PANAY ang punas ng kanyang luha habang kagat ang sandwich na kanyang umagahan. Kasalukuyang nakaupo si Charm sa bench ng kanilang school. She felt homeless after her mother chasing her away. Bagay na hindi sumagi sa kanyang isipan kailanman, ngunit hindi nagbago ang pagmamahal niya sa kinikilalang mga magulang. Nakatanaw siya sa malayo at hindi alam kung paano lagpasan ang bawat araw na lumilipas, ito ang unang pagkakataon na mawalay siya sa mga magulang. Pansamantala siyang tumira sa dormitory ng kanyang school dahil sa wala siyang ibang mapuntahan. Ni hindi niya naisip ang lumapit sa mga pinsan para doon makikitira pansamantala. Mas minabuti niyang lumayo muna siya sa mga kaibigan at hanapin ang sarili na mag-isa. Marahil ay nakatakda talaga mangyari sa kanya ito para subukin ang tatag

