The Realization

1003 Words
Kinabukasan ay maagang pumasok sa opisina si Kim. Wala na siyang time mag emote kaya ibubuhos niya ang lahat ng oras sa trabaho ngayon. Hindi pa siya handang kausapin ang binata. Mamaya na lamang kapag nag expire na ang hinanakit na nararamdaman niya para dito. Maaga siyang pumasok para hindi na ito makatawag kay Aling Luz, dahil sigurado siyang doon iyon tatawag, at hindi talaga siya lulubayan ng ginang kapag hindi niya tatanggapin ang tawag. Naghanda na siyang magtrabaho kahit alas 7:30 pa lamang ng umaga. Pagka log in pa lamang niya sa kanyang work email ay may mga emails na siyang natatanggap. Hindi niya kilala ang sender at may mga picture at video itong naka clip. Binuksan niya ang email at chineck isa-isa ang nakaattached na mga images at video. At ganoon na lamang ang pagtataka ni Kim. Kuha ang mga larawan sa isang Bar at nakikita niya ngayon si Jay at ang isang babae. May larawang nakatalikod ang binata at yakap ang babae. Biglang kumirot na naman ang puso ng dalaga. Wala na bang katapusan itong marararamdaman niyang pighati? Kahit nasasaktan ay tiningnan pa rin niya ang ibang larawan. May mga kuhang pumasok ang dalawa, si Jay at ang kaparehong babae sa isang Condo hotel. May Larawan ding may bitbit na box si Jay at papasok sa kaparehong condo hotel. Tumulo na ang luha ni Kim. Ngunit patuloy niyang tinitingnan ang iba pang larawan, binuksan din niya ang isang video na ipinadala. At ang video ay sa kaparehong lugar, si Jay at ang babae, karga-karga ni Jay ang babae at papalabas na ang dalawa sa bar. Parang lasing na ang babae dahil parang nag pupumiglas ito ngunit mahigpit itong hawak at karga ng binata. Naalala ni Kim noong minsang nagpaalam si Jay na dadalo sa Kaarawan ng kaibigan at pag uwi nito ay may amoy pambabaeng pabango ang damit nito. Ito pala iyon! He spent sometime on the woman’s place that evening. Kinakain na ng selos ang buong puso ni Kim. Kahit wala siyang karapatang mag selos pero hindi niya maiwasan at mapigilan. Agad niyang pinahid ang mga luha. Buo na talaga ang pasya niyang iwasan at iwanan na ang lalaki. Baka wala pa siyang 30 ay ma heart attack na siya sa sakit sa puso. Husto namang nagsidatingan na ang kanyang mga work mates. Hindi siya nagpapahalata na galing siya sa iyak. At pilit na pina sigla ang hitsura. “Hi Kim! ang aga-aga mo naman! Nag kape ka naba?”, tanong ng isang ka trabaho niyang si MeraFlor. “Yep! done na po. Mag kape ka muna bago sumabak sa trabaho”, sagot niya dito. “Oo nga, saglit lang ako, kukuha lang ng kape sa pantry”, anas nito. Tumango at ngumiti na lang si Kim dito. Mga ilang minuto ang lumipas ay nag ring ang landline niya. Agad niyang sinagot iyon, sa akalang para sa trabaho iyon. Ngunit si Jay ang nasa kabilang linya. Naalala ni Kim, naka patay pa pala ang cellphone niya. She hide her feeling at nag kunyaring okay siya, para hindi na mag kukulit at may peace of mind ang lalaki habang nasa malayo at may inaasikasong problema sa kompanya. “Hi Kim! I miss you a lot! bakit hindi kita makontak? bumili ka na ng bagong cellphone mamaya. I’ll pay for it!”, anas agad ng lalaki. “I am sorry Jay kung nag aalala ka sa akin, okay naman ako, iwan ko bigla nalang namatay ang telepono ko pagkatapos aksidente kong mahulog, ayaw na gumana. Huwag mo na akong masyadong isipin, mag concentrate ka sa trabaho mo diyan at ng maka uwi ka na agad dito, okay?”, mahabang salaysay niya. “You can message me or call sa Teams ha if may kailangan ka. Or much better, bumili ka na ng bagong phone later, okay? gusto kitang maka-usap mamaya sa bahay, please!”, anas pa ng lalaki, na may pag susumamo pa sa tinig. Midyo na antig naman ang puso ni Kim dito. Here we go again! madali lang talaga siyang suyo-in ng binata. Napaka-rupok niya kapag si Jay na ang kausap. “Okay, sige! pacheck ko sa Service center mamayang lunch time ang cellphone ko, okay? Huwag ka nang mag alala sa akin, andito lang naman ako sa opisina tapos bahay lang pagkatapos”, wika niya dito. “Mabuti na ba ang pakiramdam mo?”, tanong pa ng binata. “Oo, mild headache lang iyon kagabi, nawala din agad pag kagising ko”. “Huwag kang magpapalipas ng pagkain ha, sabi ng nanay Luz, hindi ka raw nag haponan kagabi at ngayong umaga nag kape ka lang daw”. “Nag gatas at prutas ako kagabi no, at nag pandesal din ako kanina, okay na ako doon”, anas ng dalaga. “Ikaw ang huwag magpapalipas ng kain dahil alam kong busy ka diyan, okay!”, dagdag pa niya. “I’m okay here! I will work double time para maka uwi kaagad diyan, okay?”, wika pa ng binata. “No need to be rush, Jay! andito lang naman ako. You can take your time diyan!”. “But I am missing you so much, love!”. anas pa ng binata. Hindi nakasagot si Kim. Husto namang nag sidatingan na ang mga iba pang empleyado. “Ah. Ibababa ko na Jay, nag sidatingan na ang mga katrabaho ko! Tawagan kita mamaya ha!”, at ibinaba na ni Kim ang telepono. Hindi na nakapag salita pa si Jay, isang ‘click’ na lamang ang narinig niya at dial tone pagkatapos. Wala na ang kausap niya, binabaan na siya nito. Napabuntong hininga na lamang si Jay. Sana’y matapos na sila sa trabaho upang makabalik na siya ng Maynila. He badly wants to see Kim and confess to her how much he love her and how much he missed her. Now that they are apart, he realizes he can’t live anymore without Kim in his life!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD