Athera Tahimik akong nagpapahinga sa loob ng aking silid nang bigla na lamang lumitaw sa harap ko si Krauna-na parang timang dahil nakangiti ito ng mag isa at parang kinikilig habang lumilipad ang isipan sa kung saan. "Mukhang masaya ka pa ata na makita ako sa ganitong kalagayan Krauna." Napatingin naman ito sa akin at napasimangot kaya ako naman ang napangisi. "Ano ako? Tanga? Magiging masaya pa ba ako kung muntik na tayong lahat matigok dahil sa epal na Elixia na iyon? Buti na lang at napatay siya ni Fiera dahil kung hindi nakuuuuu finish na ang angkan ng mga bampira." Deretso ito sa pagsasalita na animo'y hinahabol. Nagbuga siya ng malalim na hininga at napaupo sa aking tabi. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, nasisiyahan ako sa tuwing siya'y aking titingnan. Nilulukob ng saya ang pus

