Missing and Misunderstanding

1392 Words
Kinabukasan ay mabigat ang pakiramdam ng dalaga. Kaya naman ay hindi na muna sumama sa bukid ang kanyang ina para samahan na lamang siya sa bahay. Tinamaan ng lagnat at sipon si Kim dahil sa mahabang pagkababad sa tubig, hamog sa gabi at matinding puyat, at kahit ang tubig ay hindi malalim, nasa bandang tuhod lamang iyun pero dahil nabasa siya ng mahulog doon at natuyo na lamang ang damit na suot niya hanggang ma rescue sila, nag trigger pa din iyon ng sakit. Ilang araw din siyang nagpapagaling sa bahay at hindi lumabas. Wala siyang balita sa binata kung ayos lang ito pagkatapos nilang ma rescue. **** Lumipas pa ang mga araw at talagang hindi na niya nakita ang binata. 'Siguro ay bumalik na ito ng Maynila,' sa isipan niya. Parang nalungkot naman ang dalaga sa isiping hindi na niya makikita ang binatang sa huli ay naging kaibigan at taga pagligtas. Sumubok siyang magpunta sa mansiyon at nagmasid kung may anino doon ng binata pero talagang wala na. Husto namang may lumabas na kasambahay kaya hindi na niya pinalampas ang pagkakataon at nagtanong na doon kung nasaan ang binata. Nag alibi na lamang siya na may kailangan siya dito. "Naku iha! bumalik na sa Maynila, ayy mali.. dinala na sa Maynila kasi, tinamaan ng matinding lagnat pagkatapos noong na trap kayo sa patubigan , suspitsa nila ay baka dengue o kaya'y neumonia. Kaya sa Maynila na nila pinagamot. At baka ay hindi na rin iyon babalik dito kasi narinig kung sa Amerika na ito mag-aaral", mahabang salaysay ng hindi rin masyadong tsismosang kasambahay. "Ganoon ho ba ate, maraming salamat ho sa impormasyon" Ngumiti naman ito sa kanya, "Walang anuman iha! pero alam mo, bagay kayo ng amo kung iyon!" dagdag pa nito, hindi pa pala tapos. Midyo namula naman ang dalaga. "Naku! hindi po siguro, hindi kami bagay kasi napakayaman nila habang ako ay mahirap lang, kaya hindi iyon kailanman titingin sa akin". Ngumiti lang ang kasambahay. "Sa tingin ko'y preho kayong may pagtingin sa isa't isa, kasi minsan nakita ko ang amo kung iyon, palihim na minamasdan ka noon nung sa birthday party kayo ni Don Franco", matabil talaga ang dila ng isang ito. "Ayy hindi po siguro, galit iyon sa akin noon dahil minsan ay hinabol siya ng bakang pinapastol ko, kaya impossible, kung tiningnan man niya ako noon ay baka iyon ay masamang tingin po " Natawa naman ang kasambahay sa narinig. "Pero alam mo, noong nagkasakit ang binatang amo kong iyon, narinig ko ang pangalan mong binanggit habang nag dedeliryo sa taas ng lagnat", dagdag pa nito na mukhang walang sekreto ang maitatago itong kasambahay na ito. " Ganoon ho ba? baka napanaginipan nitong muli ang nangyari, masamang panaginip siguro iyon", nasabi na lamang ni Kim, pero sa loob-loob ay may kakaibang init na nararamdaman. "Iba ang sa tingin ko iha, pero kung talagang kayo, ay talagang kayo. Kahit magkahiwalay kayo ngayon, milya-milya ang layo, pero sa tamang panahon ay pagtatagpu-in din kayo! Mark my words iha!", may pa English pang nalalaman ito Natawa naman ang dalaga dito. Pero sa puso ay nais ngang maniwala na may sila ng binata, ngunit ang isipan ay iba ang sinasabi. "Siyasige po, maraming salamat ulit at tutuloy na po ako", paalam na lamang niya sa kasambahay ng mansiyon. "Sige iha, mag ingat ka sa daan!" **** Madali lang lumipas ang mga araw hanggang naging pasukan na. Naging busy na rin si Kim. Hindi na rin araw-araw na sumasagi sa isipan niya ang binata. Sa wakas ay hindi na. Ngunit isang araw ay napansin niya ang sasakyan nito, Suzuki Jimny at ito lang ang may ganoong sasakyan sa Nayon nila kaya alam niyang kay Jay ito. Pauwi na siya sa bahay noon. 'Parang nandito ulit si Jay', sa isipan niya at parang may nabuhay sa kaibuturan ng puso niya na hindi niya mawari. Basta ang alam niya parang masaya siya at excited makitang muli ang binata pagkatapos ng halos isang buwan. Nagpasya siyang lapitan ang sasakyan na nakaparada sa tapat ng convenience store. Ngunit hindi pa man siya nakalapit ay lumabas na nga si Jay mula sa tindahan bitbit ang supot ng mga binili. Napangiti si Kim ng makita ang binata ngunit ang ngiti niya ay agad ding napalitan ng simangot dahil sa hindi inasahang makita, may babaeng kasunod si Jay isang maganda, maputi at mukhang mayamang babae. Pinag buksan pa ito ni Jay ng sasakyan, at talagang nakita ni Kim ang magandang ngiti ng babae para sa lalaki bago sumakay sa sasakyan. Hindi niya nakita ang reaksyon ng mukha ng lalaki ng ngumiti ang magandang dalaga dito. Sa obserbasyon ni Kim ay mag-jowa ang dalawa . Napako na lamang si Kim sa kinatatayuan niya, hindi na humakbang muli ang mga paa niya. Hanggang nakita na lamang niya na papalayo na ang sasakyan ng binata. 'Bakit mabigat ang pakiramdam ko? Bakit parang maiiyak ako?', natanong ni Kim sa sarili. It was her first heart break. Yun na din pala ang huling kita ni Kim sa lalaki. **** Jay’s POV Matapos niyang ma-hospital at tuluyang gumaling ay nagpasya siyang bumalik sa probinsya. Sa loob ng ilang linggong nasa Maynila siya, ang buong isipan niya ay nasa probinsya, partikular sa isang babae, kay Kim. Hindi mawaglit-waglit ang imahi ng babae sa isipan niya. Hindi man niya aminin ay namimiss niya ito. Kaya uuwi siya sa probinsya upang makita ang dalaga bago siya lilipad ng Amerika. Pasakay na siya ng sasakyan niya ng ang makulit niyang nakababatang kapatid na babae ay sumakay din sa sasakyan niya. "Anong ginagawa mo dito?" anas niya. "I'm totally bored Kuya! please isama mo na ako sa road trip mo, please..." , pagmamakaawa pa nito, with matching teary eyes. "Okay fine! pero huwag kang makulit sa biyahi ha!" "Promise po! I will be a good girl!", sabi pa nito na masaya na ang mukha. Limang taon ang agwat nila ng bunsong kapatid na babae. 15 yrs old na ito pero bini-baby pa rin ng kanilang mga magulang. Kasalukuyang nasa State ang mga magulang nila dahil sa negosyo. Kaya nga ay pinapasunod na sila ng kanyang kapatid doon, doon na sila mag-aaral. Nasa ikalawang taon sa kolehiyo si Jay at kasalukuyang kumukuha ng Business administration. Habang ang kapatid ay nasa Junior Highschool. Sinunod naman nito ang pangako na hindi magkukulit habang nasa biyahi sila. At hindi nga nagtagal ay nasa Nayon na sila. Alam ni Jay na may pasok na si Kim kaya sa skwelahan sila dumiretso, nag babasakali na makita ang babae doon. Hapon na kaya ay uwian na ng mga estudyante. "Kuya, sino bang inaantay natin dito? I need to use the bathroom, please lets go na!" "shh.. magpigil ka muna diyan, tiisin mo muna, may gusto akong makita saglit lang" At hindi nga siya nabigo, dahil ilang minuto nilang paghihintay ay nakita na nga niya si Kim palabas na ng skwelahan, may bibit pang ice cream cone, kasama ng iba pang mga estudyante. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mukha ng binata ng makita si Kim. Akma na niyang tatawagin ito para makasabay na silang umuwi pero isang tanawin ang hindi niya inaasahan. Ang isang lalaking kasabayan sa paglalakad ng dalaga ay bigla na lamang hinawakan sa kamay ang dalaga at ng napahinto sa paglalakad ang babae ay bigla nitong pinunasan ng tissue ang labi ng babae na may icecream. Nakita niyag namula ang mukha ng babae, at hindi nakagalaw, wari'y na shock ito. Kasabay noon ay ang tuksohan ng iba pang mga kasamahan nito. Ang kapatid ni Jay na sinusundan pala kung sino ang tinitingnan niya ay nakita din ang lahat. "Naku Kuya Jay! huli kana! may BF na yata iyang kursonada mo oh!", tukso pa nito sa kapatid. "Nope! wala akong kursonada, napatingin lang ako sa kanila, tara na mukhang wala dito ang hinahanap ko!" sabi pa ng lalaki, na obvious ding nag iba ang mood. "Daan tayo sa convenience store kuya, may bibilhin ako!" "Okay!" maikling sagot nito. At pinaharurot na niya ang sasakyan. Hindi na niya nakita ang sunod na nangyari. Nang makabawi sa pagka shock si Kim ay hinampas niya ng bag ang binata, sapol iyon sa mukha ng kaklaseng lalaki. Sinundan pa ng katakot-takot na bulyaw. Ilang beses na niya itong binasted pero matigas talaga, panay pa din ang pa cute nito sa kanya, na hindi kailanman oobra sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD