“EAT FIRST BEFORE WE TALLK!” Pinag-order niya ako ng special na pagkain, habang tuwang-tuwa siyang pinagmasdan akong kumakain. Hindi sa gutom ako kundi dahil ginagalang ko siya. Nagpapakita siya sa akin ng magandang pakikisama kaya ako unti-unting nagtitiwala sa kanya. “Ikaw, ayaw mo bang kumain at juice lang ang sayo?” tanong ko sa kanya nang mapansin na juice lamang ang in-order. “No iIt’s fine, I have time to eat my meal!” nakangiting tugon nito. Hindi naman nakakapagtaka kung bakit hindi siyanakain, dahil kitang-kita sa kanyang katawan ang resulta. Walang ekwenento si sir Jave tungkol kay Sophie kaya naman ang nasa isip ko ay isa siyang modelo. Nasa katangian niya ang mga babaeng lumalahok sa pagandahan. “Ah, Miss Sophie bagay ka magmodel dahil ang ganda mo at perpektong hubog n

