Limang araw na ang nakalipas simula ng magising ako at nakilala sina Krauna at Athera. Matapos nang pangyayari na iyon ay ikinulong nila ako sa isang kwarto.
Naghahalo ang kulay itim at pula na desenyo sa kwarto, maliban doon ay wala ng ibang makikita pa. Tanging upuan lamang at isang lamesita.
Hindi nila ako hinayaan na makalabas dito. Sarado ang pinto sa labas, nilock nila. Ni hindi pa ako nakakakain o kahit nakakainom pero hindi ako nakaramdam ng gutom. Sa limang araw ay may isang babae ang naglalabas masok dito sa kwarto ko na sa tingin ko ay isang katiwala.
May itinuturok ito sa akin na pulang likido ngunit walang epekto sa akin.
Hinintay ko na bumukas ang pinto dahil ito ang oras na pumapasok ang babae. Tama nga ako dahil hindi nagtagal ay pumasok ito dala ang syringe na may laman na pulang likido na agad niyang itinurok sa leeg ko.
"Ano ba itong itinuturok mo sa akin?"
"Dugo ng ahas. Pero hindi tulad ng unang ininom mo mula ng magising ka." Sagot nito sa akin.
"Ahh salamat," tanging nasambit ko, lumabas na ito sa kwarto at naiwan nanaman ako. Dugo ng ahas ang siyang bumubuhay sa akin. Dugo ng isang makamandag na ahas.
Tiningnan ko ang kamay ko, pinutol nila ang aking kuko upang hindi ko masugatan ang sarili ko pero 'di nila alam na may itinago akong basag na salamin na nakita ko sa ilalim ng kama.
Kinuha ko iyon at sinugatan ang palapulsuhan ko.
May lumabas na parang tubig pero hindi iyon ang dugo ko. Agad na naghilom ang sugat ko. Ang likidong lumabas sa pulso ko ay agad na natuyo itinaas ko ang salamin at natamaan iyon ng sinag ng araw at ang liwanag na iyon ay tumama sa natuyong likido na galing sa akin at agad iyong nagliyab. Naitapon ko ang salamin sa gulat. Inilapit ko ang mukha ko sa umuusok na tela. Doon kasi tumulo ang likidong galing sa aking pulso. Ang usok ay nagiging itim at naipon iyon hanggang sa naging bilog.
Anong nangyayari? Ipinagsawalang bahala ko na lang ang nangyari at sumandal sa semento habang hawak ang itim na parang holen. Inilagay ko ito sa bulsa ko ng may uwak na pumasok sa kwarto ko. Nakatingin ito sa akin na para bang kinakausap ako.
Lumapit ako sa uwak at kinuha ang nakarolyong papel sa paa nito. Nang makuha ko iyon ay agad itong lumipad palayo.
Binuksan ko ang papel para tingnan ang nakasulat.
' Victoria'
Iyon ang nakasulat sa papel. Victoria? Pamilyar sa akin ang pangalan niya subalit nasisigurado ko na hindi iyon ang pangalan ko. Nabitawan ko ang papel ng biglang bumukas ang pinto at nagmamadaling pumasok si Kaifier.
"A-anong ginagawa mo rito?" Tanong ko ngunit tiningnan lang ako nito saka hinawakan ang kamay ko at hinila patakbo. Hindi ko namalayan na buhat na pala ako nito at tumatakbo ito sa kakahuyan. Kita ko sa paligid ang mga nagbabagang mata na nanggagaling sa mga taong lobo.
Mga taong lobo ang humahabol sa amin. May mga tao rin akong nakikita na tumatalon-talon sa mga puno at lumalanding sa likod ng taong lobo at binabali ang leeg. May babae akong nakita na medyo nakakasabay sa amin ni Kaifier sa pagtakbo. Tiningnan ko ng maigi ang mukha nito.
"Krauna," mahinang sambit ko. Si Krauna ang babae kita ko na dinambahan ng isang taong lobo sa likod kaya napasigaw ako pero biglang nawala si Krauna at biglang lumitaw sa likod ng kaaway nito at kinagat ang leeg.
'Bampira si Krauna' sambit ko sa aking isip, napatingin ako kay Kaifier. Nasisigurado ko na isa rin itong bampira pero ang ipinagtataka ko ay wala akong nararamdaman na takot para sa kanila. Siguro dahil alam ko na hindi nila ako sasaktan.
Saktong paglingon ko sa likod ng tumilapon kami ni Kaifier at tumama ang ulo ko sa puno. Mariin na ipinikit ko ang mata ko ng makaramdam ng hilo at pagmulat ko ng mata ko ay nakaharang sa harapan ko si Krauna, Kaifier at si Athera. Sa harap nila ay ang mga taong lobo na handa na silang lapain. Napasiksik ako sa puno ng sumugod sila sa isa't-isa. Ang dugo ay nagkalat sa paligid. Habang abala sila sa pakikipag laban hindi nila namalayan na may nakalapit sa akin na agad sinakmal ang braso ko.
"Ahhhh!" Malakas na sigaw ko, natigil ang lahat sa pag aaway. Kita ko kung papaano nasunog ang katawan ng lobo na sumakmal sa braso ko. Tumulo ang likido sa braso ko pero 'di rin nagtagal ay naghilom ang braso ko ngunit kitang-kita ang marka na sanhi ng pagkakakagat sa akin ng lobo.
Muli ay namalayan ko na tumatakbo kami ni Kaifier papalayo sa naglalaban na mga taong lobo at kina Krauna at Athera. Hindi ko akalain na sobrang lakas pala ng dalawa sa pakikipag away. Nakakamangha.
Mas bumilis ang takbo ni Kaifier at ramdam ko ang malamig na hampas ng hangin sa aking pisngi. Ninanamnam ko pa ang hangin hanggang sa nagulat ako ng bigla kaming napunta sa isang kwarto.
Ibinagsak ako nito at napaigik ako sa sakit ng tumama ang aking pwetan sa malamig na sahig. Sisigawan ko na sana ito subalit bigla itong nawala sa harap ko. Napapikit ako at tumayo, Ano ba kasi ang nangyayari? Bakit nagkakagulo ang mga bampira at ang mga taong lobo? Naguguluhan ako.
Inilibot ko ang tingin ko. Madami ang libro dito ngunit nakaagaw ng pansin ko ang isang kulay pula na libro. Naglakad ako papunta doon at kinuha ko iyon ng makita ko ang itim na dyamante na nakadisenyo sa gitna mismo ng libro. May mga nakaukit na simbolo. Isang korona at isang espada na binabantayan ng serpent at Griffin.
Hinawakan ko ang itim na dyamante. Naalala ko ang itim na bilog kinuha ko iyon sa bulsa ko. Buti na lang at hindi iyon nawaglit. Idinikit ko iyon sa dyamante at namamangha na pinagmasdam dahil humalo ang dalawa at naging isang susi. Kinuha ko ang susi at binuksan ang libro. Kailangan kasi na susian bago ito mabuksan para malayang makapagbasa.
Lumiwanag ang libro at kusang bumukas ng maipasok ko ang susi.
Litrato pala ang nakapaloob sa libro. Isang babae na pula ang kulay ng mata, puti ang buhok. Nakataas ang kamay nito at may lumalabas na apoy. Sa likod nito ay nakaguhit ang mga simbolo ng mga elemento. Napaka ganda ng babae. Inilipat ko ang pahina ng libro. Siya pala ang nagsulat nitong libro.
Nasa unang pahina nakasulat kung papaano mabubuksan ang libro na ito.
The person I've chosen is the only one who can read this with the use of her blood.
Blood? Tanging ang pinili lang nito. Ngunit bakit ko ito nabuksan gamit ang natuyong likido na lumabas sa aking pulso. Dugo ba iyon?
Naibagsak ko ang libro ng biglang may nagsalita sa likod ko
"Paano mo nabuksan ang libro ni Victoria?"
"Athera," tanging pangalan lang nito ang nasambit ko sa sobrang gulat.
"Sagutin mo ako." walang emosyon na utos nito.
"Hindi ko alam, sino si Victoria?"
"Bakit ko sasabihin sa iyo?"
"Just tell her, Athera." utos ni Kaifier na nililinis ang mukha.
"Anong nangyari sa mga taong lobo?" Tanong ko
"Sumuko sila," parang wala lang na sagot ni Athera.
"Nasaan si Krauna?"
Biglang kumalabog ang pinto at iniluwa nun si Krauna na may dalang maleta.
"Here's your things Kaifier. The hell mas safe tayo sa palasyo bakit ba ayaw mong umuwi doon?"
"You don't have to know." malamig na sagot nito at umalis.
Pinabayaan ko sila na mag usap at pinulot na uli ang librong nabitiwan ko kanina at binuklat uli para mabasa.
It says here that she's the most powerful vampire. She killed thousands of wolfs in just a snap.
Inilipat kong muli ang pahina pero wala na akong makita. What the?
"Do you really wanted to know Victoria?" Bulong na tanong sa akin ni Krauna.
"Kung pwede lang pero sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang panahon para kilalanin siya. Bakit nga pala tayo sinugod ng mga taong lobo?"
Lumapit pa ito sa akin saka bumubulong na nagkwento
"Mortal na magkaaway ang mga taong-lobo at bampira. Noong si Valzuela at Dayara ay nagkakilala. Si Valzuela ay ang unang bampira na nabuhay at si Dayara ay ang pinakaunang taong lobo. Matalik na magkaibigan ang dalawa ngunit dahil sa pag ibig kaya nagkasira. Hindi ko alam kung totoo ang mga kwento na iyan ngunit simula ng mabuhay ako ay iyan na ang kinukwento sa akin. Hindi ba nakasulat sa librong iyan? Pag aari 'yan ni Victoria eh at lahat ng nangyari sa nakaraan ay alam niya."
"Iyon nga ang problema. Wala na ang nakasulat." Sagot ko saka ibinigay kay Krauna ang libro pero bigla niya itong naitapon.
"Bakit?"
"Napaso ata ako." Sabi nito at kita ko ang pamumula ng kamay nito. Hinawakan ko na lang muli ang libro saka tahimik na umupo sa isang tabi.