CHAPTER 38 NGAYON ang araw na pangako sa akin ni sir Jave para makausap ang kapatid ko. Lumiban pa siya sa trabaho para lang pagbigyan ako sa mga kahilingan ko. Hindi matatawaran ang malaking naitulong niya sa buhay ko na makita siya. Matagal na siyang hinihintay ng aming Nanay, para man lang makasama ito kahit sa huling pagkakataon ng buhay nito. Pinaghanda ko pa siya ng pagkain dahil alam kung iba ang mga kinakain niya ngayon. Handa akong bigyan siya ng oras para maalagaan ngayong nag-iisa siya sa buhay. Naaawa naman ako dahil dinanas niya ang ganitong pasakit sa kanyang buhay. Kung makokontrol ko lang sana ang buhay ng tao ay ginawa ko na para sa kanya. Hinintay ko ang lunch time sa kanyang school bago ako pumasok para kausapin siya. Sabik na akong mayakap siya dahil matagal na rin

