Jay’s POV
(Last night)
“Baka hindi ka magiging komportable kaya may boundary!” anas niya sa babae pero more for himself. Para siyang baliw sa pinagsasabi niya, siya naman ang hindi komportable.
Paano ba naman ay kahit malayo si Kim ay ramdam pa rin niya ang init ng katawan nito. He can feel her presence.
Natawa naman si Kim sa sinabi niya.
“Sure! thank you!”, sagot ng babae.
Gayunpaman dapat kontrolin niya ang sarili. Pipilitin niyang matulog.
“Goodnight Kim! sweet dreams!”, sabi na lamang niya sa katabing babae.
“Goodnight Jay! sweetdreams too!”
At pinatay na niya ang ilaw.
Ang nag silbing ilaw na lamang nila ngayon ay ang mahinang ilaw na nagmula sa lampshade.
Damn! mas naging romantiko pa ang tingin ni Jay sa loob ng kwarto.
Pumikit na lamang siya at pilit pinakalma ang saloobin.
You deserve it! magtiis ka!, bulyaw niya sa sarili.
Napansin niyang tulog na si Kim dahil malalim na ang paghinga nito.
Mabuti pa si Kim, nakatulog na.
He tried clear his mind and tried to sleep.
***
Kinabukasan.
He wakes up na nag-iisa na sa kwarto.
‘mabuti naman at nakatulog din pala ako!’, anas niya sa sarili.
Ang buong akala niya ay hindi talaga siya makatulog.
He checked the clock and its 8am in the morning.
Nagpalit na lamang siya ng kamiseta at papatungo siya sa Gym. His morning routine.
Anyway alas 10 am pa ang meeting niya of one of their clients.
Pagbaba niya ng hagdan ay nakita na niya ang lolo at si Kim na nagkakape sa sala.
Kim is now wearing a Black tank top sleeveless and hem fold loose short pants.
“Kim, would you like to join me sa Gym?”, tawag niya sa babae na abala sa magazine na binabasa.
Napatingin naman si Kim sa lalaking papalapit.
Hindi ito sumagot kaagad. Nakatingin lang sa kanya na papalapit na sa sofa.
“Ahm.. Sige! pero hindi pang Gym ang suot ko Jay!” sagot nito sa kanya paglaon.
“Its okay, narito lang naman sa bahay ang Gym, tayo- tayo lang!”, anas niya.
“Ah, okay! sige tara!” excited na wika ni Kim.
“Lolo, excuse ko muna si Kim ha!” paalam niya sa lolo.
“Walang problema. Tawagin ko nalang kayo mamaya sa agahan!” sagot ng matanda.
“Thank you ‘lo! at magandang umaga!”, bati niya dito at nagpatiuna na patungong Gym.
Sumunod naman si Kim sa kanya.
***
Ang paborito niya sa mga gym equipments dito ay ang weight lift bar kaya doon siya nag punta.
“Wow! Komplito talaga ah! kulang ka nalang ng gym instructor at pwedi ka ng magbukas ng Fitness Gym!”
Natawa siya sa sinabi ng dalaga.
“You can use this gym as you like, okay?” anas niya sa Babae.
“Thank you!”, sagot nito habang nagsisimulang icheck ang treadmill.
Matapos niya sa bench press ay doon naman siya sa Crunch Sit up equipment.
Nakita niyang tumatakbo na rin si Kim.
Napangiti siya, meron na siyang Gym buddy soon.
Pagkatapos niya sa Feet and Legs exercise ay nag push ups naman siya.
He counts up to 50’s. Tagaktak na ang pawis niya. Si Kim ay naroon pa rin sa TreadMill naglalakad na lamang.
“Kim, gutom kana ba?” tanong niya sa babae.
Pero walang sagot mula dito, She was like spacing out.
Pinuntahan na ni Jay si Kim. At insakto namang pinatay na nito ang treadmill at nagpatianod sa last slide at lumundag sa pagdating sa dulo.
At insaktong kay Jay ang bagsak ni Kim.
“Ahhg!” gulat na anas ni Kim. Hindi nito namalayan na nasa likuran na siya.
Hinapit niya ito sa baywang para hindi matumba, more like he is hugging her from behind.
Naamoy niya ang pabango ng babae. He leaned to her ears and whispered.
“Be careful!”, pero ang babalang iyon ay para yata sa sarili niya dahil hindi niya makuhang alisin ang kamay mula sa pagkakayapos sa babae.
Hanggang narinig nila ang tawag mula sa labas ng gym na ‘breakfast is ready’.
Si Kim ang unang kumiwala sa bisig ni niya.
“Sorry hindi ko namalayan na nariyan ka pala sa likuran ko!”, dispensa nito.
“It’s alright. Parang focus ka kasi masyado sa ginagawa mo at hindi ka sumasagot sa akin, kaya nilapitan na kita”, wika ng binata.
“Lumipad lang siguro ang isip ko habang naglalakad sa TreadMill”, anas ni Kim.
“Tayo nang mag breakfast?”
“Tara! at gutom na rin ako!”, sang-ayon ng babae sa kanya.
Kinuha ni Jay ang kamay ni Kim at hinawakan.
They are holding each other’s hand while walking patungong dining, para talagang magkasintahan.
At hindi naman pumalag si kim dito.
“Mauna na kayo ni Lolo, maliligo lang ako, I’ll be quick!”
“Okay!” tanging nasagot ni Kim at mabilis ng umalis ang lalaki.
Pagdating ni Kim sa Dining table ay namangha siya sa daming handa doon.
“Lolo, may fiesta ba?” biro niya sa matanda.
Natawa naman ang matandang lalaki.
“I just want to celebrate your 1st day sa mansiyon!” anas pa nito.
“Nakss! thank you po! ang sasarap ho ng ulam. Hindi muna tayo mag diet ngayon Lo!” anas ng dalaga.
“Walang diet-diet!” sang-ayon ng matanda.
Nagkatawanan pa sila.
Nagsimula na silang kumain.
Maya-maya pa ay bumaba na rin si Jay, nakabihis na ito sa kanyang business suit.
Ang guapo at punong-puno ng awtoridad ang aura.
Umupo ito sa tabi niya.
“Anong gusto mong kainin at ipaghahain kita?”, tanong ni Kim dito.
Napangiti naman si Jay.
“Kahit ano basta pinili mo!” sagot naman ng binata.
“Kahit ano ha!? sige!” anas ng dalaga at namili na ng ulam at inilagay sa pinggan ng lalaki.
Naglagay siya ng Caldereta at kanin sa pinggan ng lalaki.
She even scope a spoonful from his plate and blow it first to cool off a little before bringing it to his mouth.
Sinusubu-an niya si Jay.
“Ah..” anas pa ni Kim na animo’y nagpapakain ng bata.
Sumunod naman si Jay at tinanggap ang pagkain.
“Mmm.. masarap!”, komento nito.
“Huwag mong bini-baby iyan Kim, baka hindi na ‘yan makakain ng mag isa. Baka kapag wala ka ay hindi iyan kakain!”, biro pa ng matanda sa kanila.
Nagtawanan na lamang sila. Masaya ang agahan nila, kasabay ng pagkain ay mga pag-uusap at pag-bibiroan.
Maya-maya pa ay tapos na silang kumain. Insakto namang tumawag na ang sekretary ni Jay para paalalahanan ang binata sa schedule nito sa buong araw.
“I need to go now”, anas ng binata.
“Ihahatid na kita sa labas!”, Tumayo na si Jay at sumunod si Kim dito.
“Lolo, I’ll go ahead”, at kiniss ang lolo sa pisngi.
He grab Kim’s hand and they walked together sa labas ng mansiyon.
Naroon na ang sasakyan sa labas, ready na ang driver.
Pagdating sa labas ay kiniss ni Jay ang likod ng kamay ni Kim.
“Enjoy your staycation. I’ll keep in touch. Okay?”
Tumango naman si Kim.
“Take care Jay and Good luck sa work today, I will wait for you!”, anas ng dalaga.
Pumasok na si Jay sa kotse.
Kumuway pa ito sa kanya bago tuluyang lumayo. Kumuway din si Kim dito.
Nang nasa labas na ng Gate ang sasakyan ay napabuntong hininga ang lalaki.
How badly he wants to kiss her goodbye not on her hand but on her lips.
His heart was racing when she said she will wait for him.
Ganito pala ang feelings ng ang mahal mo ay maghahatid sa iyo at maghihintay sa pag-uwi mo. Ang sarap sa pakiramdam.
At dahil doon ay masigla ang lalaki sa buong araw at hindi na makapag-antay umuwi mamaya.
***
Wala na ang kotse ng binata.
Hindi alam ni Kim kung bakit masaya siya kahit alam niyang ang mga ito ay palabas lamang nila. Pero ang damdamin niya ay totoong masaya.
Ganito pala ang pakiramdam ng ihahatid ang asawa patungong trabaho.
Feeling niya ay bagong kasal sila at kailangan ng pumasok sa trabaho ang asawa kaya ay inihatid niya ito makasakay sa kotse at pagkatapos ay mag-aantay naman siya sa pag-uwi nito mamaya.
‘Baliw!’, saway niya sa isipan.
Bumalik na siya sa loob ng bahay.
Ano bang gagawin niya sa buong maghapon?
Ah! mag be-bake na lamang siya ng kanilang pang meryenda mamaya.
Umakyat na sa kanyang silid ang matandang lalaki. Siya naman ay nag puntang kitchen.
Nakita naman niyang komplito sa gamit at mga kasangkapan doon, kaya nagpasya siyang gagawa ng cookies at muffins.
Matagal-tagal na rin siyang hindi nakapag bake. Pero hindi pa naman komplitong nakalimutan niya kung papaano.
Tinulungan naman siya ni Aling Nene at Aling Luz sa paghanda ng mga kakailanganin niya.
Nag enjoy si Kim sa ginagawa at hindi na nga namalayan ang oras.
Tapos na siya sa cookies at sa muffins naman siya ngayon naging busy.
Insakto namang ilalagay na niya sa oven ang batter ng mag ring ang telepono sa bahay.
Sinagot ito ng kapit-bahay pero para daw sa kanya?
Napakunot noo si Kim. Ha? sino bang tatawag sa kanya sa mansiyon? pero ganoon pa man ay kinuha na niya ang receiver.
“Hello!” paunang bati niya sa tumatawag.
“Hello Kim!” sagot naman ng lalaki sa kabilang linya.
Biglang bumilis ang takbo ng puso ni Kim.
Si Jay pala.
“H-hi! break mo ba ngayon?” halos masamid pang anas niya dito at napatingin pa sa wallclock.
Pasado alas 11 na pala.
“Yup! and I am thinking of having a lunch with you?”
“Ha? naku Jay, huwag na, hindi pa ako nakapag bihis simula kanina. I am baking some pastries ngayon, at hindi pa ako tapos.”
“Mmm.. what pastries is that?”
“Cookies and Muffins! you will love this later sa pag-uwi mo!”
“At binigyan mo ako ng rason para umuwi ng maaga ha!”, anas pa ng binata.
“Naku! tapusin mo ang trabaho mo diyan, kahit pa ikaw ang amo, dapat may sense of responsibility ka pa rin!”, wika ng dalaga.
Natawa naman si Jay sa kabilang linya.
“Isang meeting nalang po at tapos na ako sa buong araw!” anas ng binata.
“Ah, okay! basta’t tapos ka na sa trabaho mo ay uwi ka na dito!”, nahiya pang sabi ni Kim.
“I’ll be home early today! would you like something? Like pasalubong?”
Natawa din si Kim sa binata. Para naman itong galing sa malayo na may pasalubong pang nalalaman.
“Just yourself!” sagot niya dito.
“Okay! See you later Kim!” paalam na nito.
“See you later Jay! take care!”
At naputol na ang linya.
Napabuntong hininga si Kim pagkatapos.
She will be completely happy if totoo lahat ng mga ito.
Pero sa ngayon ay hahayaan niyang maniwala ang sarili niyang totoo ang mga ito.
Just these days.