Chapter 6

1613 Words
HUMUPA ang nararamdaman ng bawat isa nang sapilitang pumayag si Jhona sa nais mangyari ni Dakin, ngunit mahigpit niyang pinaalalahanan si Chantalle na pagbubutihin ang pag-aalaga sa kanyang anak. Mariin din niyang binalaan ang dalaga na magmatyag pa rin siya kahit anong abala nito sa kanilang negosyo. “Huwag po kayong mag-alala ma’am, gagawin ko po ang naayon sa iyong kalooban. Malaki ang pagkakautang ko kay sir Dakin hindi lang pera kundi sa pagiging mabuti niya sa akin,” malumanay na pangako ni Chantalle. Napangiti naman si Darius dahil ramdam niya ang pagiging totoo ni Chantalle. Nakikita niya sa mga mata ng dalaga ang pagiging sensero sa mga sinsabi, ganoon na rin si Dakin na siyang unang nagtiwala sa dalaga. “Ayusin mo ang iyong trabaho at kapag hindi mo nagampanan ay agad kitang paalisin!” mariing wika ni Jhona. “Makakaasa po kayo ma’am!” patangong tugon ni Chantalle. Bahagya siyang napangiti nang bigyan siya ng pagkakataon kahit medyo masungit ang ang ina ng kanyang aalagaan. Para sa kanya ay bahagi lamang ito ng kanyang paglalakbay sa paghahanap ng nawawalang kapatid. Matapos nilang magkasundo sa mga bagay-bagay ay pumasok ang mag-asawa para kausapin ang anak. Bumalik naman si Dakin sa kanyang opisina nang matiyak na wala na siyang dapat alalahanin. Samantala dumating naman si Jimmy sa hospital pagkatapos niyang magawa ang video para sa kanyang daily routine. Agad na binuksan ni Chantalle ang pinto nang may kumatok, ngunit nagulat siya sa isang lalaking dere-deretsong pumasok na wala man lang imik nang makita siya at bagkus nilagpasan lamang siya nito. “Sir…sir sandali lang, sino ho ang hinahanap mo?” agarang tanong ni Chantalle. Iniisip niya na pribadong silid ito at tanging kamag-anak lamang ang pinapayagang makapasok. Napahinto ang lalaking tinawag niya at tinitigan siya nito na may mapanudyong ngiti. “Ano ‘yon miss? Paki ulit nga ng sinabi mo?” pa-inosenteng tanong ni Jimmy. “Sino ho ang hinahanap mo? Ngayon pa lang kita nakita dito, nais ko lang makaksiguro sa mga taong pumapasok sa pribadong silid na ito,” tugon niya dito sabay harang kay Jimmy. “Ahm, hinahanap ko ang katulad mo, ‘yong tipong tanga at walang alam sa mundo,” ani Jimmy. Walang idea si Jimmy kung sino ang babaeng kaharap niya at hindi siya nakikilala. Sa kanyang kasikatan sa larangan ng online vlogger ay halos mga babaeng nasa pareho niyang henerasyon ay kilala siya. Nang mahimigan ng mag-asawa ang dalawa ay kaagad nilang sinuway si Jimmy. Alam nilang mahilig manudyo si Jimmy ng mga babaeng inosente. “That’s enough Jimmy, huwag mo siyang itulad sa mga babaeng nakilala mo sa siyudad,” wika ng kanyang ina. “Oh’ sorry Ma, sino ba kasi itong babae at saan bang planeta ito galing?” “Ang Kuya Dakin mo ang kumuha sa kanya para mag-alaga sa Kuya Jave mo,” sagot naman ng kanyang ina. “Oh’ mabuti naman kung gano’n pero bakit hindi siya nakasuot ng uniform ng mga private nurse?” muling tanong ni Jimmy . Nagtataka lamang siya sa simpleng suot ni Chantalle, sa kanyang pagkakaalam ang mga nurse din dito sa pribadong hospital ang nagsisilbi sa mga gustong kumuha sa kanila. Ngunit kakaiba sa lahat si Chantalle dahil sa kanyang tingin ay walang itong alam gawin when it comes to