Leaving Him Behind

1454 Words
Naging abala na si Kim sa trabaho sa buong araw. May mga mensahi si Jay sa kanya sa Teams na nirereplayan naman niya pero talagang bumabalik sa kanya ang mga larawang nakita. Kaya may plano siyang naisip. She filed an immediate Leave for the rest of the remaining working days. Merkules na naman din ngayon so dalawang araw lang ang leave niya. Sa Sabado na rin ang kasal ng kaibigan at plano niyang mag unwind at samahan itong mag beauty rest bago ang kasal. At pagkatapos ay hindi na siya babalik pa sa mansiyon. She will file her resignation too nextweek. Binuksan na rin niya ang telepono niya para makatawag sa kanya si Jay. She will talk to him tonight and will be the last one. *** Naging abala din si Jay sa buong araw, kabilaan pa rin ang meeting niya. Pero masaya na rin siya dahil naging updated na si Kim sa kanya sa buong araw. Nakakausap na rin niya ito sa wakas sa telepono nito. “Hey! mukhang masaya ka! hindi ka na ghosting ng Kinababaliwan mong Si Kim?”, pang aalaska ni Sab “Why I have this feeling that you did something dreadful?”, wika ng binata. “Dreadful kaagad?”, anas ni Sab. “Hindi ba maaring , just putting a little bit spicyness lang sa inyong relasyon?”, pang-aasar pa ring saad ng babae. “What did you do Sab? kapag talaga nalaman ko may ginawa kang kabaliwan kay Kim, talagang hindi mo na ako makaka-usap, block list ka na sa buhay ko!”, midyo tinotoo na ni Jay ang banta para seryosohin ng babaeng kaibigan. “Ang seryoso naman nito! hindi nga dreadful no, hindi ko rin kasalanan yun, baka nga nakatulong pa ako sa iyo eh”, anas ng babae. “Ano nga ang ginawa mo?”, na-uubosan na ng pasensiya ang binata sa kaibigan. “Actually… Tumawag si.. si Kim, sa telepono mo noong kumakain tayo sa Resto sa Ayala Mall, sinagot ko na dahil nasa banyo ka pa, at sinagot ko lang ang tanong niya kung saan ka raw, ang sabi ko nasa banyo kapa, ang sabi naman niya, tatawag nalang siya ulit sa iyo, Yun lang iyon!”, paliwanag ni Sab. “Pero sa tingin koy nag selos iyon, dahil hindi mo na makontak diba, pagkatapos”, natatawa pang dagdag ng babae. “Ikaw talaga Sabrina! ikaw pala ang dahilan kung bakit ayaw na akong kausapin ni Kim! Kapag ako’y nakaganti sa iyo, humanda ka talaga!”. “Aminin mo, kinilig ka ng malaman mong nag seselos si Kim! ayiii… Push mo nayan hanggang simbahan!”, pang -aasar pa ng babaeng kaibigan. “Talagang si Kim na ang pakakasalan ko, and help me plan na wedding soon, para makabawi ka sa akin!”. “Naku! gagawin pa akong wedding planner, pwedi naman pero 10k per day ang bayad ko!”. Natatawang anas ng babae. “Nevermind! taya mo ang dinner tonight ha! at may utang ka sa akin at kay Kim!”. “Sige na nga! actually I want to meet Kim in person too, I was wondering why you are so head over heels inlove with her, So I may invite both of you for a dinner soon, alright?”, saad pa ng dalaga. “Okay! just inform me ahead of time, so maisingit sa schedule ko, okay?”, anas pa ng binata. “Ang busy mo naman, pre?”, natatawang saad ni Sab. “Of course, I will be busy with Kim”, at may ngiti pa sa mga labi ang binata. “Baliw ka nga talaga.. sa pag-ibig!”, natatawang sabi ni Sab. “By the way, have you received the wedding invitation sa kasal ni Ced?”, dugtong pa nito. “I haven’t. Baka sa bahay siguro ipinadala ni Ced. Baka naroon na iyon doon”. sagot ng binata. “Baka sa mansiyon ng parents ko ipinadala ni Ced ang sa akin, hindi pa ko uuwi doon. Just text me the date and time at tsaka venue ha kapag nakuha mo na ang sa iyo!”, anas ng babae “Okay! that’s No problem. At ako pala ang bestman ni Ced, muntik ko ng makalimutan!”, buong pagmamalaki na wika ni Jay. “Ha? bakit ako hindi man lang inilagay sa Bridesmaide? unfair talaga iyang Ced na