CHAPTER 1
Crystal Pov
Punyetaaaaaa ang aga aga minamalas akooo! Papunta ako ngayon sa classroom ko ng may bumangga sakin. Badtrip hindi ba siya tumitingin sa daan.
"Hoy ikaw! Hindi ba---" Napahinto ako sa pagsigaw ng malaman ko kung sino ang nakabangga ko. Guysess binabawi ko na ang sinabi ko kanina, feeling ko ang swerte swerte ko ngayon.
"ako tumitingin sa dinadaanan ko. Bat kasi ang tanga tanga ko. Self ano ba tumingin ka naman sa dinadaanan mo! Nakabangga ka tuloy." Pagpapatuloy ko sa naudlot kong sasabihin kanina na ikinakunot ng noo ng lalaking nasa harap ko ngayon.
"Miss sorry for the term but are you crazy?" Kunot noong tanong niya.
"Yes, baliw sayo." at yon nga lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko kaya wala akong nagawa kundi ang magtatakbo papuntang classroom ng marealize ko kung ano ang mga pinagsasabi ko.
"Geezz girl kalerkey ka anong nangyari sayo. Ang aga aga sira yang beauty mo." bungad sakin ng bestfriend kong si Kaji. He is gay pero kung hindi mo siya kilala aakalain mong lalaki siya.Marami din ang nagkakagusto sa kanya dito sa school namin gwapo naman siya and panlalaki din ang boses na pilit niyang ginagawang pambabae. Noong una ay natatawa ako tuwing nagsasalita siya pero nasanay na din ako. Sa 4 na taon ba naman naming magkasama sino ang di masasanay diba.
"Omg girl you won't believe what happened. Nabangga ko lang naman si Calix! And guess what! Hindi ko yata napindot ang stop botton ng bibig ko kaya kung ano ano ang nasabi ko. Gosh nakakahiyaa!"
"Girl bat ba naman kasi baliw na baliw dyan sa lalaking yan." taas kilay na sabi niya.
"Sino ba naman kasing di maiinlove dun te girl. Isang Calix Cruz na yun gwapo na, matalino na, mabait na, at hindi pa manloloko. Perfect na kumbaga. San ka pa? Kay Calix ka na HAHAHA char."
"Ipapaalala ko lang sayo babae ka na galit ka sa mga lalaki dahil sa ginawa ng tatay mo sa inyo pero ngayon patay na patay ka na dun sa lalaking yon. At isa pa paano ka naman nakakasiguro na hindi nga yan manloloko aber?"
" Nararamdaman ko te ghorl iba siya. Nafefeel ko na hindi siya tulad ng ibang lalaki na manloloko and oo nga galit ako sa mga lalaki dahil mga manloloko sila pero alam mo yung feeling na pag nakikita ko siya nagbabago yung pananaw ko. Feeling ko talaga iba siya sa mga lalaki."
"Iba siya sa mga lalaki? So it means feeling mo bakla siya?"
"Gaga hindi. Hindi mo kalahi yun noh. Ang ibig kong sabihin hindi siya manloloko kagaya ng ibang mga lalaki dyan."
"Paano ka naman nakakasigurado?"
"Feeling ko lang nga bat ba. Tekaa nga bat ba kontra ka ng kontra crush mo din ba si Calix? Hoy bakla sakin na yun wag kang mang-aagaw."
" Ano naman kung crush ko blehhhh. Be the best beautiful win." Taas noong sabi niya sabay kindat sakin.
Hindi na ko nakasagot ng biglang pumasok ang first subject teacher namin kaya wala akong nagawa kundi ang tignan nalang siya ng masama.
Bwiset kang bakla ka wag mo lang talagang subukan makakalbo kita.
Ghad mga besh hindi talaga ako makapaniwala na nagdampi ang balat namin ni Calix kanina, isang linggong walang liguan nanaman toh hahahaha. Hanggang ngayon amoy na amoy ko parin ang pabango niya at feeling ko kumapit na sakin iyon.
Kung di ko pa napapakilala si Calix pwes ipapakilala ko na sa inyo. Siya lang naman ang nag-iisang man of my dreams. Oo galit ako sa mga lalaki matapos kong malaman na may ibang pamilya ang tatay ko at iwan niya kami pero malakas talaga ang pakiramdan ko na iba si Calix. Pakiramdam ko siya na ang Mr. Right for me hihihihi.
"Miss Salazar!"
Hayyy kelan kaya siya magiging akin. Kelan ko mahahawakan ang malambot niyang kamay? Kelan ko kaya siya mahahagkan?
"Miss Salazar, can you hear me?!"
Siguro ako na ang pinakaswerteng babae sa buong mundo pag naging girlfriend niya na ko.
"Aray! Ano ba? Bat ka ba nangungurot?" Bwisit naman talaga tong taong toh kitang nag iimagine ako sinisira.
"Miss Salazar are you with us now?!" Napatingin naman agad ako sa teacher namin sa harapan ng bigla itong sumigaw.
"I called you for the third time now but it's like you did'nt hear me. Saang lumapalop ba lumilipad yang utak mo at hindi mo ako marinig kahit isigaw ko yang pangalan mo?" Napapahiyang yumuko naman ako matapos sabihin yon ng teacher namin.
"Sorry ma'am may iniisip lang po."
"If you have a problem you can talk to me after our class but for now you need to listen, okay?"
"Okay miss, I'm sorry." Hays buti nalang talaga mabait ang subject teacher ko na toh kundi mayayari talaga ako.
"Ano ba kasing pinag-iisip mong babae ka at lumilipad ang utak mo?" Bulong sakin ni Kaji
"Wala ka na don tse." Nakinig na lamang ako sa itinuturo ng aming teacher.
Discuss
Discuss
Discuss
Lunch Break
"Gosh dumudugo na yung utak ko nagugutom pa ko." Nakangusong sabi ko habang naglalakad kami ni Kaji papuntang cafeteria.
"Kelan ka ba nabusog?" Pabirong sabi niya.
"Di ko na din matandaan kung kailan hahahahaha."
"May dragon ata dyan sa tiyan mo at di ka mabusog busog kahit ata ipakain ko sayo lahat ng pagkain sa buong mundo gutom ka padin."
"Ang oa mo naman teh di naman ganon noh."
"Hahahahah totoo kaya nagdedeny pa."
"Eh kung sayo ko kaya ipakain yon?" Naghahamong tanong ko sakanya.
"Kaya mo?" Naghahamong tanong din yan.
"Hindi ahhahahah."
"Nababaliw ka nanaman."
"Lagi naman akong baliw sakanya." Naupo ako sa isa sa mga table ng marating namin ang cafeteria.
"Baliw nga. Anong kakainin mo?"
"Hmm gusto ko nung pork steak with rice tapos cheese cake tapos ice tea tapos fries." Sunod sunod na sabi ko sakanya.
"Pera?" Sabi niya at inilahad ang kamay niya sa harap ko.
"Libre mo ko hehehehe." Nagpapacute na sabi ko.
"Tibay."
"Sige na parang di naman kaibigan." Kunyaring nagtatampong sabi ko.
"Oo na pasalamat ka---"
Di ko na narinig yung nga sumunod na sinabi niya dahil naglakad na siya papunta sa pila para umorder.
"Tsk dami pang arte manlilibre din naman."
Habang naghihintay ay naisipan ko nalang na maglettering ng mga pangalan sa isang notebook ko ng bigla namang pumasok si Calix at yung mga tropa niya sa cafeteria kaya naman wala akong ibang nagawa kundi ang titigan siya.
Nag slow motion ang lahat at parang ako at siya lang ang tao sa buong cafeteria. Yung mga scene na napapanood ko sa movie nagyayari na din sakin. Siguro kami talaga ang para sa isa't isa. Gantong ganto yung nararamdaman ng bidang babae tuwing makikita niya yung bidang lalaki e. Hayy pakiramdam ko nasa pelikula kami at kaming dalawa ang bida. Para siyang anghel na bumaba sa langit para sakin. Ang sarap siguro sa pakiramdam tuwing gigising ka sa umaga at siya agad ang masisilayan ng magaganda kong mata.
Natigil nanaman ako sa pag iimagine ng biglang may magsubo ng french fries sakin.
"Laway mo tutulo na." Peste talagang bakla toh lagi nalang panira ng moment.
"Panira ka! Ang ganda ganda na ng naiimagine ko eh."
"Sige mag-imagine ka lang hanggang imagine mo nalang naman talaga siya eh." Ang kj talaga nitong baklang toh.
"Tse! Pag naging kami talaga ni Calix who you ka sakin." Sabi ko habang sumusubo ng pagkain na inorder niya.
"Okay lang di naman magiging kayo hahahah. Aray ano ba!" Daing niya matapos ko siyang sabunutan.
"Leche ka talagang bakla ka napaka kill joy mo batukan kita diyan eh." Inis na sabi ko.
"Inis yan?" Nang-aasar paring sabi niya kaya naman di ko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang pagkain.
"Uy! sorry na, pansinin mo na ko. Sige na magiging kayo na nung Calix mo." Di ko pa din siya pinapansin.
"Crys sorry na." Hahahah ang cute niya magsorry. Imaginin niyo nalang pag nagsosorry jowa niyo ganon itsura niya pero di ko siya jowa ah.
"Ano bang gusto mo? Gusto mo ng ice cream? Lilibre kita." Unti unti naman akong ngumiti dahil sa sinabi niya.
"Sabi mo yan ah wala ng bawian." Ngiting tagumpay na sabi ko. Hahahahah makakalibre nanaman. Hindi ako gold digger ah mas masarap lang talaga ang pagkain pag libre hihihi.
"Tsk pag libre talaga tumitiklop ka."
"Galit ka?!" Taas ni kilay na sabi ko sakanya.
"Hindi ah nakangiti nga ako oh." Pilit na ngiting sabi niya kaya naman natawa ako.
"Mukha kang tanga hahahahaha."
"Kumain ka na nga lang matatapos na lunch break natin dami mo pang inorder."
Matapos naming kumain ay bumalik na din kami sa classroom namin para sa susunod na subject.
Senior high na kaming pareho ni Kaji. Magkaibigan na kami since 7th grade. Nung una talaga ayoko sakaniya dahil mukha siyang babaero at tulad nga ng sinabi ko kanina ayoko talaga sa mga lalaki. Pero simula ng malaman ko na gusto niya din ay lalaki naging magkaibigan na kami. Hindi nga lang siya makapagladlad sa pamilya niya dahil natatakot siya sa sasabihin ng tatay niya.
"Okay students I want you write a poem for someone you love."
"Miss pwede tagalog?" Tanong ng isa kong babaeng kaklase.
"Yes english or tagalog. Consist of 2 to 3 stanza. You will recite that today. You have 20 minutes to do that. You can start now."
"Lah ang hirap di pa naman ako marunong gumawa ng tula." - Jane
"Same pero para kanino isusulat mo?"
- Nathalie
"Edi sa boyfriend ko." - Jane
Sana all nalang may boyfriend. Hayy para kanino naman ang isusulat ko? Kay Calix? Kay mama? Kay Kaji?
Bat kasi ngayon agad irerecite.
Naglabas ako ng notebook pero hindi ko mahanap yung lagayan ng mga ballpen ko. Aish san ko naman kaya nalagay yon.
"Woi bakla." Bulong ko kay Kaji na nasa tabi ko.
"Oh?" Sungit naman nito.
"Peram ballpen nawawala mga ballpen ko." Agad naman siyang naghalungkat sa bag niya at ibinigay sa akin ang extrang ballpen niya.
"Thanks." Nag simula na kong mag isip kung paano ako magsisimula.
Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala parin akong naisusulat. Wala talagang pumapasok sa isip ko ngayon. Tinignan ko naman si Kaji at nagulat ako nung makita kong nakatingin siya sakin.
"Tinitingin tingin mo diyan?" Kunot noong tanong ko.
"Para kanino ang gagawin mo?" Seryosong tanong niya naman sakin.
"Hmm hindi ko pa alam. Yung sayo para kanino?" Takang tanong ko naman at sinilip ang papel niya pero agad niya ding tinakpan.
"Secret ko na yon hahaha."
"Tsk damot."
"Para sakin nalang ang gawin mo para di ka na mahirapan mag-isip."
"Asa ka. Para kay Calix nalang."
"Ikaw bahala." Sabi niya tsaka nagpatuloy sa pagsusulat.
Nagsimula akong magsulat pero agad ko din namang binubura. Waahh ano ba kasing isusulat ko? Paano ko sisimulan.
"Okay students ready na ba kayo?"
Shit 20 minutes na ba ang nakalipas? dalawang line pala ang nasusulat ko. Malas naman talaga oh.
"Bubunot ako dito sa nga index card niyo kung sino ang unang magbabasa sa harap okay?"
"Hala miss di pa kami tapos."
"Hala saglit lang miss."
Taranta namang nagmadaling magsulat ang mga kaklase ko at ganon din ako.
"Magtatawag na ko. Ivan De Jesus."
"Hala miss isang stanza palang nasusulat ko."
"It's okay babawasan ko nalang ang score mo."
"Miss naman."
"Okay fine. Raise your hand if you're already done." Agad namang nagtaasan ng mga kamay ang mga kaklase kong natapos na ang pinapagawa ni miss.
"Tapos ka na agad?" Gulat na tanong ko kay Kaji. Ang bilis niya naman.
"Yes." Nakangiti pang sabi niya.
"Sana all."
"Kung ano ano kasing iniisip mo."
"Okay is there anyone who wants to volunteer to go first?"
Agad namang nag taas ng kamay yung matalino naming kaklase. Sana all nalang talaga.
"Okay Irish." Agad namang tumayo si Irish at pumunta sa harapan.
Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy nalang sa pag-iisip at pag susulat.
Limang kaklase ko na ang nakapagrecite sa harap ng biglang nagring ang bell hudyat na tapos na ang klase.
Wahhh salamat, salamat. Ito talaga yung sinasabi nilang save by the bell.
"Okay students we will continue tomorrow. Para sa mga hindi pa tapos diyan ah tapusin niyo na. Class dismiss."
"Thank you miss."
"Thanks miss."
"Buti nalang, kabado bente ako don ah hahahaha." Natatawang sabi ko habang inililigpit ang mga gamit ko.
"Kung ano ano kasing iniisip di tuloy nakatapos."
"Hoy iniisip ko kaya kung anong isusulat ko kaso lang wala talagang pumapasok sa isip ko."
"Palusot pa sige na bilisan mo na diyan ng makauwi na tayo."
"Eto na eto na di makapaghintay."
Agad akong tumayo ng matapos kong ayusin ang mga gamit ko. Lumabas na din kami ng classroom.
"Crystal?" Napahinto kami sa paglalakad ng may biglang may tumawag sa akin.
Kilalang kilala ko yung boses na yon. Pero bakit niya ko tinatawag?
Anong kailangan niya?