Kaifier Nakaupo ako sa mesang narito sa aking silid habang pinaglalaruan ang likidong nasa loob ng hawak kong kopita. Nakatitig lang ako sa likido habang malalim ang iniisip. Pitong buwan na ang nakakalipas at hindi pa rin siya nagigising. Hindi pa rin bumabalik ang kamalayan ni Fiera . Kating-kati na ako na hukayin ang pinaglibingan niya at buhayin siyang muli. Hindi na ako makapaghintay ng ilan pang linggo o buwan bago siya muling makasama. Sabik na sabik na akong muling mayakap at mahagkan siya. Sabik na akong muling maramdaman ang pagmamahal niya at ang kanyang pagkalinga sa akin. "Labis na akong nangungulila sayo mahal ko." Bulong ko sa aking isipan. Marahas na bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa ang hingal na hingal na si Krauna. Marahil ay tumakbo siya mula sa baba at nawal