iyan! Sino ba ang Maid of Honor nila? kilala mo?”, tanong pa ng babae. “Sa pagkakaalam ko ay Bestfriend ng Bride, na nasa province daw”, sagot ni Jay. “Oh, okay! I thought ako ang inilagay!”, wika pa ng babae. “Pang-Primary sponsor ka na kasi, ang edad mo pang Ninang na hindi pang bride’s maid!”, alaska ni Jay sa kaibigan. “Aruyyy.. sumakit naman ang tuhod ko!”, natatawang sambit ni Sab. Bigla namang sumeryoso si Jay. “Sab, do you think we will finish everything in here tomorrow?”, tanong ni Jay. “I don’t think so Jay, We are still waiting for our supplier tomorrow or the next day, by then once they confirm the shipments of the mangoes ay pwedi ka ng bumalik ng Maynila, ako na lamang ang bahala sa ibang gagawin”, anas pa ng babae. Sila ang nagmamay-ari ng pinakamalaking pagawaan ng Dried Magoes sa Cebu. Nasunog ang Mangoe Farm kung saan ang major supplies ng manga nila ay doon nanggagaling, kaya they are not able to meet the demands. At nagkataon pa na kasagsagan ngayon ng demand nila for imports kaya problema talaga. Kaya ay kumukontak sila ngayon ng mga may mga Manggahan sa probinsiya at maging sa karatig probinsiya para kumuha ng supply. On going din ang police invistigation tungkol sa sunog dahil sinadyang sunugin ang Farm nila at hindi aksidente. Tumango-tango ang lalaki. That means he can’t see Kim until Pag-uwi niya sa Friday. Ang akalang madali lang siya sa Cebu ay hindi pala mag eextend pa ng isa o dalawang araw. **** Mag-aalas 7 na ng gabi ng matapos si Kim sa pag-iimpaki ng mga gamit niya. Sasabihin na lamang niya sa mga kasambahay na bibisita siya sa probinsiya saglit. Hindi pa siya naghahaponan pero hindi naman siya gutom. Nang tumunog ang telepono niya, at tama ang hinala niyang si Jay iyon. “Hi Love! did you have your dinner already?”, masiglang bati ni Jay sa kanya. “Mmm.. Yep, done!”, pagsisinungaling niya dito. Paki ba nito kung gutumin siya. “how about you?”, dagdag pa niya para lang hindi magtaka ang binata na wala siyang ganang maka-usap ito ngayon. “Yes, tapos na rin, we had our team dinner kanina lang”, sagot nito. ‘And magkasama kayo ng babae mong kumain?’ gusto sana niyang idagdag pero hindi na, again, wala silang label ni Jay at wala siyang karapatan manghimasok sa buhay ng binata, tapos!’, warning niya sa sarili. “Ah! okay! Jay, would you mind if I will go to sleep na, midyo masama ang pakiramdam ko!”, anas niya para maputol na ang tawag na ito. “Huh? uminom ka na ba ng gamot? ano, ipapatawag ko ang family doctor, at ipapadala ko diyan, okay?”, natataranta pang sabi ng binata. “Hindi na kailangan Jay! it’s just a menstrual cramps, masakit lang ang puson ko, okay?! Stop being OA!”, na-iinis na si Kim kay Jay. Natahimik naman ang binata sa kabilang linya. Mainit ang ulo ni Kim. Pero ganoon naman talaga pag may dalaw , mainit ang ulo. “I am sorry, love, for being so paranoid! nag-aalala lang talaga ako, ngayong malayo tayo, ikaw lamang ang palaging nasa isipan ko!”. ‘Maniniwala pa ba ako sa iyo, Jay? iba kasi ang mga nakikita ko kaysa sa mga salitang galing sa bibig mo, hindi ko na alam kong totoo, kung sensero ka o pinaglalaroan mo lang ako!’, sa isipan ni Kim. “Kim, are you still there?”, tanong ng lalaki ng walang sumasagot sa kabilang linya. “I am sorry Jay! I am just not feeling well.. I just want to take some rest!”, anas ng babae. ‘Pagpapahingahin ko na muna ang puso kong pagod na!’, sa loob-loob ng babae. “Ah, yes. Sige Love, pahinga kana muna ha, tatawagan kita first day in the morning to check on you, pahinga kang mabuti!”, wala ng nagawa si Jay. “Bye Jay and good night!”, paalam ng babae bago ibinaba ang telepono. Malungkot ang binata na ibinaba na rin ang telepono.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD