NAGHIHINTAY ako ng oras na dadaanan ako ni sir Jave dahil ang sabi niya ay siya na ang susundo sa akin dito sa shop. Napag-usapan naming kagabi na sasamahan niya ako sa hospital para kausapin si Charm. Ito na ang huling araw ko na mausap at makita siya kapag tuluyan ng umalis sa bansa. Habang naghihintay ako ay dumating naman si Jimmy sa shop. Ang akala ko ay dadalaw lamang ito. Ngunit nabigla ako nang sabihin niyang pinapunta siya ni sir Jave. “Jimmy, ano ba ang inutos sayo ng Kuya mo?” pagtataka kong tanong. “Pinapasundo ka ni Kuya dahil hindi ka niya masasamahan na bisitahin si Charm, aniya may emergency siyang kaso na kinakaharap,”tugon naman nito. “Ah’ gano’n ba? Saying naman kaso gusto ko sana siya talaga ang makasama ko dahil naniniwala akong makikinig si Charm sa kanya.” “Don

