NAG-AALANGAN akong tumuloy sa aming pag-uwi ni Charm dahil sa kakaibang pakiramdam ko. Naging tahimik si sir Jave buong gabi na siyang ikinagulo ng isipan ko. Simula nang umuwi siya ay hindi ko nakitaan ng ngiti sa labi na dati-rati ay maglalambing pa siya sa akin. “Oh’ bakit hindi ka pa nag-ayos diyan?” tanong niya nang pumasok sa aming silid. “K-Kasi sir Jave nag-aalala ako sayo. Mula pa kahapon na tila wala ka sa mood makipag-usap. May problema ba? Nalulungkot ka ba na hindi ka masamahan ng ilang araw sa pagpasok mo sa trabaho?” “No! Why would I do that? Masaya akong natupad mo na ang iyong pangarap. Pagod lang ako at gusto ko lang magpahinga. I already inform my secretary to take leave while you’re away.” “Sorry kasi hindi kita masasamahan ngunit pangako babalik kami kaagad ni Char

