HILANG-HILA ko ang luggage na binigay ni sir Jave para paglagyan ng mga damit ko. Matapos kong pumirma ng divorce paper namin ay hindi na niya ako muling kinausap. Hindi na rin siya natulog sa aming silid ng gabing iyon. Masakit man sa akin ngunit wala akong magawa. Wala akong bagay na ipaglaban gayong siya na mismo ang sumuka sa akin. Palabas na ako ng bahay nang sinalubong ako ni Papa at Mama. Kahit si Papa ay walang magawa para salungatin ang gusto ng anak. Panghahawakan ko na lang ang huling sinabi sa akin ni sir Jave. Ipagdasal ko na lang na gumaling siya. "Hija, mag-ingat kayo sa inyong pag-uwi. Kapag kailangan niyo ng tulong ay huwag kang mag-atubiling tawagan kami. Ikinalulungkot ko man ang nangyayari sa inyo ng anak ko ngunit mananatili ka sa aming isipan na asawa ng aming anak,

