Naglalakbay ako sa kung saan dahil hinahanap ko kung saan ko inilibing ang aking yumaong asawa. Ang ama ni Krauna. Isinarado ko ang aking isipan, mahirap na at baka may makaaalam pa ng lihim ko. Tanging ako lang ang dapat na makaalam nito, dahil ayokong magkalayo kami ng aking anak. Teka? Bahagya akong natigilan at nanlaki ang mga mata ko ng may mga grupo ng lobo na umatake sa isang maliit na lobo mula sa 'di kalayuan. Nagtago ako sa itaas ng puno at itinago ang scent pati presensya ko. Malakas ang pangamoy ng mga taong-lobo sa tulad naming mga bampira at ayokong ipahamak ang aking sarili. Hindi ako pumarito upang makipaglaban. Habang pinagmamasdan ko ang batang lobo ay may kakaiba akong nararamdaman. Hindi ko alam ngunit gusto kong tulungan ang batang lobo. Palihim na ginamit ko ang ka

