae.
Hinampas ni Kim ang kamay ng binata at pilit ding inabot ang mukha ng lalaki para makaganti ng kurot.
Ngunit hinuli lamang ni Jay ang kamay ni Kim at hinila palapit sa katawan.
Nagulat si Kim at napayakap sa lalaki.
And the next thing she know is magkayakap na sila ni Jay.
Napapikit si Kim sa matinding kaba na nararamdaman at napayuko , isinubsob ang mukha sa dibdib ni Jay.
Ngunit muling hinawakan ni Jay ang mukha niya at iniangat. Nagtama ang kanilang mga mata.
Hindi alam ni kim pero ang nakikita niya doon ay pagmamahal?
Unti-unting naglapit ang kanilang mga mukha at parehong napapikit habang dahan-dahang naglapat ang mga labi.
They kissed passionately. Maingat at buong pagmamahal ang halik ni Jay.
Nang maghiwalay ang mga labi ay niyakap pa ng mahigpit ni Jay si Kim.
Walang inamin si Jay nang gabing iyon pero ramdam na ramdam ni Kim and she is almost sure that Jay also loves her.
Just like what they said that actions speaks louder than words.
***
Maaga silang nagising kinaumagahan dahil sa flight ni Jay dapat alas 8 ng umaga ay naroon na sa airport ang binata.
Si Kim ay papasok na rin sa trabaho.
Alas 7 ng umaga pa lang ay lulan na sila ng sasakyan, dahil on the way naman ang opisina patungong airport ay idadaan na lamang ng driver si Kim bago ihatid ang binata sa airport.
“Ikaw ba ang mag bubukas ng tindahan ngayon, Kim? Maagang-maaga ka sa opisina ah! pwedi ka naman ihatid ni Mang Noly pagkatapos sa airport”, anas pa ni Jay sa dalaga.
“Hindi na, para hindi na pabalik-balik si Mang Noly, ihahatid na lamang kita sa airport, maaga pa nga para pumasok ako isa office!”, anas ng dalaga.
Kumislap ang mga mata ni Jay. Iyon nga ang gusto niyang mangyari.
“I love that!”, nakangiting sabi ni Jay.
“and gave me your phone, real quick!”, dagdag pa ng lalaki
“Ha? bakit?”, tanong ng dalaga.
“Basta!”, anas pa ng binata.
Kinuha naman ni Kim ang cellphone mula sa bag niya at binigay kay Jay.
Nag type ito sa cellphone niya. Pagkatapos ay nag selfie dito.
“Oh ito, pagna-miss mo ‘ko, tingnan mo nalang ang picture ko ha! at na-save ko na rin ang numbero ko sa cellphone mo. Just call me if you want, okay?”, anas pa ng binata.
“Ang Oa naman nito iilang araw lang naman tayong di magkikita!”, natatawang sabi ng dalaga at inilahad din ang kamay kay Jay.
“Akin na din ang cellphone mo, dali!”, dagdag pa ng dalaga.
Dali-dali namang binigay ni Jay ang cellphone niya.
Nag type din si Kim doon.
“Oh? dito na pala ang number ko sa contacts mo!”, natatawa na saad ni Kim.
Akmang babawiin na ni Jay ang cellphone.
Pero iniwas ito ni Kim. “Teka lang!”, at may tinype sa cellphone ng binata.
“Yun!”, anas pa nito na nakangiti pa.
At hindi pa natapos at nag selfie pa ito gamit din ang cellphone ng binata.
“Likewise, tingnan mo na lamang ang picture ko pag na miss mo ‘ko ha?”, sabi rin ng dalaga at ibinigay na ang cellphone kay Jay.
“Pustahan tayo, ikaw ang mauunang tatawag sa akin!”, anas pa ng binata kay Kim.
“Mmm.. tingnan natin! ano pustahan tayo?”, anas pa ng dalaga.
“Kung sino ang unang tatawag ay siyang talo!”, dagdag pa nito.
“So, ano naman ang consequence kapag talo?”, tanong ng binata.
“Mmm… siyang taya! manlilibre sa mahal na restaurant!”, anas pa ng dalaga, pero parang nag-sisi pa sa bandang huli.
“Parang lugi ata ako doon ah! money is not an issue pala para sa iyo!”, dagdag pa nito sa binata.
Natawa naman ang binata sa tinuran ni Kim.
“How about kung sinong talo ay pagsisilbihan ang panalo for the whole 24hrs? like you can’t refuse if what I’ll ask you, ano Game?”, anas pa ng lalaki.
“Mmm..parang sigurado ka talagang ikaw ang panalo ah! “, natatawang sabi ni Kim
“Dapat wholesome lang ito ha?!”, dagdag pa ng babae.
Natawa ulit si Jay. “Oo, ikaw lang naman ang may malisya sa atin eh!”, sagot pa ni Jay.
“Oii.. hindi ah! ikaw nga itong…”, hindi naituloy ni Kim ang sasabihin at namula na lamang, naalala ang mga halikan nila kagabi, wari’y nahiya banggitin sa lalaki.
“You mean… our kissed?”, bulong na pagtatapos ni Jay sa nais sana sabihin ni Kim.
Nahampas ni Kim si Jay sa balikat.
“Hindi ko na nga binanggit eh!”, anas ng dalaga.
“Okay! I’m sorry to mention it but if you want more of those, magsabi ka lang, okay?”, panunukso pa ng binata kay Kim.
At muling nakatikim ng suntok sa braso si Jay.
“Ouch!”
“Yan! gusto mo pa isang suntok ulit sa kabila?”, anas ng dalaga.
“Okay! I surrender!”, anas na lamang ng binata.
At hindi nga naglaon ay nasa airport na sila.
Bago bumaba si Jay ng sasakyan ay hinawakan ni Kim ang kamay ni Jay, that was her involuntary muscle at utos ng damdamin.
“Jay, mag-iingat ka doon ha! hihintayin kita sa pag-uwi mo!”, anas ng dalaga.
Tumango-tango si Jay “I’ll keep in touch, okay?” , anas nito at hinalikan pa si Kim sa noo nito bago buksan ang pintoan ng sasakyan.
“I will go now!”, dagdag pa ng binata.
Hindi alam ni Kim kung bakit tila mabigat ang loob niyang makitang papaalis na si Jay. Pero pinigilan na lamang niya ang sarili at pilit na ngumiti sa binata.
“Tawagan mo ako pag dating mo doon!”, paalam ni Kim.
Pinisil ni Jay ang kamay ni Kim na naroon pa rin at nakahawak sa kamay ng binata.
“I will call you right away then!”, pangako ng binata.
“Okay! Take care!”
Ngumiti si Jay at minsan pang hinalikan si Kim sa Noo at lumabas na ng sasakyan.