Almost!

1347 Words
Dumating na nga ang sasakyan ni Jay mga alas 3 pa ng hapon. Insaktong meryenda time na. Pagkarinig ni Kim na nariyan na ang sasakyan ng binata ay excited siyang lumabas ng bahay. Sasalubungin niya ito. At narito na nga ang lalaking pinakahihintay. Nagulat pa si Kim ng makitang may dala pa itong bulaklak. ‘para sa akin?’, sa isipan niya. ‘Nope! for the show of course!’, bawi niya sa isipan. Gayun pa man ay ngumiti si Kim sa binatang papalapit na sa kanya. “How’s your day?” tanong niya dito ng makalapit na. Binigay na ng binata ang bulaklak sa kanya at kiniss siya sa pisngi. “Not bad, as usual whole day puro meeting”, sagot ng lalaki sa kanya. Tumango si Kim. At minasdang mabuti ang bulaklak na bigay niya. “Thank you sa flowers, ang gaganda nila!”, anas ng dalaga na inamoy pa ang bulaklak. “Let’s get inside at ng makabihis kana. Sabay na tayong magmeryenda”, dagdag pa nito. Sabay na silang naglakad papasok ng bahay. Ang matandang Don ay tapos ng magmeryenda at pumasok na ito sa silid para sa kanyang afternoon siesta. “Jay, ilalagay ko ito sa Vase ha? para naman humaba pa ang mga buhay nila!”, anas niya sa binata. “Yep, ikaw bahala. Papanhik muna ako sa silid!”, “Okay!” at kumuha na malaking vase si Kim at inilagay ang mga bulaklak. She made it like a pro. Maganda ang pagkaka-arrange niya dito. Pagkatapos ay inilagay sa center table sa salas. Pagkatapos ay nagpunta na siyang kusina at inihain ang kaning niluto na cookies at Muffins. Nagsalin din siya ng four seasons drinks na babagay dito. Habang nag-aantay kanina sa binata ay nakita niyang magandang tambayan ang pool side dahil malamig ang hangin doon at overlooking din sa city. Nasa mataas na lugar kasi ang subdivision ng binata kaya ay may panoramic view sa ibang bahagi ng bahay. Pati sa silid ng binata ay may city view din. Kaya napagpasyahan niyang doon iset-up ang meryenda. Narinig niyang hinahanap siya ni Jay. Hindi niya kasi nasabihan na sa pool sila mag meryenda. “I am here sa Pool side!” , sagot niya dito na pasigaw na para marinig ng binata. At wala pa ngang ilang segundo ay naroon na ang binata. Nakapang bahay na ito. Tshirt at short pants. “Dito ka lang pala, akala ko kung bakit nawala ka nalang bigla!”, anas pa nito ng matagpuan siya doon. ‘Wait? nag alala ba ito sa kanya?’ tanong ni Kim sa sarili na iwinaksi din sa huli. “I am sorry kung hindi kita nasabihan. Sa tingin ko kasi mas magandang tambayan dito!” “Oo, paborito ko ang lugar na ito sa bahay, kaya lang kung mag-isa ka lang ay lalo kang malulungkot!” “Oo nga, pansin ko nga dahil makakapag relapse ka talaga dito ng bonggang-bonga!”, biro ni Kim dito. Natawa naman ang binata. “Tara kain na tayo!” imbita ni Kim sa lalaki. Naroon na sa maliit na mesa ang pagkain nila. Umupo naman si Jay sa katapat na Upoan at kumuha na ng cookies. “Mmm this is yummy, chewy siya at hindi gaanong matamis!”, komento ng binata. Kumuha din ito ng chocolate muffins! “Mmm.. this will be my favorite moving forward, ang moist at ang sarap”, anas ng binata. “Talaga? o binubula mo lang ako?” biro ni Kim dito. “Oo talaga! kahit araw-araw mo akong pakakainin nito ay hindi ako magsasawa!”, anas pa nito. “Sinabi mo iyan ha!” anas ng dalaga. “Oo, gawa kaya tayo ng bakeshop! new found business!” anas pa nito. “Naku! business minded ka talaga! ang talent ko sa pag be-bake ay para lang sa iyo! not for everybody! okay?”, natawa pang sabi ng dalaga. “Ang sarap naman nun! exclusive for me!” wika pa ng lalaki na wari’y kinilig. Madali