TANGHALI nang makaramdam ako ng pagkahilo. Naisipan kong magpahangin sa park upang makalanghap ng sariwang hangin. Kapag lumabis itong nararamdaman ko ay mabuting uuwi na lamang ako para magpahinga. Baka kulang lang ako sa tulog kaya nagkakaganito, wala naman akong ibang nararamdaman na kahit anong sakit sa katawan kundi ang pasulpot-sulpot na panlalabo ng aking paningin. Nakahinga nga ako ng maluwag habang nagpapalipas ng oras dito sa park. Wala kasi akong kausap dahil nasa bakasyon si Brent para samahan si Charm. Bukas na uuwi ang dalawa sa kanilang probinsiya para dalawin ang kanilang ina. Nakakalungkot man na pansamantalang hindi ako masasamahan ni Chantalle sa pagpasok ngunit iniisip ko ay dapat sanayin ko na ang sarili habang maaga pa. Hindi na rin magtatagal ay maghihiwalay na kam

