Krauna Ilang taon na ba ang lumipas pero wala pa ring nagpapakita na Fiera. Hindi pa rin namin alam kung saan siya matatagpuan. Si Kaifier ay walang tigil sa paghahanap sa kanyang katipan, kung saan-saan na siya napadpad upang matagpuan lang ito. Pati na rin si Blood ay nangungunsumi sa sariling ama dahil hindi siya nabibigyan ng atensyon. Ang nag iisang prinsesa ng mga bampira ay makasarili, gusto lagi na sa kanya lang ang atensyon tulad na lang ngayon. Ngunit maganda rin naman ang asal nito, sadyang nasanay lamang na nasa kanya ang atensyon ng lahat sapagkat siya ang unang apo at ang natatanging anak ng prinsipe. "Ahhhh! I want my pixie!"malakas na sigaw niya habang sinasabunutan ang sariling buhok dahil sa inis. Nagwawala ito at nagpagulong-gulong sa sahig, pinapadyak niya pa ang kany

