Fiera Pansamantala na bumalik ang dati kong lakas kaya tumayo ako at lumabas sa kwartong estranghero sa aking paningin. Dinala ako ng paa ko sa gitna ng malawak na damuhan. Masuyong dinama ko ang saksak ko para suriin. Hindi pa ito tuluyang naghihilom pero wala naman akong maramdaman na sakit. Saan ba ako? At bakit wala sila Kaifier o kahit sina Athera Hindi ko rin nadidinig ang maingay na si Krauna. Sariwa ang simoy ng hangin sa lugar na ito ay mukhang masayang manirahan dito ngunit kailangan kong bumalik kay Kaifier. Batid kong nag-aalala siya dahil wala ako sa kanyang tabi. Pakiramdam ko ay may nagmamasid sa'kin ngunit hindi ko iyon pinansin saka naglaho na lang ako pabalik sa silid at naabutan ko ang isang estranghera. Nakatayo siya at nakatitig sa kopitang nakapatong sa maliit at pa

