PABALIK na kami ng Maynila na maluwag ang damdamin. Natutuwa akong masayang makita si sir Jave na nag-eenjoy sa lugar na ito. Mas maganda sana kung buong pamilya namin ang pupunta rito at si Charm kasama rin. Kumusta na kaya siya? Gustuhin ko man siyang makita at mayakap ngunit hinayaan ko na lang muna siya para hindi lalong lumayo ang kanyang loob sa akin. “Sir Jave, handa na ang lahat!” “Hmm…so let’s go!” Minabuti naming maagang makabalik ng Maynila para makapagpahinga kami para sa darating na umaga. Marami akong trabahong iniwan at kailangan kong matapos kaagad. Ganoon na rin si sir Jave, alam kong maraming nakabinbing trabaho sa kanyang opisina. Sa aming pagdating ay naabutan namin na kausap nina Mama at Papa si sir Damian sa bahay. Agad siyang napatingin sa akin ngunit yumuko la