take care of patients. “Pagpasensiyahan niyo na at hindi talaga ako private nurse, isa lamang akong simpleng care giver,” sabat ni Chantalle. “Ha? Bakit kumuha si Kuya ng ganitong klase para mag-alaga kay Kuya Jave?” “Sshh… tama na iyan Jimmy, we already talk about it. Samahan mo na muna ang Kuya mo dito at papasok muna kami ng Papa mo sa factory,” ani Jhona. “Sige po Ma, ngunit aalis din ako mamaya para makipagkita sa kaibigan ko na may dala ng produkto na aming iniindorso,” tugon niya dito. "Naku, ikaw talaga na bata ka wala ka ng inaatupag na iba kundi iyang pansarili mong libangan." Napailing na lang si Jhona sa anak, mula lang na makatapos ito sa pag-aaral ay mas inuuna pa ang pagiging online celebrity kaysa atupangin ang profession na pinag-aralan. Nang makaalis ang mag-asawa ay naiwan ang dalawa na may kaunting ilangan sa isa't isa. Ngunit walang ibang naisip si Jimmy kundi ang utusan si Chantalle sa mga pansariling pangangailangan. "Miss, ano nga pangalan mo ulit?" tanong ni Jimmy. "Chantalle," sagot naman ng dalaga. "Okay, Chantalle, may ipag-uutos ako sayo habang tulog pa ang Kuya Jave ko," anito. "Ano iyon sir?" "Ibili mo nga ako ng pagkain sa labas, nagugutom kasi ako eh!" utos ni Jimmy na hawak pa nito ang tiyan. Inabot nito ang pera kay Chantalle na siya namang walang kaalam-alam sa pagbili sa labas. "Y-Yes...sir!" nag-aalangan niyang tinanggap ang pera. Lumabas na si Chantalle matapos masabi ni Jimmy ang nais nitong ipagbili sa labas. Kampante naman siya sa pag-akalang alam ng dalaga ang lugar na kanyang sinabi. "Jimmy... Jimmy!" mahinang tawag sa kanya. Napalingon siya sa gulat dahil hindi niya alam na gising na ang nakakatandang kapatid. "Kuya, gising ka na pala?" gulat na tanong ni Jimmy. "Jimmy, pasuyo akong tawagan si Brent, nais ko siyang makausap!" hiling ni Jave sa kapatid. "Yes Kuya!" Aligaga namang kinuha ni Jimmy ang kanyang phone sa bag para tawagan ang kaibigan ng Kuya na isa ring abogado. Nang sagutin ng kaibigan ni Jave ang tawag ni Jimmy ay kaagad niyang itinapat sa tainga ng kanyang Kuya Jave para makapag-usap ang dalawa. Simula nang maaksidente ang kanyang Kuya ay alam niyang marami itong nakabinbing trabaho kung kaya hinayaan niyang makausap ang kaibigan. Samantala sa labas naman ay naglalakad si Chantalle patungong restaurant na pagbibilhan niya ng pagkain para kay Jimmy. Nilakad na lamang niya para hindi siya maligaw sa paghahanap nito. Hindi pa siya gaanong bihasa sa Maynila kung kaya't maya't-maya ang kanyang tanong sa nakakasalubong na tao. Narating niya ang naturang restaurant sa lakas ng loob na kaya niyang lagpasan ang mga simpleng hamon sa kanya. Alam niyang walang imposible sa taong marunong dumiskarte at may pagsusumikap. Agad niyang binili ang mga gustong kainin ni Jimmy, maigi na lang at isinulat niya sa papel ang order niyon para hindi niya makakalimutan. "Hays... Salamat naman at nabili ko na rin at sa wakas makakabalik na ako sa hospital nito," wika niya habang naglalakad palabas. Nang makarating siya sa pintuan ay mayroon isang tao ang umagaw sa kanyang atensyon. Mula sa pintuan ng restaurant ay natanaw niya ang tao na may hawak ng isang supot. Bahagya siyang lumapit dito at mataman na tinitingnan ang tattoo