NAKATITIG si Chantalle kay Jave na natutulog habang ang kanyang isip ay sa nangyari sa kanya sa labas. Napangiti siya na binalikan ang alaala nang magtatakbo sa daan. Mabuti na lang at may taxi siyang nakasalubong at naglakas loob na magpahatid sa station ng pulis para hindi na maloko ng masasamang tao.
Malakas rin ang kanyang paniniwala na nakatakda siya para alagaan ang taong nasa kama nakaratay. Napatayo si Chantalle at lumapit kay Jave, mariin niyang tinitigan ang binata nang mapansin niyang may aking kagwapuhan ito.
Kahit balot ang mga binti at kamay sa bindahe ay lumulutang pa rin ang magandang anyo ng binata. Ngunit napakunot ng noo si Chantalle nang maalala ang malamig na pakikitungo nito sa kanya. Alam naman niya dahil ito sa sitwasyon ng binata ngunit may malalim itong rason kung bakit nagbabago ang pag-uugali ng tao.
Katulad na lang ng kanyang ina na pilit niyang inuunawa dahil sa depression nito noong mawala ang kapatid. Sa kanyang pagtayo sa harap ni Jave ay biglang naimulat ng binata ang mga mata dahil ramdam niya na may taong nakatingin sa kanya.
Nagkasalubong ang kanilang mga tingin at sa gulat ni Chantalle ay nataranta siya kung ano ang damputin para lamang makaiwas sa mga nais itanong ng binata.
“Why are you staring at me while I’m sleeping?”
“Huh! H-hindi naman sir, nagkataon lang na naabutan mo akong nakatingin sayo nang sinusuri ko ang swero na nakakabit sayo. Paubos na ito kaya binabantayan ko para tawagin ang nurse kapag kailangan ng palitan,” paliwanag naman ng dalaga.
“Dumestansiya ka sa akin dahil ayaw kong makita ka, I mean ayaw kong makakita ng isang babae maliban sa ina ko.”
Kasabay niyon ay ang pagpikit ni Jave sa kanyang mga mata. Hindi niya ninanais ang makakita ng kahit sino na babae maliban sa kanyang ina. Marahil ay sanhi ito ng kanyang pagkabigo sa pag-ibig nang iwanan siya ng kasintahan si Sophie.
Napaatras na lang si Chantalle at kibit-balikat na pinagmasdan ang kausap na tuluyan ng nagpahinga. Bumalik na lang siya sa inuupuan at bigla niyang naalala ang mobile phone na binigay sa kanya ni Dakin sakaling kakailanganin niya kapag emergency.
Binuksan niya ito at pinag-aralan dahil hindi siya marunong gumamit ng bagay na ito. Naisip niyang malaki ang maitutulong nito sa kanya sa paghahanap sa kapatid. Bukod pa doon ay makakausap niya ang ina na naiwan sa probinsiya.
Iniwan niya sa kapitbahay ang pangangalaga sa ina habang siya ay nasa malayo. Pangako niya rito ay uuwi na kasama ang kapatid para tuluyan na itong gumaling sa sakit.
KINABUKASAN ay dumating ang magulang ni Jave sa hospital na kasama ang kapatid nito. Nais rin dumalaw ng buong mag-anak para makita ang sitwasyon ng kanyang pamangkin. Lalo na si Charm na naging malungkot sa nangyari sa pinsan.
Pagpasok nila sa silid ni Jave ay nauna si Charm na lumapit kay Jave na nakaratay sa kama. Napatakip siya sa kanyang bibig nang masilayan ang pinsan na balot ng bendahi sa buong katawan.
“Kuya… Kuya, kumusta ka na? Nandito na ako at namimiss ko kayo ni Jimmy,” malumanay niyang wika.
Nakatingin lamang si Chantalle sa mga bisita na dumating, wala man siyang idea kung sino ang mga ito ngunit natitiyak niyang kabilang ito sa pamilya ng kanyang aalagaan. Ngunit natuon ang kanyang pansin sa dalagang lumapit kay Jave.
Kung kanyang ikukumapara ay halos kaedad na ito ng kanyang kapatid na nawala. Napangiti siyang pinagmasdan ang dalaga habang kinakausap niya si Jave. Ngunit may saya siyang nararamdaman sa dalaga. Marahil ay sabik lamang siyang makita ang kapatid.
Naimulat naman ni Jave ang mga mata at patuloy na pinapakinggan ang boses na kanyang naririnig. Agad naman na kinausap ni Damian ang pamangkin nang makita niyang nagising na ito. Doon lamang nakilala ni Jave ang tiyuhin na nasa Amerika.
“Tito, kailan pa kayo umuwi ng bansa?”
“Kahapon lang hijo. Magpagaling ka para makabalik ka na sa normal mong buhay,” ani Damian.