nga nilang naubos ang meryenda. Masaya silang nag-uusap doon ng magyayang maligo si Jay sa pool. “Tara! ligo tayo!” “Ha? like ngayon na?” tanong niya sa binata. “Yup! matagal-tagal na rin akong hindi naka-ligo dito.” “Hindi ako marunong lumangoy Jay at isa pa nakapang bahay tayo!” “Walang problema iyon!” at hinubad na ng binata ang suot na tshirt. “Tuturuan kitang lumangoy!” dagdag pa nito. “Teka! hindi ako sigurado, natatakot ako!” anas pa ng dalaga. Kinuha na ni Jay ang kamay ni Kim. “Akong bahala sa iyo!” anas pa nito. “Teka! hubarin ko lang ‘to!”, at walang kyime-kyimeng hinubad ni Kim ang tshirt niya, at sinunod ang shorts nito. Nanlaki ang mata ng binata at napalunok sa nakita. Naghuhubad si Kim sa harapan niya revealing her beautiful nudeness. Naka two piece underwear na lamang ito. Uminit ata ang katawan ng lalaki sa nakita. Tama nga siyang napaka ganda ng katawan ng babae. Makurba at malulusog ang dibdib at puwet. “Ready na ako, Jay!” anas pa nito. Si Jay naman ay parang napako sa kinatatayuan. “Ahm.. Sige tara na!”. sa wakas ay nagawa niyang magsalita. Hinawakan ni Jay sa kamay si Kim, nauna siyang bumaba sa pool at iginiya si Kim pasunod niya. Katamtaman lang ang temperatura kaya hindi malamig. Nasa hanggang dibdib ng binata ang lalim ng pool sa bandang iyon ng pool pero lalo itong lumalim sa gitna. Hanggang leeg naman ito ni Kim. “Ang lalim naman nito Jay!” reklamo ng dalaga. Hawak siya ni Jay para hindi malunod. “Climb at my back! para hindi ka matakot!”, wika ng binata. Tumalima naman ang dalaga. Kumapit siyang mabuti sa leeg at balikat ng binata. Para siyang parasite na isda na kapit na kapit sa host na kung saan paparoon ang host ay natatangay siya. “Lets swim over there!” anas pa ng binata na balak ata dalhin siya sa mas malalim. “Jay! baka malunod na tayo ha! ayoko pang mamatay!”, anas pa ng dalaga. “Magtiwala ka sa akin, kapit ka lang diyan!” wika naman ng binata. At lumangoy nga ito ng buong husay, kahit nasa likuran pa siya. Sinisipa-sipa rin ni Kim ang mga paa na wari’y lumalangoy rin siya. Pagdating sa kabilang side ng pool ay walang kapagod-pagod si Jay. “Do you want to learn how to swim? I’ll teach you!” tanong pa nito sa kanya. “Naku hindi na Jay! natatakot ako! masaya na ako dito sa likod mo!”, anas ng dalaga. “okay and get ready we will go for another swim!” anas nito. At lumangoy ulit si Jay patungo sa kabilang bahagi ng pool. Ngunit sinadya nitong pumapailalim sa tubig. At dahil hindi nakapaghanda si Kim na lalangoy pala sila sa ilalim ng tubig ay bumitaw ito sa binata. “Jay!” inis na tawag niya sa lalaki. Ngunit bago pa siya malunod ay naramdaman niya ang kamay ni Jay sa baywang niya. At awtomatikong yumakap siya sa lalaki sa takot na malunod. Lumangoy na si Jay patungong Gilid ng pool. Pagdating doon ay hindi pa rin kumiwala si Kim sa yakap niya kay Jay. “I am sorry If I’d scared you!” , bulong nito sa may tainga niya. Nagmulat ng mata si Kim at napakalapit pala ng mukha nila sa isat-isa. Halos mapasinghap siya dahil ramdam niya ang hininga ni Jay sa kanyang mukha. At ang mga katawan nila ay magkadikit rin sa ilalim ng tubig. Nakaramdam na rin ng init ng katawan si Kim. They are both arose. Pero pinili ni Jay na respetuhin si Kim. “Kim.. I think we need to get off the water now!” Tumango-tango si Kim at nagbaba ng tingin. ‘She wants him to go further but hindi dapat!’ Kumalas na si Kim sa pagkakayakap dito at umahon na sa tubig. Sumunod rin si Jay sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD