Chapter 7

1424 Words
PALAKAD-LAKAD si Jimmy na nakatanaw sa hallway ng hospital habang kausap ang kaibigan. Panay ang hingi niya ang paumanhin rito nang hindi siya makarating sa kanilang tagpuan dahil hanggang dumilim na lang ang paligid ay hindi pa bumabalik si Chantalle. Ang kaninang gutom na nararamdaman ay napalitan ng inis at galit dahil malaking abala sa kanya ang naging dulot nang hindi agad nakabalik ang dalaga. Hindi niya maiwan ang nakakatandang kapatid dahil natitiyak niyang mapapagalitan siya ng ina. Nagtataka lamang siya kung bakit ang tagal ni Chantalle nakabalik dahil limang iskinita lamang ang layo nito sa hospital. At sa kanyang pagsasalarawan sa lugar ay imposibleng maligaw iyon dahil iisang lugar lang nasasakupan nito. “Sige na Bro, hintayin mo na lang at baka mamaya-maya ay nariyan na,” ani Zeggy na kausap niya. “Salamat sa pang-unawa mo Bro, hayaan mo at tatawag ako kaagad kapag dumating na siya,” tugon naman ni Jimmy. Marahas na napabuntong-hininga si Jimmy matapos niyang maibaba ang tawag kay Zeggy. Nababanaag sa kanyang mukaha ang galit dahil sa perwesyong inabot niya. Ngunit bigla niyang naisip na baka naligaw nga iyon kaya hindi nakabalik. Akma siyang papasok sa loob ng silid ni Jave nang dumating naman si Chantalle na malungkot ang pagmumukha. Napatigil si Jimmy at pumaywang na hinarap ang dalaga at hinintay niya itong makalapit sa kanya. “Ikaw na babae ka bakit ngayon ka lang?” galit na tanong ni Jimmy. “S-Sir, pasensiya ka na,” tanging tugon ni Chantalle. Hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag sa binata ang sinapit sa daan. Ang buong akala niya ay hindi na siya makakabalik nang abutan ng dilim sa daan. “Iyan lang ba ang masasabi mo sa akin? Alam mo ba na halos mamatay na ako sa gutom at pati ang nakatakda kong pakikipagkita sa kaibigan ay naperwesyo mo pa. Saan ka ba nakarating at ngayon ka lang?” “Kasi…” Halos ayaw bumuka ang bibig ni Chantalle para magpaliwanag sa binata. Ramdam pa niya ang kaba na hindi pa rin humuhupa. “Tama na iyan Jimmy!” Napaangat ng tingin si Jimmy sa likuran nang biglang nagsalita si Dakin na nakasunod kay Chantalle. Doon ay nagtaka si Jimmy kung bakit magkasama ang dalawa. Ang pagkakaalam niya ay nasa office ang kanyang Kuya. “Kuya?” “Bakit hindi na lang ikaw mismo ang pumunta doon para kumain, total ang sabi mo makikipagkita ka sa kaibigan mo? Hindi mo ba alam kung ano ang nangyari sa kanya sa labas? Kinuha ko siya para bantayan ang kapatid natin, hindi para utusan mo sa pansariling kapakanan!” Hindi nakaimik si Jimmy sa sinabi ni Dakin, ang simpleng utos niya ay naging mitsa para makalikha ng hindi pagkakaunawaan nilang magkapatid. “Kuya hindi naman malayo mula rito ang lugar na pinapapuntahan ko sa kanya ngunit hindi ko lang alam kung bakit hindi siya kaagad nakabalik,” mahinang paliwanag ni Jimmy. “She’s new in this place, hindi niya kabisado ang Maynila. Hindi ka lang niya matatanggihan sa mga ipag-uutos mo dahil iniisip niya ang trabahong pinagkasunduan naming,” ani Dakin. Kung ano man ang mangyari kay Chantalle ay sagutin ni Dakin ang lahat kaya naman iniiwasan lamang niya ang masangkot sa anumang isyu. Kapakanan niyang panatilihin ang siguridad ng dalaga hindi dahil sa perang niluwal niya kundi dahil sa awa, alam niyang may pangangailangan din ito sa buhay. “Sorry Kuya!” “Ako dapat ang humingi sa inyo ng paumanhin dahil naging pabaya ako, sana hindi na ako nagpadala sa bugso ng damdamin,” sabat ni Chantalle. “Sa susunod mag-ingat ka na at ayaw ko na maulit pa ito!” mariing wika ni Dakin. Napatango si Chantalle sa sinabi ni Dakin ngunit tila isang panaginip lamang iyon para sa kanya. Hindi niya dapat madaliin ang mga bagay-bagay tungkol sa kanyang kapatid. “Jimmy, maiwan ka muna sandali rito at ihatid ko lang sa bahay si Chantalle para makaligo at maihatid na rin ang mga gamit niya sa bahay.” “Yes Kuya, hintayin ko ang pagbabalik niyo dahil magkikita pa kami ni Zeggy,” tugon naman niya. “Huwag na huwag mong iwan ang kapatid natin dahil mananagot ka sa akin kapag pagbalik namin ay wala ka rito,” mariin bilin ni Dakin. Tinanguan na lamang ni Jimmy ang Kuya para matapos na ang panenermon nito sa kanya. Makakagalaw lamang siya ng maayos kapag makauwi na ang Kuya Jave niya sa kanilang tahanan. SA PALIPARAN ay lumapag ang isang eroplano mula sa America lulan nito ang mag-asawang Carina at Damian at ang nag-iisang anak na si Charm. Nagpasya na ang mag-asawa na manatili sa bansa ngayong tapos na ng pag-aaral si Charm sa secondary. Nilihim nila sa kapatid na si Darius ang pagbabalik bansa para surpresahin ang mga ito. Matagal na rin ang panahon na huli silang nagka-usap dahil na rin sa sobrang abala ni Damian, sa pagpapagaling ng asawa sa trauma na naransan noong nawala sa karagatan si Charm. “Mom, Dad, excited na akong makita ang mga pinsan ko!” nakangiting wika ni Charm. Walong taon lamang siya noon na huling nakasama ang mga pinsan kaya naman sabik siyang makita ang mga ito. Dahil sa nag-iisa siyang anak at ang mga pinsan na lamang niya ang kanyang nagustuhang makasama naalala pa niya na palagi siyang pinoprotektahan sa mga ibang bata na mambully sa kanya. “Yes sweetheart, makakasama mo na rin sila, and take note ha’ hindi ka na mawawalay pa sa kanila. “Yehey… thanks Dad!” Laking tuwa ni Charm dahil tinupad ng kanyang ama ang matagal ng hiling. Naging malungkot siya sa America dahil aral at bahay lamang ang kanyang naging routine sa loob ng sampung taon na pamumuhay roon. “Halina kayo at naghihintay na ang taxi sa atin!” tawag ni Carina sa mag-ama. Masayang sumakay ang mag-anak patungo sa kapatid nito na nais nilang surpresahin. Ngunit lingid din sa kanilang kaalaman ay mayroong pangyayaring hindi nila alam sa kasalukuyan. ABALA NAMAN sina Jhona at Darius pauwi matapos nilang magawa ang mga huling batch sa malaking order sa kanila. Napagpasyahan na nilang mag-asawa na dumaan muna sa hospital bago tumuloy sa kanilang tahanan. Pagdating nila sa hospital ay naabutan nila ang tatlo na pauwi na. Si Chantalle ang maiiwan na magbantay kay Jave habang nagpapagaling pa ito. “Oh’ Dakin, Beng, kanina pa ba kayo rito?” tanong ni Darius. “Si Dakin po Pa ay kanina pa nandito dahil hinatid niya muna si Chantalle sa bahay para makapaglinis ng sarili. Sumunod na rin ao rito nang tawagan ni Dakin,” sagot ni Beng na asawa ni Dakin. “Ah mabuti naman kung gano’n! Siya nga pala naghapunan na ba kayo?” “No Ma, I think better if we dinner together,” anyaya naman ni Beng. “That sounds good!” nakangiting sambit ni Darius. Nagtungo sa restaurant na malapit sa kanilang tahanan ang mag-anak para doon maghapunan. Nakagawian na ng pamilya ang ganoon dahil pareho silang abala sa kani-kanilang trabaho at wala ng oras para magluto sa kanilang pamamahay. Nang makarating sila sa naturang restaurant ay hindi sinasadyang maglandas ang dalawa sa hindi inaasahang pagkakataon. Agad na nakita ni Darius ang kapatid na kausap ang waiter habang um-order na pagkain. Nilapitan niya ito para tiyakin na tama ang kanyang nakita ar hindi lamang namamalikmata. “Damian is that you?” gulat na tanong ni Darius. Hindi magkandamayaw ang magkapatid at niyakap ang isa’t-isa sa pananabik. Ang nais nilang sorpresa ay binuking ng panahon at sila ang nasurpresa nang magkita. “Kuya Darius, sobrang na miss ko kayo,” bulong nito habang yakap ang nakakatandang kapatid. "Uncle Darius!" malakas na tili ni Charm. "Charm, ang laki na ng pamangkin ko!" Nagyakapan naman sina Jhona at Carina dahil sa wakas ay nagkita silang muli. Ang kanilang simpleng hapunan ay napunta sa isang malaking celebration. Hindi pa naitanong ng kapatid ay kaagad na sinabi ni Darius ang sinapit ng pangalawang anak niya. Matinding gulat ng mag-anak sa nangyari lalo na si Charm na sabik pa naman makita ang mga ito. "Saang hospital po naka-confined si Kuya Jave, Tito? Is he okay now?" malungkot na tanong ni Charm. "Sad to hear that! Kung maaari gusto namin siyang madalaw," ani Carina. "Ang mabuti pa at magpahinga muna kayo, bukas na lamang kayo dumalaw," sagot naman ni Darius. "Oo nga, mas maigi para hindi na tayo makaka-istorbo sa pagpapahinga nito," sang-ayon naman ni Damain. Iyon na ang napagkasunduan nila ng gabing iyon. Hindi na rin pinilit ni Charm dahil may punto ang kanyang Daddy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD