PAGDATING ko ng bahay ay naroon na nga si sir Jave, agad ko siyang pinuntahan sa garden para kausapin. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ang kaba nang makita ang seryoso niyang mukha. “Sir Jave, nandito na ako, sorry kong hindi kita agad nabalikan sa trabaho mo kasi napahaba ang usapan namin ng kaibigan mong si Sophie.” Bigla niya akong nilingon na matatalim ang paningin sa akin. Lalo akong kinabahan sa kanyang reaksiyon dahil hindi ko alam kung bakit mukha siyang galit sa akin. “Follow me!” Agad niya akong tinalikuran at tinungo ang aming kwarto. Para akong napako sa kinatatayuan na tinatanaw siyang paalis, napahawak ako sa dibdib nang naramdaman ang matinding kaba. Pagpasok ko ng aming kwarto ay marahan akong umupo sa sofa. Sa tindi ng nararamdaman ko ay pinagsalikop ko ang