na nakita niya sa palapulsuhan nito. Muling bumalik sa kanyang alaala ang mahigit sampung taon na pagkawalay ng kapatid. Hindi niya malilimutan ang tattoo ng lalaking dumukot sa kapatid. Isang agila na may nakatusok na palaso sa ulo nito ang kanyang nakitang tattoo, bagay na hindi niya makakalimutan. Iyon lamang ang palatandaan niya sa taong kumuha sa kapatid. Biglang lumakas ang t***k ng kanyang dibdib sa pagkakataon iyon. Hindi nawalan ng pag-asa si Chantalle na mahanap ang kapatid kahit may mababang porsyento lamang na buhay pa umano si Chara. Dali-dali siyang lumabas sa pagnanais na makita ang mukha ng lalaki. Ngunit ang tao naman na nais niyang makita ay may layo na sa kanya ng sampung metro. Umalis na ito sa kinatatayuan at mabilis na naglakad papalayo sa kanya. Hindi siya nagdalawang isip na sundan ang lalaki kahit saan pa man ito mapunta. Nagpatuloy siya sa pagsunod sa lalaki hanggang sa hindi niya alintana na napalayo na siya sa lugar na kanyang dinaanan. Napalingon siya sa kanyang pinagmulan at sa pagtingin niya sa lalaki ay bigla na lang ito nawala sa kanyang paningin. Doon siya natauhan nang hindi na niya alam kung paano makabalik sa hospital. Dahil sa bugso ng kanyang damdamin ay nalagay siya ngayon sa alanganin. Bihira ang mga taong dumadaan sa lugar kung saan siya nakarating kaya naman kinabahan siya. "Hala, paano ako makakabalik nito?" tanong niya sa sarili. Napakamot siya sa ulo at sinubukang bumalik sa kanyang dinaanan. Pinilit niyang hanapin ang iskinitang pinagmulan at ang lugar na maraming tao para makapagtanong siya sa mga ito. Tagaktak ang kanyang pawis sa pagmamadali dahil padilim na ang paligid. Natitiyak niyang mapapagalitan siya ni Jimmy dahil sa matagal siyang nakabalik. Nang makarating siya sa mataong lugar ay doon siya nagsimulang magtatanong ngunit bigla siyang napahinto. Hindi niya kasi maalala kung anong pangalan ng hospital. Tila nanlambot siya sa bagay na iyon kung bakit hindi niya natandaan. Napaupo siya sa gater ng kalsada at nag-iisip sa dapat gawin. Saka lamang niya naalala ang agency na pag-aari ni Dakin kung saan siya unang napadpad. Ngunit napabilang siya sa natitirang pera na hawak niya para sana ay pambayad sa taxi na maghahatid sa kanya roon. Muli siyang napabuntong hininga dahil bente pesos na lamang ang sukli sa binili niyang pagkain. Tila pulubi siyang nakaupo sa gilid ng kalsada. Walang katiyakan kung makakabalik pa ba siya sa mga amo o matutulog siya ngayon sa daan. Ngunit nagulat siya sa isang sasakyan na pumarada sa kanyang tapat. Sa kanyang hiya ay napayuko siya imbes na humingi ng tulong para maihatid siya nito. "Miss, may maitutulong ba ako sayo?" tanong ng isang matandang babae. Napaangat siya ng tingin dito at tila hindi pa huli sa kanya ang pagkakataon na makabalik sa pinanggalingan ngunit bigla siyang kinabahan baka kung may anong mangyari sa kanya. Minsan na siyang naloko nang alukin ito ng tulong. Sa kanyang takot ay dahan-dahan siyang tumayo at inihanda ang sarili para tumakbo. Kumaripas siya ng takbo papalayo sa matandang babae na nag-alok ng tulong. Ayaw na niyang danasin ang maloko at baka may mas malala pang mangyayari sa kanya. "Miss... Miss!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD