Nagkapalagayang loob na ang dalawa sa loob lamang ng maiksing oras.
Hindi namalayan ni Kim na nag kukwento na pala siya sa binata kung bakit nandito sila sa Nayon, bakit lumipat sila dito mula Maynila.
Maging ang binata ay nag kukwento na rin tungkol sa buhay nito sa Mansiyon at sa buhay Maynila.
Nakatanaw sila sa kalangitan habang nag uusap. Ang asong si Piper ay nakatulog na sa kahihintay sa amo sa ibaba.
“Anong oras na kaya no?” tanong ni Kim sa sarili na naisatinig pala niya.
“Malalim na ang gabi” anas pa ng binata.
“Paano mo nalaman?”
“Kasi ang buwan ay halos nasa tuktok na, tulad lang din ng araw, kapag tanghaling tapat”
“Ah! ganoon ba iyon,?”
“Yup!” maiksing sagot ng binata na patuloy pa rin sa pagtitingin sa kalangitan.
Hanggang may bulalakaw silang nakita, sunod-sunod iyon.
“Wow! tingnan mo Jay, ang ganda nila pagmasdan!”
“Yan ang tinatawag na meteor shower!” anas pa ng binata.
“Ngayon lang ako nakakita ng ganito!”
“Hindi mo masisilayan ang mga ganyan sa maynila kasi maliwanag doon dahil sa mga ilaw sa siyudad, dito sa probinsiya ay mamamangha ka talaga sa ganda nila tuwing gabi”
Hindi na alintana ni Kim ang sakit ng galos niya at ang pagod sa mahabang oras na nakatayo lang sa tubigan.
Naenjoy na niya ang presensiya ng lalaki. Maraming alam kasi ito, marami siyang natututuhan.
Matagal ng tapos ang meteor shower pero tungkol pa din sa mga stars at planet ang topic nila ng binata.
Hanggang sa may ibong biglang humuni.
“May aswang ba dito Jay?”, pabulong na tanong ng dalaga na unti-unti ng lumapit sa lalaki.
“Nakakatakot kasi ang huni ng ibong iyon, at parang nasa malapit lang sa atin!” dagdag pa niya.
“ Iyan ang hindi ko alam, ngayon lang din ako nakarinig ng ganyang huni ng ibon”, sinakyan na ni Jay ang pananakot sa dalaga.
Tinanggal na ni Kim ang hiya-hiya at talagang dumikit na kay Jay. Habang ang mata ay alerto sa paligid.
Lihim na napangiti ang binata. Gusto niya ang paglapit ni Kim sa kanya.
“I’ll protect you if ever?” sabi pa niya dito sa babae na seryoso kunyari.
“Jay! baka magiging haponan nalang tayo ng halimaw dito!”, natatakot na talaga siya. Narinig kasi niya ang kaluskos ng isang malaking ibon sa hindi kalayuang puno.
Hindi na nga namalayan ni Kim na hawak na niya ang isang braso ng lalaki.
Naramdaman naman ni Jay na totoong natatakot na ang babae dahil nanginginig na ito.
“Malaking ibon lang iyan Kim, huwag ka ng matakot, possibleng Kuwago iyan, gising kasi ang mga iyan sa gabi, they hunt food at night
as they are nocturnal predators. Mga insekto lang din ang kinakain ng mga iyan, hindi mga tao”. Binabawi na niya ang pananakot dito, hindi na niya nais dagdagan ang kalbaryo ng dalaga sa kasalukuyan.
Unti-unti namang binawi na ni Kim ang kamay sa braso ng binata at bahagyang lumayo.
“Mabuti naman kung ganoon”, sagot na lamang ng dalaga.
Ngayon lang niya napansin na nakakapit na pala siya sa braso ng binata.
Wari’y nahiya ang dalaga sa ginawa.
Muli ay natahimik ulit ang dalawa.
Nang bigla-bigla na lamang tumayo ng tuwid ang babae.
“Jay! I have an idea!” anas pa nito na wari’y ay excited.
"Ano kaya kung sasampa ako sa likod or sa balikat mo, sa tingin koy makakaakyat na ako nun, tapos kapag nakalabas na ako ay makakahingi na ako ng tulong!", dagdag pa ng dalaga.
"That’s a good idea!” pagsang-ayun ng binata.
"Bakit ngayon lamang natin naisip ito? baka kanina pa tayo nakaalis dito kung sakali."
“We’re both overwhelmed of what happened, hindi na tayo nakapag-isip ng maayos”, sagot ng binata.
At pumusisyon na ang binata, he lowered his lower limbs upang maka sampa sa likod niya ang dalaga, Agad naman sumubok ang dalaga, ngunit hindi pa rin kaya, naging magkasing taas lang sila kung sa likod sasampa ang dalaga, dapat ay papatong talaga siya patayo sa balikat ng lalaki.
Kaya naman ay umupong patingkayad ang binata para makasampa sa balikat niya ang babae.
Walang pag-aalinlangan ay sumampa na si Kim sa balikat ng binata. Patayo siyang sumampa sa mga balikat nito at para makabalanse siya habang dahan-dahang nag angat ng katawan ang binata ay hawak ni Jay ang isa niyang kamay habang ang isa pa niyang kamay ay nakahawak sa dingding ng patubigan.
At sa wakas ay maaabot na nga ni Kim ang gilid palabas, maingat siyang dumamba at lumipat doon at buong lakas na inangat ang sarili pataas.
At labis-labis ang saya ng dalaga ng makaahon na nga siya.
"You made it!" masayang sambit rin ni Jay.
"Hahanap agad ako ng tulong Jay, hintay ka lang diyan!"
Ngunit husto namang may nakikita na si Kim na mga taong may dalang mga flashlight na tumatawag sa kanya.
Kaya naman sa mas malakas na boses ay sumagot siya sa pagtawag ng mga ito.
"Nandito ho ako! Tulong po!"
At hindi nga naglaon ay sa wakas ay nakita na ni Kim ang kanyang tatay na siyang namuno sa paghahanap sa kanya, kasama halos lahat ng mga ka-barangay.
Hindi mapigilan ni Kim ang maiyak sa labis na galak.
Pagkakita ng ama niya sa kanya ay agad siyang niyakap nito, ramdam na ramdam ni Kim ang pag-aalala ng kanyang ama.
"Diyos ko anak! labis-labis ang pag aalala namin, sa iyo! anong nangyari? bakit ka nandito? nasaktan ka ba? may nanakit ba sa iyo?" sunod-sunod na tanong ng ama niya sa kanya.
Magsasalita na sana si Kim ng mapansin ng ama niya ang binata sa ibaba, sa loob ng patubigan.
"Siya ba ang nanakit sa iyo anak!?" galit ang ama na itinuro ang binata.
"Naku po hindi tay! siya pa nga ang tumulong sa akin na makaahon mula diyan!"
"Ganoon ba 'nak?" parang hindi pa rin kumbinsido ang ama.
"Naku si Sir Jay iyan! apo ni Don Franco!" anas ng isa pang lalaki na dumungaw sa loob ng patubigan.
"Siya nga po iyan, siya po ang nakakita sa akin na na trap sa loob, siya din po ang tumulong sa akin na makalabas, 'Tay tulungan muna po nating makalabas si Jay, kanina pa po siya diyan 'tay!", wika ng dalaga.
Agad namang tumalima ang ama at kinausap ang mga kasamahan. May agad na umalis at pagbalik ay may hagdanan na na dala.
At sa wakas ay maingat ding naiahon si Jay mula sa loob ng patubigan.
Habang naglalakad sila pauwi ay ikinuwento ni Kim kung paano siya nag crash landing doon sa loob ng patubigan.
"Pasalamat na lang tayo 'nak na ligtas ka pa din." anas ng ama
Tumango naman si Kim bilang pag-sang ayon dito.
Hinarap din ng ama niya si Jay.
"Iho! maraming salamat at sinamahan mo ang anak ko, at tinulungang makaalis doon, isa itong malaking utang na loob namin sa iyo iho!, magsabi ka lang kung may ipapagawa ka, o may gusto ka, at lahat ay gagawin ko para makabayad sa iyo!"
"Kahit naman sino ho ay gagawin din ang kaparehong ginawa ko, pagkakataon lang talaga na ako ang unang nakakita kay Kim"
Tumango-tango ang ama bilang pag-sang ayon dito.
"Maraming-maraming salamat pa din iho!"
"Walang anuman po iyun, tito!"
Hindi naman nagtagal at nakarating na sila sa Mansiyon. Agad na sinalubong ni Don Franco ang apo.
" Mabuti naman Jay at ligtas ka! bukas na bukas din ay ipapaayos at lagyan ng harang ang patubigan upang hindi na maulit ang nangyaring ito!" , alam na pala ng matanda ang nangyari sa kanila.
"Okay lang po ako, lolo" sagot ni Jay sa lolo nito.
"Magandang gabi po Don Franco! mabuti naman po kung lalagyan na ng harang ang patubigan, kasi naman ay delikado talaga iyun, paano na lamang kung batang paslit ang nahulog doon at mataas ang tubig?" anas ng ama niya.
Tumango-tango ang matanda.
"Sige ho Don Franco tutuloy na kami at lumalalim na ang gabi, maraming samalat ho!" paalam ng ama niya.
Minsan pang nagtama ang mga mata ni Kim at Jay bago tuluyang umalis ang grupo.
Hindi na muling nagkausap ang dalawa ng pauwi na sila, ni hindi man lang nakapagpasalamat si Kim, wala siyang pagkakataon at dahil din halos hindi na siya pakawalan ng ama, hawak-hawak ng ama niya ang kanyang kamay habang naglalakad sila pauwi, wari'y sinisigurado ang kaligtasan niya.
Tanging sulyap lamang ang tanging naibigay ng dalaga sa binata.