AT SA HINDI maiwasan ng ina ni Jave ang mag-alala sa kalagayan ng anak. Gustuhin man niya ngunit hindi niya maiwan ang mga bagay na kanilang kinakaabalahan. Kaya naman ng kanilang pamilya ang kumuha ng private nurse ngunit wala siyang tiwala sa mga ito. Sa kanilang pag-mamadaling umalis ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad niya itong tiningnan sa bag para sagutin.
Napahugot ng malalim na hininga si Jhona habang mataman na sinusuri ang taong tumatawag. Batid niyang kailangan ni Jave ang buong puso na pag-aalaga dahil sa kalagayan nito. Ngunit biglang lumiwanag ang mukha ni Jhona nang tumawag sa kanya si Dakin. Ngayon ay malalaman niya kung naroon nga ba ito sa hospital para magbantay sa nakakabatang kapatid.
“Dakin, nariyan ka ba sa hospital ngayon?” agarang tanong ni Jhona.
“No Ma, I just got back to my office now.”
“What? Who’s taking care of your brother? Jimmy at home, and you’re in the office, then now you let your brother alone there?”
Tumataas ang boses ni Jhona nang malaman niyang wala pala ito sa hospital. Lalong hindi siya mapakali sa pagkakataong ito at baka bigla na lang may emergency mula sa kanyang anak at hindi nila malaman ang mangyayari.
“Don’t worry Ma, I found someone who could take care of him. At siya ang nagbabantay kay Jave ngayon sa hospital,” ani Dakin.
“Dakin, nagdesisyon ka na mag-isa? Bakit hindi ka man lang komunsulta sa akin bago ka kumuha ng taong magbabantay sa kapatid mo? Alam mo naman na wala akong tiwala sa kahit sinong tao ang mag-aalaga sa kapatid mo!”
Bahagyang napadaing si Dakin sa sakit ng tainga dahil sa pagsigaw ng kanyang ina. Batid niyang tututol ito ngunit iyon lamang ang paraan para magkaroon sila ng katiwasayan sa pag-iisip.
“I know you will against on what I did, ngunit kung ating isiping mabuti ay malaking maitutulong sa atin lalo at pareho tayong abala sa buhay. I can assure you Ma, na mapagkatiwalaan natin ang babaeng kinuha ko, at malaking pagkakautang niya sa akin kaya hindi niya magawang tumanggi sa anumang ipag-uutos natin sa kanya,” masuyong paliwanag ni Dakin.
“Hindi pa rin iyon sasapat para sa akin, buhay ng kapatid mo ang nakasalalay dito, alam mo naman kung bakit ganito ang naging reaksyon ko,” nag-aalangang wika ng kanyang ina.
Hindi pa rin kampante si Jhona sa sinabi ni Dakin dahil may karanasan siya na ayaw niyang maranasan ng tatlo niyang anak. Ganoon na lang ang kanyang pagkadisgusto sa naging pasya ni Dakin at imbes na makipagtalo pa siya ay nagmadali na lamang nila tinungo ang hospital para tiyakin ang kalagayan ni Jave.
NAGING abala si Chantalle sa paglilipit at paglilinis ng mga gamit sa loob ng silid ni Jave. Pinaninindigan niya ang trabahong hindi niya akalaing maging ganito ang takbo ng kanyang buhay. Hindi na rin gumising si Jave o magsalita man lang kahit alam niyang pinipilit lamang nito na manahimik.
Sa buong maghapon ng kanyang buhay ay nakaramdam siya ng pagod. Mula sa kanyang pagtakas sa lalaking mapamantala hanggang mapunta siya sa pamilya ni Jave. Umupo na lamang siya upang magpahinga ng sandali sa tabi ni Jave, ngunit ang hindi niya mapigilan ang mga matang pumikit dahil sa pagod.
At sa pagpasok naman ng ina ni Jave ay bumungad sa kanya ang isang tulog na babae. Nakaupo na nakadapa sa gilid ng kama ni Jave. Hindi mapigilan ni Jhona ang mamaywang na nilapitan ang babae dahil sa naabutang sitwasyon.
Marahan niya itong tinapik para gisingin ngunit tila mantikang tulog si Chantalle dahil sa pagod na kanyang naranasan sa araw na iyon.
“Hoy…gising!” Nilakasan ni Jhona ang pagyugyog sa balikat ng babae dahil hindi ito nagising sa ilang beses niyang pagtawag dito. Ayaw naman niyang lakasan ang boses dahil natitiyak niyang maka-istorbo ito sa pagpapahinga ng anak.
Napamulat si Chantalle sa malakas na pagyuyog sa kanya, dahil sa lutang pa ang isipan niya ay inakala niyang nurse at doctor ang kanyang kaharap. Agad siyang napatayo at hinarap ang mga ito na walang kamuwang-muwang.
“Doc, kayo pala!” Bahagya niyang nginitian ang dalawa sa pag-akalang doctor at nurse ang kanyang kaharap dahil sa parehong puti ang suot ng mag-asawa. Nagkataon kasi na iyon ang suot ng dalawa dahil papasok sila sa trabaho.
Tumaas ang kilay ni Jhona na tinitigan si Chantalle mula ulo hanggang paa. Ang buong akala niya ay matino ang nakuha ni Dakin na siyang mag-aalaga kay Jave. Iyong taong may pinag-aralan pagdating sa pag-aalaga ng may sakit ngunit lalo siyang nabahala sa nasaksihan dahil mas mababa pa pala sa kanyang inaasahan.
“Hindi kami mga doctor at nurse kung iyon ang inaakala mo. Anong pangalan mo at saan ka napulot ng anak ko?” mataray na tanong ni Jhona.
“Honey, hinaan mo lang ang boses mo at baka marinig tayo ng anak natin!” awat naman ni Darius sa asawa.
