SA LAW firm building ay maagang nakarating ang dalawa ayon na rin sa kagustuhan ni Jave na pumasok siya ng maaga. Mas ginusto ni Jave ang kanilang privacy kahit sandali lang. Alam niyang nalalapit na silang maghiwalay ni Chantalle at hindi niya iyon mapipigilan. “Bakit ba ang aga naman natin? Wala pa ‘yong sekretarya mo at ibang tao dito sa building,” ani Chantalle na nagtataka. Kahit sinabi na sa kanya ni Jave ay hindi pa rin niya maiwasan ang mag-usisa dito. Lately ay napapansin niyang nais ipahiwatig si Jave ngunit hindi niya alam kung ano ito. Ayaw naman niyang maging assuming dahil nga sa katayuan ni Jave. Hindi bale sa kapatid niyang si Charm ay lumaki ito sa maranggyang buhay at nakatatak na sa kanyang pagkatao ang pagiging anak mayaman. “Para mayroon tayong privacy na mag-usap

