Chapter 4 Fiera Infer

1517 Words
I have seen her again. 'Victoria'. Bulong ko sa aking isipan habang pinagmamasdan siya mula sa aking kinatatayuan. Nakaupo ito sa harap ng lamesa na sa tingin ko ay nasa loob ng silid-aklatan. Ang buong atensyon nito ay nasa libro lamang at hindi pansin ang paligid. Kahit nakaupo lang ito ay talagang nakakaakit ang taglay nitong kagandahan, na kahit sino ay mahuhumaling. Iniangat nito ang kaliwang kamay at sa isang iglap lang ay hawak na nito ang libro. Nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Iyon ang libro na siya mismo ang may akda. Inilapag nito ang libro sa tabi nito saka nagsimulang magsulat. Paminsan-minsan ay napapangiti pa ito at biglang mawawalan ng emosyon ang mata. Tumigil ito sa pagsusulat at pumikit. Kitang-kita ko ang ilang libro na kusang napupunta sa harapan nito ay nagbubukas. Iminulat ni Victoria ang mata niya at sabay na bumagsak ang nga libro sa harap nito. Itinaas nito ang kanang kamay saka nagpalabas ng kapangyarihan. Habang nagbabasa ito ay may kung ano itong ginagawa sa kulay puting bola hanggang sa biglang sumabog ang bola at nagkalat sa paligid. Kahit ang makapangyarihan na si Victoria ay nahihirapan na kontrolin ang sariling kapangyarihan. Tumayo ito at kasabay ng pagtayo nito ay ang pagkawala ng mga libro. Kinusot ko pa ang mata ko dahil baka pinaglalaruan lang ako nito. Nakita ko si Victoria na naglalakad patungo sa likod ng silid-aklatan derederetso ito sa paglalakad hanggang sa isang kulay ginto na pader ang sumalubong sa kanya. Hinawakan ko ang pader na iyon pero agad kong nailayo dahil nasugatan ako. Kahit na alam ko na nasa loob ako ng isang panaginip ay nasugatan pa rin ako. Tsk! Mukhang kahit narito ako sa loob ng isang panaginip ay nagkakaroon pa rin ng ilusyon na ako'y masusugatan o masasaktan. Nagpalabas ng konting kapangyarihan si Victoria gamit ang apoy at hinulma itong pabilog at may mga tinik na kumalat sa paligid ng apoy. Inilapit niya ito sa pader at inilagay sa gitnang bahagi. Biglang gumalaw ang lupa at may naglabasan na mga matitinik na halaman na may nakakalason na dagta. "Who are you?" Napatalon ako sa gulat at nanlalaki ang mata habang nakatingin sa pader ng nagsalita ito. Ang boses nito ay napakalalim na para bang hinuhukay galing sa pinakailalim ng lupa. "This is the Queen. Let me enter." malamig na sambit ni Victoria. Ang pader na pinapalibutan ng matitinik na halaman ay naging isang hardin na punong puno ng iba't-ibang kulay ng rosas. "Whoaaa!" Hindi ko mapigilan na ilabas ang paghanga ko habang nakatingin sa aking harapan. Napakaganda talaga! Nakakamangha! Hinawakan ko ang isang rosas na kulay lila. Napakaganda nito pipitasin ko na sana ng mapansin kong nakaupo si Victoria sa ginta ng hardin at may tinitingnan. Biglang may nagsilabasan na tipak ng bato sa likod nito at mabilis na tumapon sa harap nito. Iyon ang nagsilbing haligi. Sa pagkakataon naman na ito ay mga bakal na ang nasa likod nito na hindi ko alam kung bakit bigla na lamang sumulpot sa aking harapan. Iyon ang nagsilbing bintana. Pinalibutan ni Victoria iyon ng mga itim na rosas at nagtataasan na d**o. Sapat na upang 'di agad ito mapansin. Lumapit ako sa ginawa ni Victoria. Para itong maliit na dungeon na tanging iisang nilalang lang ang makakapasok. Muling lumitaw ang mga libro at pumaikot ito sa paligid at bigla na lamang naging isang liwanag na siyang bumalot sa paligid ng dungeon. "By the power of these books, And a drip of my blood. Lend your souls to me, Serve as a protection, Of this Haven!" Matapos sambitin ni Victoria iyon ay nagkaroon ng nakakasilaw na liwanag at nawala ang ginawa nitong dungeon. Napangiti ng matamis si Victoria saka naglaho. Inikot ko ang paningin ko. 'Saan na iyon?' "Kanina ka pa, gising na!" Ang sigaw agad ni Krauna ang bumungad sa akin ng imulat ko ang mata ko. Panaginip nanaman. Hindi ko pinansin si Krauna, tumayo ako at agad na hinanap ang libro ni Victoria at tiningnan ang kasunod na pahina. Kita ko mismo ang pahina ng libro na nalalagyan ng mga salita at ang laman nun ay ang nangyari sa aking panaginip. Agad na isinarado ko ang libro at humarap kay Krauna. "How much do you know her?" tanong ko sa kanya. "Who?" Balik tanong nito sa akin. Nilingon ko siya saka sumagot "Victoria," maikling sambit ko sa pangalan ng Reyna. "Uhm? I know her very much. Bakit?" "Natanong ko lang. Teka nga pala, ilang oras akong nakatulog?" Biglang lumitaw sa harap namin si Kaifier at Athera na siyang sumagot sa tanong ko. "Oras? Nagbibiro ka ba? Limang araw kang tulog babae." Natahimik ako. "Siguro ay dapat masanay na tayo na kapag nakakatulog itong si... Basta ang babae na ito ay araw ang bibilangin bago ito magiging. Wait!" Humarap ito sa akin. "Hindi mo ba talaga naaalala ang pangalan mo? Gumawa ka kaya ng pangalan mo o baka naman gusto mo na gawan kita ng pangalan?" suhestyon ni Krauna. Tama nga naman kesa babae ang itawag nito sa akin. "Ako na ang mag iisip ng pangalan ko." "Sige," excited na sagot ni Krauna. Bigla kong naalala ang panaginip ko saka ang apoy na ginamit ni Victoria. Tama apoy. "Fiera," sambit ko at tumingin kay Krauna. Napalingon din sa akin ang dalawa, si Kaifier at Athera. "Fiera?" Tanong ni Athera "Ang ganda niyan Fiera. Pero bakit iyan ang napili mong pangalan?" Tanong naman ni Krauna. Dapat ko bang sabihin sa kanila ang napanaginipan ko? 'Hindi maaari' napatingin ako sa paligid. Pamilyar ang boses na iyon pero hindi ko na lang pinansin dahil baka guni-guni ko lamang. "Fiera?" Tawag pansin ni Krauna sa akin. "Natulala ka? Ayos ka lang ba?" Napangiti ako dahil sa tanong nito. Mabait talaga si Krauna. "Oo naman. Saka Fiera dahil pakiramdam ko ay konektado ako sa apoy." "E 'di Fiera na. Wala ka na bang gustong idagdag. Alam mo kahit anong pangalan ang gustuhin mo ay magagamit mo." Paghahayag ni Krauna "Infer." Muli ay napalingon sila sa akin. Ako naman ay ngumiti "Fiera Infer. Yan ang gusto ko na itawag niyo sa akin." Nakita ko ang pag irap ni Athera saka nagsalita. "Fiera that means fire and Infer that means hell. Seriously? Fire in Hell?" "Maganda naman 'yun ah. And oh it's hot!" natatawang sagot ni Krauna kay Athera saka hinila ako paalis ngunit bago pa man kami makalabas ay hinawakan na ni Kaifier ang kamay ko at bigla kaming naglaho. "Kaifer?" Tawag ko rito. Niyakap ako nito kaya napapikit ako. I feel safe in between his arms. "Open your eyes Fiera," masuyong sabi nito na agad kong sinunod. Iminulat ko ang mata ko at sumalubong sa akin ang gintong mata ni Kaifier. Nakatitig lang ito sa akin. Iniangat ko ang kamay ko saka hinaplos ang palibot ng mata nito. "Your eyes, it is gold. So beautiful." mahinang bulong ko na alam kong umabot sa pandinig nito. Nakakahanga ang kulay nito. Hindi sumagot si Kaifier ngunit hinayaan lang ako na haplusin ang pisngi nito. "I thought your eyes was red." kahit isang salita ay 'di manlang nito nagawa. Hindi sinasadyang napatingin ako sa labi nito. Napatitig ako, natural na mapula ang labi nito at nakakahalina. Tiningnan ko ang mata ni Kaifier at kita ko ang emosyon nito. Masaya siya. Ngumiti ako saka niyakap ang braso ko sa batok nito at hinalikan siya. Ilang sandali ay gumanti ng halik si Kaifier at niyakap ako pero agad din nitong pinutol ang lumalalim naming halik. Inilapit nito ang noo nito sa noo ko at hinawakan ang pisngi ko. Ipinikit ko ang mata ko habang nakahawak sa balikat nito. Wala akong nararamdaman subalit alam ko na magkapareho kami ni Kaifier. Magkapareho ang isinisigaw ng puso namin. "Molto bella." sabi nito na nagpangiti sa akin. Kaifier Tahimik lang ako na nakikinig sa usapan ng tatlo. Fiera Infer. Napakagandang pangalan katulad ng taglay nitong kagandahan.Hindi naman ako manhid para hindi makaramdam ng paghanga dito. Nang hinila ni Krauna si Fiera ay alam ko na kung ano ang binabalak nito. Agad din na tumayo ako saka hinawakan ang kamay nito at agad na nagteleport papunta sa kwarto ko. Dito sa palasyo, hindi ko alam kung bakit dito samantalang ang iniisip ko kanina ay dalhin kami sa lugar kung saan magiging ligtas si Fiera. Tinititigan ako nito at pinipigilan ko ang sarili ko na halikan ito. Hindi rin ako sumasagot dahil baka biglang dumulas sa bibig ko ang salitang 'gusto kita'. Ngunit ng halikan niya ako ay nawala na ako sa aking katinuan at tinugon iyon. Napakatamis ng labi nito pero itinigil ko agad dahil baka kung saan pa mapunta. Hinawakan ko ang pisngi nito at hinaplos. Nakapikit siya, very beautiful. She's a goddess. "Molto bella." Iminulat niya ang kanyang mata saka ako nginitian. Kinuha ko ang kamay nito saka dinala sa silid-aklatan pero pagkapasok namin ay nanlalaki ang mata nito at nakaawang pa ang bibig. May mali ba? "May problema ba?" 'Di ko maiwasan na hindi mag alala. Napailing ito saka hinigpitan ang kapit sa aking kamay. "Pamilyar lang sa akin ang silid-aklatan na ito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD