Fiera
Inilibot ko ang paningin ko para hanapin kung nasaan ang libro ni Victoria pero hindi ko ito makita. Sa pagkakaalam ko ay inilagay ko lang ito sa lamesa. Sa loob ng library. Natigilan ako, Library, agad na napatakbo ako sa silid-aklatan ng palasyo saka walang pasabing binuksan ang pinto.
Bumungad sa akin ang napakadilim na silid-aklatan. Itinaas ko ang kamay ko para sana kapain ang switch ng ilaw ngunit nabigla ako ng may puting ilaw na lumabas sa palad ko. Tinitigan ko ang ilaw na iyon saka ikinuyom ang palad ko kaya nawala ito.
"I am hallucinating." Bulong ko sa sarili ko dahil hindi ako makapaniwala. Ilang araw na rin kasi akong nawewerduhan sa sarili ko. Bigla akong mawawala tapos mapupunta sa ibang lugar. May tubig na bigla ko na lang nagagawang yelo. Namamanipula ko ang apoy pati ang hangin at nakapagpatubo ng tanim sa loob lang ng ilang segundo. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin dahil naguguluhan ako. Kaya ko hinahanap ang libro dahil nagbabakasakali ako na naroon ang lahat ng kasagutan.
Pumasok ako sa silid-aklatan at mas pinili na 'wag na lang buksan ang ilaw dahil nakikita ko naman ang paligid. Itinaas kong muli ang palad ko at lumabas nanaman ang puting liwanag. Itinapat ko iyon sa lamesa at nakita ko ang libro. Agad na dinampot ko ang libro subalit natigilan ako ng may mga imaheng lumabas bigla sa isip ko.
Krauna
Natigil ako sa paglalakad ng mahulaan kong mahihimatay si Fiera kaya agad na nagteleport ako papunta sa silid-aklatan at nakita ko itong nagsisigaw habang hawak ang ulo. Huli na ako sa paglapit dito dahil naunahan ako ni Kaifier na ngayon ay yakap na si Fiera habang nagpupumiglas pa rin at nagsisigaw.
"Tumigil kayo!"
"Ahhhhhhhh 'wag!!!" Iyon ang paulit-ulit na isinisigaw ni Fiera
"Shhh, I'm here. Hey, hey look at me!" Pilit na pinaharap ni Kaifier si Fiera at tinitigan ang mata nito. Unti-unti na kumalma si Fiera at agad na niyakap si Kaifier. Lumapit na rin ako sa kanila makalipas ang ilang segundo.
"Umalis na tayo rito Kaifier." mahihimigan sa boses ni Fiera ang sobrang takot, nanginginig pa ito.
"Why?" Nagtataka na tanong ko..
"Susugod ang mga taong-lobo rito at magkakagulo sa pagitan ng mga bampira at kanilang hukbo, kaya umalis na tayo habang wala pa sila." Natatarantang pagsasaad nito. How did she know?
Napalingon ako sa pinto ng biglang pumasok si Athera na may hawak na kutsilyo "Too late! They're here. Sinisira nila ang west section ng palasyo. Doon nila gustong pumasok para agad na makarating sa trono ng reyna. Ang ibang mga kasama natin ay nasa ibaba na at pinipigilan sila na tuluyang makapasok dito sa loob."
Nag igting ang panga ni Kaifier saka tumayo pero pinigilan ito ni Fiera.
"Huwag, mapapahamak ka." Laking gulat namin ng biglang niyakap ni Kaifier ito saka bumulong, "Walang mangyayari sa akin. Manatili ka rito at kahit na anong mangyari hintayin mo akong makabalik. Krauna manatili ka rito kasama si Fiera. Tara na Athera." Biglang naglaho ang dalawa at naiwan kami ni Fiera na ngayon ay balisang nakatayo.
"No, no. Hindi pwede." Rinig kong sambit nito. Hinawakan ko ito sa balikat at bahagya pa itong napatalon sa gulat.
"Hindi pwede na magkaharap si Kaifier at ang isang babae."
Nangunot naman ang noo ko. "Sinong babae?"
"Kulay asul ang mata nito at laging may hawak na telang itim." Nanlaki ang mata ko ng makilala ang tinutukoy nito.
"Elixia. s**t! She's alive?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Fiera, hindi maaaring buhay pa ang babaeng tinutukoy niya sapagkat patay na siya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Si Elixia ay ang pamangkin ni Daemon na kalahating taong-lobo at kalahating salamangkera. Malakas ang kapangyarihan nito."
Mas lalong nabahala si Fiera. Napaupo kaming dalawa ng biglang lumindol. "Hindi maari!" Biglang sigaw ni Fiera saka hawak ang ulo, "Magkaharap silang dalawa." Mahihimigan ang takot at pangamba sa kanyang boses habang natataranta.
Nakakunot ang noo ko. Wala naman akong dapat ikabahala dahil alam ko na kaya ni Kaifier si Elixia dahil siya mismo ang nakapatay dito. Ngunit ang ipinagtataka ko ay kung papaano nakikita ni Fiera ang mga mangyayari. She has the same powers as me but in her case, she's beyond my level. Is she a seer? Nakarinig ako ng pagsabog ngunit isinawalang bahala ko ito at tinanong si Fiera.
"Fiera? Nakikita mo ang hinaharap?" Napalingon ito sa akin at mahinang tumango.
"Pati ang nakaraan." Confirm! Isa siyang seer. Muli ay nakarinig ako ng pagsabog kasabay ng malakas na sigaw ni Fiera.
"Ahhhhhhh!!! Noooo!!!"
At ng lingunin ko ito ay wala na ito sa pwesto nito.
"s**t!" Sigaw ko at lumabas ng silid-aklatan upang hanapin siya.
Kaifier
Agad na nagteleport kami ni Athera patungo sa west section ng palasyo. Naabutan namin na pinoprotektahan ng ilang bampira ang pintuan para 'di tuluyang makapasok ang mga ito ngunit nagulat ako ng makita si Elixia na ngayon ay nangunguna na sa harap ng mga lobo. Itinaas nito ang kamay at lumindol ng malakas. Hindi maari! Patay na siya!
Dahil sa presensya nito ay nawala sa isip ko na mapapalaban kami. Tumilapon ako at malakas na tumama sa pader ang likod ko. Pinatamaan ako ni Elixia ng isang makapangyarihang salamangka. Hindi agad ako nakatayo dahil pinatamaan muli niya ako ng kapangyarihan para hindi ako tuluyang makagalaw.
"s**t!" Marahas na pinunasan ko ang dugong lumabas sa bibig ko. Hindi ako papatalo. Nanlilisik ang matang tiningnan ko si Elixia.
"How are you my dear? Mukha atang kinakalawang ka na? Nagpahinga lang ako saglit humina ka na? How pitiful you are. Would you like to see yourself kneeling in front of me?" Napakawalanghiyang babae! Sinubukan kong tumayo ngunit muli akong bumagsak.
"You witch!" Galit na sigaw ko ngunit tumawa lang ito ng nakakairita.
"Nabalitaan ko na meron ka raw babaeng pinoprotektahan? I wonder who she is.. well, kapag napatay kita 'yong babae na iyon ang isusunod ko at uubusin ko ang angkan ninyong mga bampira! Kami lang ang narararapat na manatili sa mundong ito dahil nakakasikip lang kayo." May halong pang-aasar niyang sabi habang may nakakalokong ngisi sa kanyang labi.
"Bakit 'di ka gumawa ng sarili mong mundo huh, Elixia!" Napalingon ako kay Athera na ngayon ay nagpapalabas ng apoy sa kamay nito. She's enraged.
"Nakakatamad, aagawin ko na lang ang mundo niyo." Humikab pa si Elixia ng sinugod ito ni Athera ngunit bigla nitong itinaas ang isang daliri at naestatwa si Athera sa kinatatayuan nito.
"Hahaha! Ang hihina niyo na pala. Ang dali niyo ng talunin." Habang abala ito sa pang iinsulto ay sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko pero bigla akong napasigaw ng biglang uminit ang kalamnan ko.
"Hindi mo magagamit ang kapangyarihan mo. I put 'A LITTLE' spell on you," sabi nito at ngumisi sa akin.
"Arghhhhh!!!" Nanghihina na ako kaya itinigil ko ang pagpapalabas ng kapangyarihan. Hindi ako makakapayag na matalo ako ng isang babae lalong lalo na itong Elixia. Itinaas nito ang telang itim na lagi nitong hawak at nag usal ng ilang salamangka hanggang sa naging espada ito. Nakita ko pa ang kulay pulang likido na nasa dulo ng espada.
"Magpaalam ka na Kaifier Valzuela, dahil nasisigurado ko na ito na ang katapusan mo!!" Itinaas nito ang espada at akmang isasaksak sa akin ng biglang lumitaw sa harap ko si Fiera at nagpalabas ng itim na kapangyarihan na ibinato nito kay Elixia kaya nabitawan ng huli ang espada nito at hindi makapaniwalang nakatingin sa babaeng nakaharap na sa akin at hawak ang pisngi ko.
"Okey ka lang ba Kaifier?" Kita ang pag aalala sa mukha nito. Hindi agad ako nakasagot. Papaano nagkaroon ng kapangyarihan si Fiera. Umilaw ang kamay nito at makalipas ng ilang sandali ay nakagalaw na ako. Hahawakan ko na sana si Fiera upang magteleport pero kita ko ang biglang pagtagos ng espada sa dibdib nito kaya napalaki ang mata ko at hinawakan ang balikat ni Fiera.
"You b***h! Pakialamera ka! Ang dapat sayo ay mamatay!" Galit na sigaw ni Elixia saka akmang sasaksakin muli si Fiera ng hinarap niya ito. Mukhang hindi apektado si Fiera sa pagkakasaksak ni Elixia.
Kung nagulat si Elixia ay gano'n din ako. Dahil kampante lang na naglalakad si Fiera papunta sa umaatras na si Elixia na ngayon ay kita sa mukha ang magkahalong gulat at takot.
"Sino ka?!" Sigaw ni Elixia at itinuro si Fiera gamit ang espada nito.
"Fiera Infer is my name and you'll taste that my friend." Balewalang pagpapakilala nito, lumuhod si Fiera saka inilapat ang palad sa sahig ng palasyo at napaatras ako ng makita ang biglang pagsiklab ng nagbabagang apoy mula sa kamay nito patungo sa kinatatayuan ni Elixia.
"No! Ahhhhhh!" 'Yan ang huling sigaw ni Elixia matapos itong lamunin ng nagbabaga at nangangalit na apoy.
"No one dares to hurt the person I treasured." Hindi ko na narinig ang sinabi nito dahil sa pagsigaw ni Krauna.
"Fieraaaaa!" Tumakbo ito palapit kay Fiera saka niyakap ito.
"Bakit ka umalis? Okey ka lang ba? Wala bang nangyari sayo?"
"She's okey Krauna." Sabat ko saka hinawakan ang kamay ni Fiera at niyakap.
"Thank you for saving me and our castle."