Tila nagising si Chantalle sa narinig mula sa dalawang tao na kanyang kaharap. Bigla siyang napaayos ng tayo at binati niya ang mga ito sabay hingi ng patawad sa naging asal.
“Ma’am, ako nga pala si Chantalle at sorry po kung naabutan niyo akong nakatulog, ang lamig po kasi dito sa loob ng silid ni sir kaya hindi ko napigilan ang antok,” nahihiyang wika ni Chantalle.
“Anong uri ka ng tagapag-alaga ng may sakit kung natutulog ka sa pansitan? Ano ba ang nakita ni Dakin sayo at ikaw pa ang napili niya para alagaan ang anak ko?” maanghang na tanong ni Jhona.
Una pa lang ay labag na sa loob niya ang magkaroon ng ibang tao na magbabantay sa anak. Pagdating sa kapakanan ng anak ay metikolosa na itong si Jhona kung kaya nang makita niya si Chantalle ay lalong bumaba ang kanyang pagtingin dito.
Natulala si Chantalle sa sobrang pagkabigla dahil inakala niyang ganoon kadali na tanggapin siya ng mga tao sa paligid katulad na lang sa agarang pagtulong ni Dakin sa kanya. Hindi lang pala iisang tao ang kailangan niyang unawain kundi lahat sa pamamahay ng kanyang magiging amo.
“Ma’am simpleng tao lamang ako na nagnanais na magkaroon ng marangal na trabaho,” mahinang sagot ni Chatalle.
“Okay, I understand pero ano ang tinapos mo para karapat-dapat ka na mag-alaga sa anak ko? Alam mo bang hindi lang simpleng may sakit ang aalagaan mo? Anong alam mo sa pag-aalaga ng may mga ganitong kundisyon?” sunod-sunod na pag-uusisa ni Jhona.
Sandaling napa-isip si Chantalle sa pwedeng isagot sa ina ni Jave. Ayaw na niyang makipagsapalaran sa iba dahil natatakot na siyang danasin muli ang kamakailan lamang na panamantala ng ibang tao sa kanyang pagka-inosente.
Biglang sumagi sa kanyang isipan ang bagay na nais ng kanyang kapatid noong maliit pa sila. Palaging sambit noon ang maging tagapag-alaga ng may sakit. Ngunit naging hamon sa kanya kung ano ang tawag ng kursong iyon sa salitang banyaga. Nagkataon naman nang narinig niya ang mga babaeng dumaan mula sa labas ang salitang care giver kaya iyon kaagad ang pumasok sa kanyang isipan.
“Tapos po ako ng care giver, ma’am, ngunit kung hahanapan mo ako ng dokumento ay ipagpaumanhin niyo dahil nasunog ito nang masunog ang aming bahay sa probinsya.”
Tila na-guilty si Chantalle sa kanyang pagsisinungaling ngunit iyon lamang ang tanging paraan para magkaroon ng pag-asa na hindi siya mapatalsik sa bagong trabaho.
NAPASUGOD naman si Dakin sa hospital matapos niyang makausap ang ina sa phone. Alam niya kung gaano kaselan ng ina sa mga makakasama sa bahay. Sa kanyang pagdating sa silid ni Jave ay nakabukas ang pinto kaya pumasok na lamang siya. Doon nakita niya ang ina na seryosong kausap si Chantalle.
Dali-dali niyang inihamba ang sarili sa gitna at marahan na itinulak ang ina palabas. Kasabay noon ay sumenyas siya sa ama na sumunod sa kanila. Nang makalabas na sila sa silid ay saka niya binalingan si Chantalle sa loob at kinawayan na samahan sila sa labas para doon mag-usap.
“Dakin, anong kalokohan ito ha? Saan mo napulot ang babaeng iyan? At ngayon pinalabas mo pa kami para dito mag-usap, hindi ba dapat sa loob tayo para mayroon tayo ng privacy?” galit na tanong ni Jhona sa anak.
Hindi niya alam na nakakapagsalita na ang anak at ang tanging nais ni Dakin ay ang iwasan na bigyan ng kalungkutan ang kapatid. Alam niyang hindi maganda ang maging epekto kay Jave kung marinig nito ang kanilang pagtatalo.
“Ma, I’m sorry, ngunit nagising na si Jave at nakakapagsalita na kaya ayaw ko lamang na marinig niya ang lahat ng ating pag-uusapan,” paliwanag ni Dakin.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Jhona at unti-unting bumaba ang kanyang mataas na tempertatura ng kanyang dugo dahil sa nararamdamang galit o pagkaka-inis. Maalala niya noong nag-usap sila ni Jimmy sa tabi nito ay biglang tumigil ang t***k ng puso ng anak.
“Oh’ thanks God!” mahina niyang sambit.
“Kaya nga ako bumalik uli dito dahil nag-aalala ako sa kanya at baka makalimot ka sa sarili. Hayaan mo sana itong si Chantalle na ipakita ang kanyang kakayahan na alagaan ang kapatid ko dahil katulad niya ay kailangan niya rin ng trabaho at mabuhay,” mahinahong wika ni Dakin sa ina.
“Dakin is right Honey, sa tingin ko sa kanya ay maaasahan natin siya. Hindi lahat ng tao ay pare-pareho sa mga naranasan mo noon. Let her, at baka siya pa ang mas makaktulong sa atin,” sang-ayon naman ni Darius.
Hindi kumibo si Jhona sa sinabi nila at bagkus tumalikod ito at bahagyang lumayo sa kanila. Nakatanaw ito sa malayo na tila ba nag-iisip. Umaasa naman si Dakin na sana hind imaging balakid ang ina sa nais niya dahil kay Chantalle lamang niya naramdaman ang pagiging makatotoo nitong tao.