NANG mailipat siya sa isang pribadong silid ay doon lamang kami nagkaroon ng pagkakataon na makita siya. Ang isa sa amin ay dinamdam ang nangyari sa kanya. Hindi pa rin siya nagigising dahil sa gamot na inilapat sa kanya. Ang makita siyang nakahiga muli sa kama ng hospital na ito ay mas nakakalungkot dahil iba ang kanyang sitwasyon ngayon. Makakaya ko pa kayang palakasin ang loob niya lalo na at nakakatakot ang operasyon na gusto ng Doctor. "Ma, kailangan nating kausapin ang doctor para sa mas ligtas na kalagayan ni Jave. Hindi ba delikado ang gagwing opersyon?" "Iyan din ang aalamin namin ni Papa mo, bantayan mo siya at kami na ang pupunta sa doctor niya," ani Mama. "Sige Ma!" Tinanguan ko sila na papalabas na ng kwarto. Gusto ko rin makausap siya kahit hindi niya ako kayang sagu

