Nakita ko ang isang babae na kulay puti ang buhok na tumatakbo papalabas sa isang palasyo at biglang na lamang naglaho. Nakita ko itong muli sa isang sapa na natatabunan ng mga nagtataasang puno. May isang lalake na nakaupo sa isang tabi na parang may hinihintay. Nakita ko ang dahan-dahan na paglapit ng babae at saka ginulat ang lalake na nakamasid sa kagandahan ng sapa.
Victoria. Nasambit ko sa isip ko. Si Victoria ang babae. Biglang nabalot ng tawanan ang paligid at nakita ko na hinahabol ng lalake si Victoria at bigla itong naging lobo at dinaganan si Victoria. Ni hindi ako nakaramdam ng panganib habang tinitingnan ang dalawa, bagkus ay nakaramdam ako ng isang estrangherong pakiramdam. 'satisfaction.' Dinilaan ng lobo ang pisngi ng tumatawang si Victoria.
"Daemon, itigil mo ang pagdila sa akin." Tumigil din naman ito at bumalik sa dati nitong anyo. Si Daemon at Victoria, bigla ay parang nakaramdam ako ng pangungulila sa puso ko ng marinig ang pangalan ni Daemon.
Magkahawak kamay ang dalawa na pumunta sa harap ng sapa at umupo doon. Si Daemon ay nakaakbay kay Victoria, samantalang si Victoria ay nakatingin lang sa mukha ni Daemon na puno ng paghanga at pagmamahal. Kung sino man ang makakakita sa kanila ay tiyak na maiinggit. Kitang-kita sa dalawa na sobra nilang mahal ang isa't-isa.
Inihilig ni Victoria ang ulo nito sa balikat ni Daemon ng biglang umalulong ang mga lobo kaya agad silang dalawa na napatayo.
" Umalis ka na mahal ko. Mapanganib," sambit ni Daemon habang hawak ang pisngi ni Victoria.
"Ngunit mahal..." Nag-aalinlangan na aniya.
"Makinig ka sa akin mahal kong Victoria. Kailangan na makabalik ka sa iyong palasyo. Hindi nila maaaring malaman na may relasyon tayo dahil magkakagulong muli. Ayoko na magkaroon ng digmaan sa pagitan ng lahi naming mga taong lobo at sa lahi niyong mga bampira. Kaya umalis ka na. Magkita na lang tayong muli." Pangungumbinsi ni Daemon sa kanyang katipan.
Naiiyak na tumango si Victoria saka may ibinigay na kwintas kay Daemon. May pendant itong kulay aquamarine na bilog na may nakapalibot na serpent.
"Mag iingat ka mahal ko," nagbibilin na sabi ni Victoria saka niyakap si Daemon bago tuluyang lumisan.
"Para sayo, mag iingat ka rin." Saka nito hinalikan si Victoria. Matapos nun ay biglang naglaho si Victoria at saktong pagkaalis nito ay dumating ang mga lobo.
"Mahal na prinsipe Daemon. Buti naman at ligtas kayo. May naamoy kasi kaming bampira."
Palihim na lumingon si Daemon sa pinanggalingan ni Victoria "Wala. Maayos ang lagay ko. Humayo na kayo at gusto kong mapag isa." Agad din na umalis ang mga lobo at naiwan si Daemon na ngayon ay nakatingin sa kwintas.
Napabalikwas ako ng bangon ng makaramdam ako ng pagsampal.
"Ayun gumising ka rin." Mataray na sabi ni Athera habang nakapamulsa at nakataas ang kilay.
"May nangyari ba?" Tanong ko sa kanya ngunit inirapan niya ako.
"Hmpp!" tanging sagot nito saka umalis, doon ko lang napansin si Kaifier na nasa tabi ko at mataman akong tinitingnan.
"I can't read your mind." Malamig na turan nito habang titig na titig sa aking mukha.
"Dalawang araw ka ng walang malay. Akala ko ay tuluyan ka ng namatay." Tumayo ito at may bitbit na baso na may laman na pulang likido. Bigla akong napalunok. Nauuhaw ako.
"Hindi ka isang bampira at hindi ka rin isang lobo o kahit na anong nilikha." Nakatingin pa rin ako sa hawak nitong baso ng bigla nitong inilapit ang mukha sa mukha ko.
"Malalaman ko rin ang lahat. Kung sino ka at saan ka nagmula. At pag dumating ang araw na iyon ako na ang magdedesisyon kung tuluyan kitang papatayin." Iyon ang huli nitong sinabi at biglang naglaho sa kwarto. Hindi ko maintindihan ang sinabi nito.
Dalawang araw akong walang malay? Bakit pakiramdam ko ay isang oras lang ako na nakatulog. Bumukas ang pinto at pumasok si Krauna na may dalang pagkain.
"Hello.. ahm. Wala ka nga pa lang pangalan," saad nito habang nakangiwi at huminga ng malalim. Umupo ito sa harap ko at inilapag ang pagkain.
"Heto, kumain ka muna. Dalawang araw ka kasing walang malay." Napatingin ako sa pagkain at kay Krauna.
"Dalawang araw? Akala ko isang oras lang akong nakatulog." Mariin kong sabi, sa pakiwara ko nama'y ilang oras lang akong nakatulog at hindi araw.
"Ay naku! Isa kang malaking misteryo. Alam mo ba na si Kaifier ang nagbantay sayo." Ginawa niya 'yun? Tanong ko sa likod ng aking isipan.
"Krauna, may napanaginipan ako." Bigla naman na tumaas ang tingin nito sa akin saka ngumiti.
"Siguro parte ng iyong nakaraan."
"Imposible Krauna dahil ang napanaginipan ko ay si Victoria at..." dapat ko bang sabihin na si Daemon ang kasama ni Victoria sa panaginip ko?
"Si Daemon?" Tanong nito na siyang ikinagulat ko.
"Huwag kang mag alala, kilala ko si Daemon dahil mula ng bata ako ay nasaksihan ko ang kanilang pagmamahalan. Ang pagmamahalan nila na tinutulan ng dalawang angkan. Their love was forbidden but they fight for it. Natigil ang away at dahil 'yun sa kanilang dalawa. Kahit labag sa kalooban ng karamihan ay tinanggap na lang nila ang pagmamahalan ng dalawa. Wala naman silang magagawa eh dahil si Victoria ay isang reyna at anak ng alpha si Daemon."
Kung gano'n ay talagang may relasyon ang dalawa.
"Ngunit bakit?" tiningnan ko ito sa mata at mukhang naiintindihan nito ang ibig kong sabihin.
"Dahil isang araw bigla na lang nawala si Victoria ang buong akala ni Daemon ay itinago namin iyon. Sobrang tutol kasi ang ama ni Victoria sa nangyari. Dahil si Daemon na ang kasalukuyang alpha nagdeklara ito ng away sa pagitan ng mga taong-lobo at bampira." Pagsasalaysay niya habang umuupo sa aking tabi.
"Saan napunta si Victoria?"
"Iyon ang hindi ko alam. Kumain ka na sa sunod na lang uli tayo magkwentuhan dahil may ipinapagawa pa sa akin si Kaifier." Tumango na lang ako at hinawakan ang tray. Si Krauna, siya lang ang hindi naging mataray at siya lang ang napagpalagayan ko ng loob.
Naalala ko nanaman ang kwento ni Krauna. Alam kong titigil lang ang gulo kung makikita si Victoria. Bigla naman akong kinabahan dahil pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin. Nilingon ko ang kwarto saka nahagip ng paningin ko ang libro ni Victoria. Tumayo ako saka kinuha iyon.
"May karugtong na," mahinang sambit ko sa'king sarili. Ang napanaginipan ko ay ang siyang nakasulat sa libro. Tulad ng dati ng ilipat ko ito sa kabilang pahina ay wala ng nakalagay. Bakit pakiramdam ko ay konektado ako kay Victoria at Daemon? Kailangan ko na talaga na maalala ang nakaraan ko dahil hindi ako matatahimik hanggat madami ang katanungan na naglalaro sa aking isipan.
Kaifier
Dito ako sa silid-aklatan ng palasyo kasama sina Krauna at Athera. Wala naman akong dapat ipag-alala sa babae dahil ligtas ang bahay na tinutuluyan nito. Nababalot iyon ng kapangyarihan na siyang magtatago sa presensya ng babaeng iyon.
"Wala talagang libro na tungkol sa mga kagaya ni.. ng babae ano ba kasing pangalan 'nun." Naiinis na sabi ni Krauna.
"Talagang wala. Saan ka ba nakakita ng tao na walang dugo, walang heartbeat at walang nakaraan. Siguro pinag-eksperimentuhan iyong babae na iyon." Mataray na sagot ni Athera kay Krauna.
"Tumigil kayong dalawa at ipagpatuloy ang paghahanap." Masungit na utos ni Kaifier sa dalawang babaeng kasama niya sa silid-aklatan.
Dumeretso ako sa libro na ginawa ng mga magagaling na manunulat tungkol sa lahi namin pero wala rin akong makita na katulad ng nangyari sa babae na iyon.
Imposible talaga na mabuhay siya.
Limang oras na ang nakalipas at nasa ganun pa rin kaming estado.
"Ay naku nakakabaliw naman ito." Dinig kong bulong ni Krauna. Nilapitan ko ito at nakita ko na nagbabasa ito ng fairytale book.
Kinuha ko ang libro na hawak nito.
"Is this related to that girl?" Malamig na tanong ko ngunit tinaasan ako nito ng kilay. Hindi na ito apektado sa pagiging masungit ko.
"Nagbabasa lang ako. Alam mo dalhin mo iyang libro at ibigay sa babae na ibinahay mo."
Bakit ang pangit pakinggan ng ibinahay.
"Tsk!" Tanging sagot ko at inilagay sa bag ko ang libro saka naglaho at nakita ko ang babae na nakahawak sa libro. Iniabot ko ang libro sa kanyan saka muling naglaho pabalik dito sa silid-aklatan.
Bumukas ang pinto at pumasok ang mga katulong na may dalang inumin.
"Alis na," utos ko na agad din nilang sinunod. Uminom ako mula sa kopitang hawak ko saka kinuha ang isang libro.
"The Queen's power can cause death and can be used to make a person alive."
Imposible rin naman na si Victoria ang nagbigay buhay sa babaeng iyon.
"But using this power can kill the Queen." Itinigil ko ang pagbabasa. Hindi pa patay si Victoria. Dahil kung namatay siya ay masisira itong palasyo. Dahil ang palasyong ito ay karugtong ng buhay niya.
Sumandal ako sa upuan at napahawak sa aking baba.
"Bakit ba ang hirap mong basahin? We don't have any f*****g idea where the hell you came from." Bulong ko sa aking sarili.
"f**k!" Pagmumura ko saka hinilamos ang kamay ko sa aking mukha.