“No, Tito, wala na ang tinatangi mong pamangkin,” tugon naman niya.
“Charm, pinsan ko nahihiya akong makita niyong ganito ang aking kalagayan. Wala na ang Kuya mo at hindi na kita maipagtatanggol. Wala na akong silbi ngayon, hindi na ako magigingg hero mo magpakailanman pa man,” turan niya sa pinsan.
“Kuya , huwag mong sabihin ‘yan. Gagaling ka pa at nandito kami para tulungan kang makabangon uli,” ani Charm.
“Wala na akong pag-asa. Sa sinapit ko ay baldado na ako habang-buhay,” patapos na sagot ni Jave.
“Basta Kuya, sasamahan ka namin kahit ano pa ang nangyari sayo dahil mahal ka namin.”
Marahan niyang hinaplos ang ulo ni Jave para pagaanin ang nararamdaman ng pinsan. Malaki ang pinagbago ng kanyang pinsan dahil ang alam niya ay matapang at puno ng positive thoughts ito noon. Hindi na muling nagsalita si Jave at pinikit ang mga mata na tila umiiwas sa pakikipag-usap.
“Hayaan na lang muna natin ang pinsan mo sweetheart, unawain na lang natin ang kanyang nararamdaman dahil hindi madaling tanggapin ang kanyang sitwasyon ngayon,” ani Damian.
“Yes Dad.”
Mayamaya ay napukaw ang kanilang pag-uusap nang dumating ang nurse. Kinausap nito ang magulang ni Jave para ipaalam na pinapatawag sila ng doctor tungkol sa kondisyon ng anak. Agad naman nagpaalam ang mag-asawa sa sa kanila para alamin ang balita mula sa doctor.
Samantala ay sinubukan ni Chantalle ang kausapin si Charm dahil naaaliw siya rito. Bukod pa sa sabik siyang makita ang kapatid ay naisip niyang ito muna ang kakaibiganin dahil wala pa siyang naging kaibigan sa pamilya ni Jave.
“Ma’am maupo muna kayo!” wika ni Chantalle na turo ang sofa sa silid ni Jave.
“Yeah, thanks!”
Napangiti si Chantalle dahil hindi ito masungit na kanina lamang ay inakala niyang hindi siya bigyan ng pansin ang mga katulad niya. Maliban na lang sa ama nito na masyadong protektado sa anak. Napapansin kasi niya ang pagiging mahigpit nito kahit hindi nagsasalita. Nahahalata lamang niyasa mga galaw ni Damian at kakaiba ng expression ng mukha nito kaysa sa kapatid.
“Anong pangalan mo? Ano ang tungkulin mo sa pamangkin ko?” seryosong tanong ni Damian.
Tila kinikilatis siya nito at pati ang pananatili niya sa hospital ay tinatanong nito. Katulad ni Jimmy ay mababa ang tingin sa kanya dahil lamang sa anyong at kasuotan niya.
“Chantalle po, ako ang kinuhang tagabantay kay sir Jave,” mahinang tugon ni Chantalle.
Napatitig sa kanya si Damian mula ulo hanggang paa. Inaasahan naman niyang ito ang maging reaksyon sa kanya. Ngunit paano nga ba niya mababago ang pagtingin ng iba sa kanya?
SA OPISINA ng doctor ay kinakabahan si Jhona sa maaaring sabihin ng doctor. Umaasa pa rin siyang makakarecover ang anak sa sitwasyon kinasasadlakan ngayon.
"Mr. and Mrs Bautista, pinatawag ko kayo para sa isang mahalagang balita at paalala. Ang inyong anak ay nagising na ngunit sixty percent ang chance niyang makalakad muli. Iyon ay kung maalagaan siya ng husto at sundin ang mga ipagbibilin ko sa inyo," wika ng Doctor.
"Yes we are willing to do Doc, basta tuluyan lamang na gumaling ang aming anak," sagot naman ni Jhona.
"All right, sa susunod na araw ay maaari niyo na siyang maiuwi para sa kanyang mabilisang pagaling. Nakausap ko siya kanina at iyon din ang kanyang hiling. Although malakas na rin siya maliban na lang sa mga organ na apektado but medicine will help him to cure it!"
"Thanks God!"
Napahugot ng malalim na hininga si Jhona sa narinig. Mas kampati siyang sa bahay ang anak ng sa gano’n ay masubaybayan niya ang pag-aalaga sa anak.
"Salamat Doc!" Masayang tinanggap ni Darius ang ibinigay na papeles ng doctor para sa kanilang discharge.
Ito na ang simula para muling maayos ang takbo ng kanilang pamilya. Ang bigyan ito ng suporta kahit sa kabila ng kapansanan nito.